Chapter 10

156 8 0
                                    

Armira's POV

Makalipas ang isang linggo ay hindi normal ang takbo ng buhay ko dito sa akademya. Palagi akong inaasar ni Ehrlish na babaeng malandi tapos si Storm? Ewan ko bigla nalang akong iniwasan kaya masaya akong nilayuan na niya ako. Kasalukuyan akong nandito sa sofa nanunuod ng movie, sunday kasi ngayon kaya walang pasok.

“Meir are you not bored?” Bagot na tanong ni Clara, halatang nabobored na siya dito, kahit ako naman eh pero ano naman ang gagawin ko? Ayoko naman lumabas kaya pinili kong manuod ng movie. “Kanina pa Clara.” Sabi ko sa kanya at kinain ang pop corn. Alas dos naman ng hapon kaya hindi naman sigurong masama I'll eat another snack right? I've been eating popcorn and pancake since this morning.

Di niyo ko masisisi, matakaw talaga kaming mga lobo pero pinagtataka ko ay hindi kami tumataba. Parang hangin lang ang nasa loob namin. “Let's do something.” She smirk. Somehow, hindi ko gusto ang ngisi niya. Parang may binabalak na masama. “Ano na naman Clara?” I released a heavy sigh and turn the tv off to face her.

“How about we prank somebody?” Suhestiyon niya.

“Oh come on, wala na bang iba Clara?” Hindi ko kailanman gusto ang kaisipang prank kasi makokonsensya ako pero itong si Clara? Walang patawad, palibhasa may abilidad siyang palutangin ang isang bagay ng hindi malalaman ng ibang tao. Tuwang tuwa pa nga kung iiyak eh o diba? Ang demonyo lang talaga.

“Hey, it's not like hindi natin to ginawa kahapon.”

“Nakokonsensya ako Clara.”

“Sobrang inosente mo naman, masama bang dumihan kita ng kunti?”

“Oo, masamang impluwensya ka sakin.” Pinagkrus ko ang aking braso. I needed a break and besides babantayan ko sina Yna at Darwin doon muna ako kapag nakatulog na sila ng maayos, Yna told me that Darwin keeps on having nightmares about what happened between them and Raven. Being the big sis here, I should comfort the kid.

“Sige na Meir please?” She pouted at lumuhod pa sakin. Takteng babaeng to nagpapacute pa talaga, alam niya naman na hindi ako makakatanggi. “Tsk, fine.” I scoffed as she jumps in the air. Para siyang bata na nanalo ng laro. “Tara na!” Hinila niya ako palabas at tumakbo kami papunta aa field. Madaming estudyante na tumatambay dito, may naglalaro, nag uusap, nagtatawanan at iba pa.

Sa mapipili ni Clara pakasaya muna kayo, dahil nagpaplano ang demonyo dito sa tabi ko. “Anong iniisip mo Clara?” Tanong ko pero hindi man lang ako pinansin kasi yung mata niya napapokus sa dalawang tao na naglalakad papunta sa harden. Ngumisi si Clara at hinila ako papunta sa palumpong upang magtago.

Tinaas namin kunti yung ulo namin para makita ang target. Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino, binaling ko ang atensyon ko kay Clara. Ang lapad ng ngisi niya! Gusto niyo malaman ang target? Si Ehrlish lang naman kasama si Cayden, sa aming dalawa siya talaga yung malandi. She's too clingy and Cayden? It was like he didn't care at all.

“Dahil palagi ka niyang inaasar, I'll avenge you.” I rolled my eyes.

“You talk as if she did me dirty Clara.”

“Oh yes she did Meir, she called you a slut. Isn't that enough? And please wag mo akong awatin.”

“Fine.” I gave in, hindi talaga makikinig sakin yan lalo na pag gustong gusto niya itong gawin. Tutok na tutok si Clara sa kanilang dalawa kaya ginaya ko na siya. Habang naglalakad sila ay bigla nalang nataas yung palda ni Ehrlish at nakita ng lahat ang kanyang lace panties which I jawdropped. Hindi lang ako kundi pati yung mga estudyanteng nasa field.

Natawa ako nang pumula yung mukha ni Ehrlish sa kahihiyan, si Cayden din eh. Ginalaw ni Clara ang kanyang kamay pataas at lumutang si Ehrlish.

“Ahhhh!! Who is responsible for this?! Heck, put me down!!

The HybridWhere stories live. Discover now