Chapter 37

118 7 0
                                    

Armira's POV

“So, what about Maximo's freedom?” Nandito kami ngayon sa kubo ni Yuro. Sabi kasi nila na mas mabuting dito kami mag usap dahil baka may makarinig samin tsaka excuse na din ako sa mga subjects ko.

“We'll discuss the Blood moon first.” Sabi ni Yuro at umupo sa upuan.

“The Blood Moon will be in four days from now, and my mother is forming an army of Rouges and Scalawags.” Sabi ni Kevin na ikinalaki ng mata ko.

“Ano?! Your mother is a lunatic!”

“Yeah we know at hindi lang iyan, Aramintha collected dead children and used your brother's blood to inject it to their body for them to become Turned Hybrids.” Sabi ni Yuro. Kung ganon, yung panaginip ko na may dalawang tao sa isang silid, si Aramintha pala yung babae pero yung lalake, sino? I clenched my fists. Noong pumunta ako doon ay wala na pala ang mga katawan at yung mga dugo sa opisina ni Ynor, siya kaya ang lalakeng yun?

“Bubuhayin ni Aramintha ang mga batang yun gamit ang kanyang amulet.”

“So totoo pala na may kapangyarihan ang kwintas na yun?” Tagis bagang ko.

“Oo Reina, yun lang ang kapangyarihan ng Amulet pero makinig ka, Aramintha can bring them back to life using her Amulet. Kapag wala yun, then they'll remain as dead kahit na nakatarak na ang dugo ng hybrid sa kanila.” Humalukipkip si Kevin habang nakatingin sa sahig as if he's in deep thought.

“We'll just have to destroy that damn amulet.”

“Yeah and only Maximo and you could destroy that Amulet.” Kunot noo kong tinitigan si Yuro, kami? Kung ganon, fine by me pero paano ko ba masisira yun kung kami ni Kuya ang kailangan gagawa non? He's trapped in that Amulet too.

“We'll form an army as well at mamaya, babalik tayo sa akademya para kausapin ang mga propesor doon to let the students train. So back to Maximo's freedom.” Napalunok ako bigla nang ngumiti silang dalawa sakin, anong meron at ganyan sila makangiti?

“You don't need to do anything for him to be free because, he can free his own.” Tinaasan ko ng kilay si Yuro.

“When the blood moon happens, Maximo will regain all his strength and energy back to free himself. Both of you will be the strongest at that time so talagang mawawala kayo sa huwisyo.” Paliwanag ni Yuro. Natandaan ko yung sinabi ng propesor namin na maari kaming makapatay kung sino makikita namin. Kahit iisipin ko pa lang, nangingilabot na ako pero gumaan ang pakiramdam ko nang malaman na makakalaya pala si Kuya.

“May napaginipan ako noon, nasa silid ako ng mga batang nakasabit sa kisame at nasa tapat ko ang isang lalake at babae. Dahil sinabi ninyo sakin na nagkolekta ng katawan si Reyna Aramintha, posibleng siya ang babae sa panaginip ko at ang lalake ay si Ynor dahil siya lang naman ang may dugo ng bata sa kanyang opisina.” Paliwanag ko sa kanila. Nagtagis ang bagang ni Kevin at kinuyom ang kanyang kamao.

“So you're saying that nakipagtulungan si Ynor kay Aramintha?” Tanong ni Yuro at tumango ako. Napatalon ako sa gulat nang bigla nalang hinampas ni Kevin ng malakas ang maliit na mesa.

“Traydor.” He hissed in anger.

“Sabi na nga bang may kakaiba sa kanya noon pa.” Sa lakas ng pagkahawak ni Yuro sa armset ay nasira ito.

“May hinala na kayo sa kanya?” Tanong ko.

“Oo, kakaiba kasi ang kinikilos niya and Maximo mentioned him many times.”

“Bakit hindi nyo siya kinausap?!”

“Because Maximo said so. Sabi niya we'll wait for the right moment.”

The HybridWhere stories live. Discover now