Chapter 5

1.5K 50 1
                                    

Weirdos

“Space-time manipulation.” gulat akong napatingin kay Aleister.

Sakay kami ng lumilipad na parang karwahe, open lamang ito kaya damang dama ko ang lamig ng simoy ng hangin.

Nasa pinakaharapan si Yukimura, nakaupo paharap sa amin at pinagmamasdan lang kami dito.

Nasa gitna namin ang captain na nakapikit lang at katabi niya ang nakatayong si Aleister. Kami ni Elliot ay magkatabi dito sa likod.

“Napansin ko yon habang pinag aaralan ang laban niyo bago kayo magkasundong maglaban nang kayo lang ang nakakagalaw.” napatingin lang kami kay Aleister na nagpatuloy sa pagsasalita. “Two years ago, may naglaban din na parehang time manipulator. Gaya ng isa sa inyo, mas lamang ang bilis at lakas ng isa.” I admit medyo mabagal pa ako pagdating sa paghawak ng patalim.

“Alam mo rin na mas malakas ang kalaban mo kesa sa'yo. That's when you decide not to use only your ability of manipulating the time. You have no choice but to use the space.” lahat kami ay tutok sa kaniya maliban sa kapitan namin na hindi ko alam kung tulog ba.

“Hindi ko alam kung nakita rin ng iba pero sa'kin, hindi nakaligtas ang pagbitaw mo sa medieval dagger na hawak mo nang sipain ka ng kalaban mo.” nagulat akong napatitig dito. His eyes are fast. Sa bilis ng galaw namin, masyado ba siyang tutok sa laban namin?

“Kitang kita ko na malapit na yon lumapat sa sahig pero nagulat na lang ako nung mawala yon. And I saw you lunging it at your opponent.” nakangiti niyang pahayag.

“You have no time on controlling the time, I'm very sure of it.” yes. Dahil ang kalaban ko ang may hawak nung oras na yon.

“Nang maglapat ang dalawang palad ng kalaban mo, alam mo na ang binabalak niya. Alam na rin ng iba yon, at kabilang kami doon. You can manipulate space, meaning pwede mo rin siyang dalhin sa space na kayo lang dalawa ang makakagalaw.” alam ko na pinopoint niya. Kahit si Yukimura na nagf focus sa pagkontrol sa lumilipad naming sasakyan ay interesadong nakikinig kay Aleister. Pag kami talaga nahulog dito.

“Penetrating it is. Kung nagmanipulate ka ng space that time, she's got the upperhand. That will surely reduce your energy, 'ight? That's when you decide to agree and does what she's doing. Para hindi lang ikaw mahihirapan.” oo, para pareha kami ang mauubusan ng lakas.

“Very well said, Aleister.” lahat kami ay napatingin kay Captain Astharoshe. Right, magalang pa rin naman ako.

“But don't forget what that healer said.” napakunot ang noo ko.

Bago kami umalis ay may lumapit sa kanilang healer. Hindi na namin narinig dahil lumayo sila.

“Iris, right?” tumango ako sa tanong ng captain kahit hindi ito nakatingin sa akin. Nasa harap pa rin ang paningin niya.

“I will not ask you what it is. But I will tell you what that healer said.” natahimik ako sa sunod niyang sinabi.

“Something strange is stuck on that girl's chest. Making her stopped on breathing. The healer can't recognized what it is. He can't find a cure either.”

——

“This is our hideout. Far from the Royal Kingdom but not too far. We're on the east district.” sa isang three-storey house kami nagstop, sa rooftop nito mismo.

It looks decent pero parang may mali sa loob.

We walked until we reach the corner of this roof and took the downstairs. Nilagpasan namin ang pangatlong palapag at habang papalapit kami sa pangalawang palapag ay lalong lumalakas ang ingay. May narinig pa akong pagsabog. The hell?

“You son of a bitch!” pag tapak pa lang namin sa ikalawang palapag ay kita na namin na nagkakagulo sila. Kitang kita namin ang lalaking lumilipad at handang ipaspas ang pakpak nito sa kaharap niyang lalaki pa. Mukha silang naglalaban.

At yun na nga ang nangyari. Pinaspas niya ang pakpak niya at daan daang feather ang pasugod sa kaharap niya pati na rin sa amin.

The other guy made a wood as his shield and I looked at the captain as he place his hands infront of his chest and it creates a big black hole. So hindi tumama sa amin ang mga feather at don napunta lahat yon.

Is he—?

Nasagot nito agad ang tanong ko nang humarap ito sa amin.

His deep blazing brown eyes has a rare pattern on its center. Is that— yagyu ryu yayuji?

It's fascinating.

Pero saktong pagharap niya ay agad niya iyong ibinalik sa normal.

Yes, it's too dangerous for the the normal eyes to meet that kind of eyes.

Alam ko yon dahil sa tuwing gagamitin ko din ang isa pang anyo ng mata ko ay iba't ibang ideya ang pumapasok. And I'm not that stupid not to get what its meaning.

Ilan pa kaya ang nagp-possess ng hindi pangkaraniwang mga mata?

“Sorry for the trouble. I hope you will use to it soon.” nakangiting sambit ng captain saka humarap sa harap.

“These two are the new recruits.” natigil na ang dalawa at lumapit sa amin.

“Anong kaya niyong gawin?” tinignan ko lang sila at si Elliot lang ang sumagot.

“I am a plant user.”

“And you?” tinaasan ko lang sila ng kilay at tinignan ang kabuuan ng palapag na ito.

May dalawa pa na busy sa kaniya kaniya nilang gumagawa. The girl is busy reading while drinking. Beer? While the other one is—i don't know if he's writing or sketching.

“Hey.” tinawag akong muli nung lalaking mukha wood element user.

“What?” napatunganga lang siya sa'kin at napasimangot. Natawa naman si Yukimura sa kaniya.

“It's okay, man.”

“They are your seniors. The other three is up to mission and I hope they will be coming home soon.” home.

“So you, seniors, tour or guide these two or do whatever you want. As long as walang mapapahamak sa kanila. Magpapahinga lang ako. Walang ingay na pwedeng gumising sa akin. Umayos kayo.” and then he disappeared.

I decided to walk towards the couch near the entrance but someone grabbed me.

“Hi, little angel!” nakangiting tawag sa akin ng babae kanina. Busy lang siya kaninang nagbabasa ah? May hawak pa rin siyang bote at tuluyan akong hinila sa isang kwarto. Library.

“It's time for tatoo! Saan mo gustong iplace?” napatingin ako sa kamay niya. May mga naglalarong sinulid sa ibabaw niya. Yun ba ang gagamitin niya sa pagt-tatoo?

I lift my shirt until it expose my whole stomach. Tinuro ko ang gilid mismo sa baba lang ng kanang dibdib ko.

“It's great.” at walang sabi niyang pinwesto ang palad niya doon.

“Fucking—” agad kong kinagat ang pang ibabang labi ko para mahinto sa pagmumura. Shit, it hurts!

“Done!” nakangiti niyang sigaw. Napahawak ako doon at hinarap niya sa'kin ang salamin. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak doon and there I saw my tattoo— a black rose inside of a a crown and they're both inside of a cyclic chain. Cool enough.

Palabas ako nang biglang pumasok ang apat na lalaki—including the guy na nagsketch kanina— hawak niya sa isang kamay ang notebook kaya nakita ko. And—

“Elliot?” buhat buhat nila si Elliot. What the? Napatingin siya sa akin na para bang nagpapatulong.

Pumapalag si Elliot pero pinalo siya sa pwet ni Aleister. Heck.

They really are a weirdos.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon