The Captains
Sakay sa karwahe, nakatingin lamang ako sa transparent na bubong nito kaya naman kitang kita ang mga kumikinang na mga bituin. Tinapon ko ang stick ng lollipop na naubos ko sa bintanang nakabukas lamang ng kaunti saka nanguha ulit sa bulsa. I really love lollipops.
Labindalawa kaming narito sa loob. Kaming mga nakuha at ang dalawang kawal na kanina lamang ay nagbigay sa amin ng makakakain.
Sabi rin nila ay malapit na kaya naman ginising na rin nila ang kambal, ang dalawang metal user. Magkamukha pala sila, ngayon ko lang napansin. Takuma at Kaguya ang pangalan nila at hindi ko alam kung sino sila doon.
“Ito na lamang ulit ang pagkakataon nating magkausap ng matagalan pero itong si Iris hindi man lang naisipang magsalita. Dati naman ay napakadami mong kwento sa amin ni Cadis.” pagpansin sa akin ni Elliot. Inirapan ko lamang ito.
“Dude, wag na wag mo na ulit gagamutin ang alaga nating reckless girl. Wala man lang utang na loob sa'yo.” may pa iling pa siyang nalalaman at tinapik pa si Elliot sa balikat. Kinuha ko ang tsinelas na suot ni Ryuuren dahil malapit naman sa'kin saka ko binato kay Cadis na nasambot niya rin naman.
Tinawanan lamang ako ng mga ito bago ibalik kay Ryuu ang tsinelas.
“Narito na tayo.” naramdaman namin ang paghinto ng karwahe saka nakarinig ng maingay na tunog ng metal. Mukhang tarangkahan iyon.
Muling umandar ang sinasakyan namin at sandali lang ay humint rin kaagad. May nagbukas ng kahoy na pinto at pinalabas kami.
Nasa tapat kami ng isang parang arena. Umakyat kami sa hagdan na may ilang hakbang lang at doon napansin kung gaano karaming tao ang narito.
Damn, parang ang village lang namin ang may kaunting representative sa taong ito.
“Magic users.” napatingin kami sa taas kung saan parang isang stage. May isang lalaking nakatayo sa pinakagitna noon. May nakalutang na bilog sa harap nito na umiilaw, sa tingin ko ay iyon ang nagsisilbing microphone niya.
Napansin ko naman ang anim na upuan sa magkabila niya. Seems like important persons are about to show up.
“You are about to show your skill in front of six royal families. Not everyone will be accepted so do your best, show us your full extent of your abilities. Unlike last year's tasting, today, there will be only one test. The duel. You have your own number, so when you're called, get up to the arena.” napatingin ako sa maliit na number na nakatatak sa kamay ko. 264.
Nagkatinginan kaming walo at muling tinignan ang lalaki sa taas.
“But before that, let me introduce to you, the prince and princesses from the Royal Families,” tumagilid ito at inilahad ang kamay sa gilid niya.
“From the Fahrenhart Family, Princess Aisha Fahrenhart.” a girl with a golden hair showed up. I suddenly raised my eyebrow when she didn't even bothered to looked at the crowds. Taas noo itong naglakad patungo sa dulong upuan sa bandang kanan ng naga-announce. Nakatayo lamang siya at matalim ang tingin sa hindi ko alam kung saan. Mukhang hindi niya gusto ang ganitong kaganapan.
“Prince Wolfram de Valliere.” nakangiti naman itong lumabas at naglakad patungo sa kabilang dulong upuan. Mukhang mas bata pa itong Wolfram sa akin. May kumikinang na hikaw sa magkabilaang tenga nito at lalo namang nagpapagwapo sa kaniya ang kulay kayumanggi nitong buhok na nakaayos pataas. Lalo rin siyang nagmukhang bata sa hitsura niya lalo pa at parang inosente ang paraan niya ng pagngiti.
They're not just a prince and princesses. Well trained din ang mga ito at nagsisilbing captain ng mga Royal Knights na hawak ng mga ito.
“Princess Fana Roulacase.” isang babaeng may pink na buhok ang lumabas at dumiretso sa tabing upuan nung Aisha. Tipid lang ang ngiti niya dahil mukha siyang kulang sa tulog. Nakayuko lamang siya at parang tama lang na may bangs siya para matakpan ang pagpikit niya. What's with these weirdos.
“Prince Krulcifer la Blanc.” pinanood ko lang siyang tuloy tuloy na naglakad sa katabing upuan ni Wolfram. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya—gutom? badtrip? antok? walang pake? natatae? ah malay ko.
“Prince Treize Montmorency.” nakangiting lumabas ang lalaking may pulang buhok. No, it isn't red. Nagsalubong ang kilay ko. I thought my hair is unique. Magkapareha ang buhok namin. It's crimson.
Though, may ilang hibla ang buhok ko na may kulay gray. Freakin' side effect.
Matapos niyang dumiretso sa katabing upuan ng prinsesang si Fana na katabi lang din ng naga-announce ay lalong naghiyawan ang ibang mga tao ritong kasama namin.
“Prince Astharoshe Dantalion.” nakangiti rin siyang lumabas at hinawi ang kulay asul na buhok. He's releasing this powerful aura thou, dahil sa pagngiti niya ay hindi naman iyon nakakatakot.
Most powerful prince and a captain indeed.
Dumiretso ito natitirang upuan na katabi lang din ng naga-announce at ni Krulcifer.
“Now, now. They're not a prince but a captain. Let's give them a round of applause.” tamad lang akong pumalakpak samantalang ang iba ay may paghiyaw pa.
“And their representative..” may mga lumabas at huminto ang mga ito sa likod ng upuan ng kani-kanilang captain. Dala-dalawa ang mayroon sila.
Napasimangot ako nang mapansin ang isang babae at isang lalaki sa likod nung Treize. Crimson din ang buhok ng mga ito. May mga kasama kami dito sa baba na pula ang buhok pero kung hindi yon pale ay red lang talaga.
Inangat ko ulit ang tingin ko. Yung babae ay naka bun ang buhok niya samantalang sa akin ay nakalugay. Hanggang hita ko iyon at malapit na umabot sa tuhod. Naka braid din ang buhok ko sa magkabila pero manipis lang ang ginawa ko.
Nang magsiupo na ang mga captain ay muling tumikhim ang lalaking kanina pa nagsasalita.
He didn't even introduce himself.
“Now, let's proceed. Clean up the arena. Step aside. The duel must begin.”

BINABASA MO ANG
The Royal Knights (Completed)
ФэнтезиI never wanted to be a knight. But the moment they gave this role to me, the truth slowly rambling around. So be it. As we protect this kingdom, I will find out who I really am.