Havoc
Nakangiti akong lumabas ng kwarto ko. Lalabas na kaya siya ng kwarto niya?
“Nasaan si Elquiorra?” tanong sa'kin ni Asta sa kalagitnaan ng almusal namin at sa kalagitnaan ng pag aaway ni Yaichi at Rufus sa natitirang manok.
“Wala na siya sa kwarto ko. Baka—” bigla na lang may tumalong pusa sa bintana at biglang humarap sa'min. Nagbalik na siya sa anyo niya at parang batang naiiyak na nakatingin sa'min.
“Captain, si Elquiorra.. sa kwarto nila.” dalawa kami ni Asta ang nangunguna sa pag akyat.
“Elquiorra!” nakalock ang pinto. Kinakalabog namin ang pinto pero naubusan na kami ng pasensya at sinura na ang pinto.
Dinaluhan namin si Elquiorra na bumagsak sa sahig at parang nahihirapang huminga.
“Si Iris..” pilit niyang salita.
“Nasaan siya?” napamura ako nang umiling siya.
“Ako na ang tatawag sa Royal Kingdom.” umalis na si Asta. Si Elliot naman ay dumalo na kay Elquiorra at ako ay nakatayo na lamang. Anong gagawin ko?
“Paanong wala?” medyo umayos na ang lagay ni Elquiorra at nakatabi na kami sa kaniya.
Si Yaichi, Rufus at Brioche ay nag ikot sa iba pang village. Si Shouka at Akiha ay sa kagubatan naman.
“Hindi ko maramdaman ang katawan niya. Konektado ang katawan namin pero hindi naman ako maaapektuhan kung simpleng atake lang ang ginawa sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyayari.” hindi na kami mapakali dito.
Pinahiram ko muna ng device ang lahat para makontak ang isa't isa. Pabalik na si Asta at nasabihan na si Yamato.
“Wala pa rin?” umiling si Elquiorra. Pero lalo kaming nataranta nang umubo na ito ng dugo.
“Shit. This is not good.” lumabas na ako at bumalik ng opisina.
“Mom?” ginamit ko ang device para sa pamilya lang namin.
“May problema ba anak?”
“Hindi ba sa Mennan ay may konektado sa iyo sa loob?”
“Yes. Bakit bigla mong naitanong? Ano bang nangyayari? Kakakita ko lang sa pinsan mo, nagmamadali.”
“'Di ba kung pisikal na maapektuhan ang katawan ko hindi madadamay ang taong nakakonekta sa'kin? Pero paano kapag nagkaroon ng epekto sa kaniya? Anong ibig sabihin non?” sandaling nanahimik sa kabilang linya.
“Curse. If I'd put a curse on you, the person you're connected with will be affected, so do I.”
Mabilis akong bumalik sa kwarto ni Iris.
“It's a curse.” walang alinlangan kong pagsasalita.
“What curse?”
“Village..” gulat naming tinignan si Elquiorra. “Malapit na siya doon. Elliot.. sa village..” tumatayo siya pero pinipigilan siya ni Elliot. “Please, I need to see her.” tinignan ko si Elliot.
“Mauuna na 'ko doon. Elquiorra, magpagamot ka muna kahit saglit lang. Magpunta ka kung kaya mo na.”
Wala akong masakyan kaya mabilis na akong tumakbo. I decided to hop on the branches, para mapabilis.
Shit. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Is she okay? Pero sa lagay ni Elquiorra, baka ganon din ang lagay ni Iris.
Pero sa sandaling matanaw ko siya, kitang kita ko ang kondisyon niya. I didn't expect it. Mas malala pa sa inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
The Royal Knights (Completed)
FantasyI never wanted to be a knight. But the moment they gave this role to me, the truth slowly rambling around. So be it. As we protect this kingdom, I will find out who I really am.
