Chapter 27

537 22 1
                                    

Strengths and Weaknesses

“Rins, chika.” nakaangkla ang mga braso niya habang naglalakad kami at kumakain ng ice cream.

“Girl, nirape ko kasi siya.”

“Fuck.” nakagat ko yung ice cream. Tangina ang lamig.

“Anong klase ka Rins? Paanong nangyari?” umasim ang mukha niya sa tanong ko.

“Ano yan? Idedemo ko pa?”

“Tanga mo naman. I mean anong pumasok sa utak mo at ikaw pa ang nangrape?”

“Matagal ko na siyang gusto. Nadala na rin ako ng alak kaya hindi na ko naawat. Wala na rin siyang nagawa nung bumalik siya sa katinuan kung 'di magpatuloy.” napakagat labi na lang ako.


“Hoy.” nagulat ako nang hilahin niya ako papasok sa dating pub na pinasukan namin.

“Hindi tayo iinom.”

“Kahit na. Baka matamaan ka dyan.”

“Ikaw ba ang ama? Alalang alala. Uupo lang naman tayo. Baka may mahanap ka rin malay mo.” inis akong nagpadala sa kaniya.

“Gusto mo dalhin ko dito yung ama?” inis akong umupo sa tabi niya. Nasa mahabang island counter kami at natutuwa ako sa tanawin. Bakit walang gwapo dito nung nakaraan?

“Sigurado ka bang walang magseselos?” inirapan ko siya at tinungga ang laman ng shot glass na inabot sa'min. Kinuha ko rin yung kaniya at nginisian siya.

“Bawal na ang nanay.” siya naman ang napasimangot.

“Hoy, dahan dahan lang. Ayokong umakay ng barumbadong lasing. Tsaka kagagaling ko lang wala pa atang isang araw?”

“Medicine.”



“Hoy, Iris.”

“Hindi ako lasing.”

“Tangina.”

“Shh, maririnig nung bata.”

“Gaga, lumabas na ba?”

Inirapan ko na lang siya. Matapos ng dalawa pang shot ay ako na ang humila sa kaniya.


“Hoy, wag kang haharap ng ganyan kila Captain. May gusto pa 'kong buhayin.”

“Oa mo.” tuwid naman akong maglakad e.




“So ayon na nga, malaki ang galit ko sa magulang ko.” hindi ko alam kung nasaan kami. Basta bumaba kami ng hagdan at naupo na lang doon. Madilim na rin kaya tuwang tuwa ako sa mga bituin. Hindi ko na rin alam kung bakit dumadaldal ako ngayon.

“Pero alam mo ba, iniisip ko pa rin na may mata sila dyan. Purong katangahan 'di ba?” tumatawa akong tinuturo ang kalangitan. “Wala lang, pinapaniwala ko lang ang sarili ko na baka may mata sila dyan, pinapanood ako, baka maisipan lang nilang may anak silang iniwan.” tinignan ko si Iris na tahimik ding nakatingin sa kalangitan.

“Gusto ko lang naman humingi ng sorry. hatred overpowered me. I never let my anger inside me burst out at promise, nagsisisi ako. Is your cheek, okay?” hindi siya sumagot. “Are you okay?” hindi ko alam kung anong naramdaman ko sa loob ng tyan ko nang tignan niya ako. I can see in her eyes— sadness? pity? sorrow?


“Are you okay?” I looked away. I never needed anyone to ask me how am I feeling.

“Hindi ko alam kung magkaaway pa rin kami ni Elquiorra. Well, he's happy when I woke up pero ngayon kaya?” iniba ko na lang ang usapan. Nagpapadala pa rin sa alak. Siya lang naman ang narito. Babae naman kami pareho.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon