Chapter 20

620 28 0
                                    

Confession

Two days had passed. At simula nung araw na makauwi kami dito ay hindi na ako lumabas ng kwarto.

Every morning, afternoon and evening, someone will knock on my door saying that the foods are ready, mag-iiwan sa tapat ng pinto. Kahit hindi ko ginagalaw yon, ni tignan ay hindi sila tumitigil bumalik dito.



Elquiorra was the only one entering my room. It's not like I'm allowing him. Of course he can do that, but thankfully, hindi siya nagstay sa'kin o sa kwarto ko. Hindi ko alam kung kanino siya nakikitulog o kung sa sala lang ba siya pero hindi ko na inisip yon.

He's giving me space. For the past two days, maligo, matulog at umiyak lang ang ginagawa ko. Everytime I'm taking a bath, I always lose my control and end up hitting the mirror.

Nakakabit yon sa tiles kaya feeling ko ay nagc-crack ang buto ko. Halos paubos na nga ang body-length mirror ko sa bathroom. Mukhang si Elquiorra din ang nagtatanggal ng mga bubog na nalalaglag sa sahig. Since siya lang ang pumapasok dito.



Nakaupo nga 'ko ngayon at pinagmamasdan ang nagdudugo kong kamay. I'm sure pag natulog ako at nagising ay wala nanaman ito.

Obvious din namang si Elquiorra ang gumagamot lagi nito.

Nagising ako na madilim na sa labas. Nakita ko rin si Elquiorra na nakaupo sa couch at salubong ang kilay na nakatingin sa'kin.

Umupo ako at nakitang wala ng sugat sa kamay ko.





“You! Look at yourself, Iris!” kahit nagulat ako ay hindi ko magawang magpakita ng ekspresyon sa galit na galit na si Elquiorra na tumayo na at lumapit sa'kin.

“Are you wasting your life?!” kitang kita ko na kahit sumisigaw na 'to sa galit ay nagtitimpi pa rin.


“Who said?” this is my first time speaking after two days. At wala ring buhay ang boses ko.

“None! But it shows!” umiwas na lang ako ng tingin dahil natatakot ako sa kaniya. Galit na galit talaga siya.




“Have you ever cried because of your real father?!” doon na ako napatingin sa kaniya. “Never!”

“Who fucking told you to speak about that fucking man?!” doon na ako nagalit. Napatayo na rin ako sa harap niya.

“Why? You're crying because of that master of yours. Pero ni minsan ba iniyakan mo ang totoo mong magulang?”

“May karapatan ba silang iyakan ng anak nila?” napatigil naman siya. “The moment they abandoned me, wala na akong koneksyon sa kanila.”




“They're your parents.”

“Who? My parents died few days ago.” bumalik nanaman ang lamig ng boses ko at umupo na ako sa kama. Humarap na lang ako sa bintana at tinanaw ang madilim na kalangitan.

“Sila ba ang nagluwal sa'yo?”

“That's what made me sad. Sana sila na lang ang nagluwal sa'kin.”



“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Iris?” sarkastiko akong ngumiti at humarap sa kaniya.

“Ikaw, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakit mo ba pinasok sa usapan ang mga taong yan?”

“Kung hindi dahil sa kanila, sa tingin mo nandito ka kaya?”

“Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko sana nararanasan 'to!” nag-iinit nanaman ang ulo ko.





The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon