The Necklace
Binato ko ng unan si Elquiorra. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa katatawa simula nang makita ang bukol sa noo ko.
Matapos kasi ng pangyayari kanina, kumain lang kami ng hapunan at dumiretso na agad ako sa kwarto. Tahimik lang nila akong pinapanood na iwan sila at hindi naman na nila ako tinawag pa.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng kwarto ay naramdaman ko ang pag iiba ng mata ko at bigla namang lumabas si Elquiorra. Natouch ako sa ginawa niya. Nakakatouch sobra. Lumabas pa talaga siya para masilayan ang bukol sa napakaganda kong noo. Gitnang gitna kasi yon, pulado talaga at parang maliit na bola kaya hindi na siya naawa sa'kin at hindi na lang pinalampas sa paningin niya.
“I can't stop laughing!” natatawa niya pang sigaw. Hirap na nga siya sa paghinga kakatawa.
“You should stop breathing too.” sabihin ko rin sanang matuluyan na sana siya kaso in the very first place, hindi pala siya tao.
Matapos maligo at mag aayos ay naabutan ko siyang paikot-ikot sa kama ko. Agad akong nanguha ng unan at hinampas sa kaniya.
“Ang ayos ayos kong iniwan yan, Elquiorra. Doon ka nga. Matutulog na 'ko.” tumabi nga siya pero binato niya rin ako ng unan na hindi ko na nagawang ilagan. Naglabanan lang kami ng tingin hanggang sa irapan niya ko.
“What are you? Gay?” inirapan niya ulit ako. Gwapo siya at kahit umirap ay hindi pa rin siya nagmumukhang bakla. Letse.
“Sus. Mukha ba 'kong bakla? Gwapo kong to?” talk about conceited.
Hindi ko na siya pinansin pa at inagaw ko ang comforter sa kaniya saka siya tinalikuran.
Kakapikit ko lang nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ako tumayo at nag-abang lang kung sino ang sisilip doon.
It's Captain Astharoshe.
“Did I wake you up?” nanatili lang siya sa pintuan. Napadaan pa ang tingin niya kay Elquiorra. Is it just me or I really saw a recognition on his eyes? Pero hindi ba at hindi pinanganak si Elquiorra? Yare yare. Sakit sa ulo.
“I was just about to sleep.” napatango naman siya.
“I've heard what happened. Come with me at the Royal Kingdom tomorrow.” isasara na sana niya ang pinto pero humarap ulit siya sa'kin. “Good night.” ngumiti siya at ako naman ay naiwang tulala sa pintong nakasara na.
“Elquiorra?”
“Hmm?”
“Sinong mas gwapo sa inyo ni Captain?”
——
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Kumakalam na ang sikmura ko pero tinatamad pa ako tumayo.
“It's already 1 p.m. Hindi ka na nahiya at mas pinairal mo pa ang katamaran mo sa gutom mo.” mabilis akong umupo at masamang tinignan si Elquiorra na palutang lutang lang sa loob ng kwarto ko.
Gwapo sana at magandang bungad pagkagising pero ang lakas mang asar ng inutil na yon.
Matapos maligo at ayusin ang sarili, dahil naalala ko na pupunta pala kami sa Royal Kingdom ni Captain, ay lumabas na ako. Saktong kalalabas lang ay napatingin ako sa bumukas na pinto sa dulong pasilyo ng palapag na ito. Ang kwarto ni Captain.
Gulat siyang napatingin sa'kin.
“Good you're awake. I'll wait for you. Kumain ka na.” nahihiya naman akong tumango at sumunod sa kaniya. Bakit ba kasi hindi ako ginising e.
Nagulat ako nang makitang marami ang nakahain sa lamesa kahit ako na lang naman ang kakain. Since ala una na ng hapon, I'm quite sure tapos na silang kumain.
BINABASA MO ANG
The Royal Knights (Completed)
FantasyI never wanted to be a knight. But the moment they gave this role to me, the truth slowly rambling around. So be it. As we protect this kingdom, I will find out who I really am.
