Declare a War
Nanatili lang akong nakaupo habang nakahawak sa kanang mata ko. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula dito.
Nakaalis na ang miyembro ng Espada pero mukhang tuloy pa rin ang ibang labanan dahil rinig ko pa rin ang mga pagsabog sa iba't ibang direksyon ng Capital.
Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta. Si Captain ay bumagsak na sa hindi kalayuan. Sila Rinslet naman ay nasa kabilang daan pero humuhugot muna ako ng lakas.
“Ako na sa kanila. Puntahan mo na si Astharoshe.” hindi ko na nagawang magulat nang bigla nanamang lumitaw si Elquiorra. Geez. I'm so exhausted.
Mabagal akong naglakad papunta kay Captain. Bumalik na siya sa dati pero mukhang nawalan siya ng malay. Ano bang form yun?
Inangat ko ang tingin ko at nakita ang anim na bahay at ang headquarter. Those remain untouched. Bakit sinira nila ang Capital? Lolokohin ko lang ang sarili kung mag aassume akong walang namatay dito.
“Hey, wake up.” unti unti na kasing nagmumulat ang mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang kabuuan niya. Hindi ko naman siya magagawang mabuhat. Pagod na rin ako para gumamit pa ng light magic.
“Are you okay?” I want to smash his face for asking me that. Puro galos siya, nagdudugo din ang noo niya na kumalat na sa pisngi niya, may tusok sa braso niya binti at kita ko rin ang hiwa sa dibdib niya dahil nasira ang damit niya.
“Compare to you, yes.” tinanggal ko ang cloak ko at pinatong sa kaniya. “Makakatayo ka ba?”
“I don't need the cloak. Or you're being turned on by my abs?” mabilis kong kinuha ang cloak at pabaldang binato sa mukha niya saka tumayo.
“Tumayo ka mag-isa mo.” aalis na sama ako pero hinawakan niya ko sa kamay.
“That isn't a nice way to treat a wounded hot guy, baby.” I just rolled my eyes. I quickly retract my hand when I saw the burn on his hand.
“You shouldn't touch me. Hindi talaga kita matutulungang tumayo.”
“Then wear your cloak. I want you to help me.” we stared at each other for about a minute when I accept the defeat.
Umupo ako at hinayaan siyang isampay ang kamay sa balikat ko. Good that the sleeves are longer, kaya mahahawakan ko siya gamit ang tela ng sleeves.
Matagal bago kami nakalapit sa pwesto nila Rinslet. Ang daming crystals na nagkalat. May mga tubig na nagkalat at may ibang nag aapoy pa. Nagtutulong si Elquiorra at Wolfram na pagsama samahin ang mga sugatan. Nakita ko si Rinslet na nakasandal kay Elliot at walang malay. Is her baby okay?
Puro galos siya at wala naman akong nakikitang critical part sa katawan niya. So bakit wala siyang malay?
“You seems so worried. Don't be. They're not weak.” hindi ako nagcomment sa sinabi niya. Yes, pero may limit lang ang galaw ni Rinslet.
“What's up, kuya Astharoshe! Looks like you can control it now.” Wolfram really looks like a kid. Dagdag pa ang energetic vibes niya.
“Not yet.” tinulungan ko siyang maupo kasaa ang iba pa.
“Hi, ate!” nginitian ko na lang siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko na agad ko ring binawi.
“Uh— sorry. You can't touch me.” at pinakita ko ang mga kamay ko.
“Oh, I forgot. Akala ko po ay wala na. Are you okay?”
“Yes. How about you?” nagtaka ako nang lalong lumawak ang ngiti niya at tumango.
“Waaah! Be my ate! I don't want Ms. Aisha she's so attitude and ate Fana is a bully.” tinawanan ko lang siya at inakbayan since hanggang balikat ko lang siya. Wala naman sigurong mali kahit prinsipe 'to.
“How's the crystal element user?” curious ako at paano niya napatahimik ang mga 'to.
“Wicked.” bitter ng pananalita niya ah.
“You seems pretty strong. Ilang galos lang ang meron sa'yo. Bakit ang bitter mo?” tinawanan ko na lang 'to.
“Walang laban ang lava element sa crystal niya. Sobrang lakas niya, ate. Hanggang sa bigla na lang kaming lahat nabalot ng crystal. Hindi na kami nakagalaw at bigla ma lang din siyang umalis.” nabalot? what a trouble.
Bakit hindi niya ginawa sa'kin yun kanina? Hindi naman sa gusto ko, pero bakit? E'di sama ako ang luhaan ngayon hindi siya. Or baka malaki ang naconsume non sa lakas niya? Whatever.
——
“Ilagay mo 'to sa table ni Iris.”
“Eto din.”
“Ikaw, Captain? Hindi mo papakainin yung alaga ni Iris?”
Umagang umaga ay sira ang gising ko na umupo ako. Nahagip ng mata ko ang kutsilyo at tinidor at binato ko kay Elliot at Rufus.
“Can you talk any louder, dufus?!” napatingin naman ako kay Rinslet na tumatawa. “What now?”
“Concern na nga sila sa ala— kidding! How are you, sleepyhead?” nasa iisang kwarto kaming buong squad. Nasaan pala kami?
“How about you? Are you okay?” matamis niya akong nginitian.
“Don'r worry, daddy Iris!”
“The fuck?!”
Nakakailang subo pa lang ako sa kanin na nakahanda ay nay kumatok na.
“Ms. Iris?” I just raised my hand. “The King wants to talk to you.” nagkatinginan pa kami ng mga kasama ko bago ako tumayo.
“How about me?” tanong ni Captain. Kawawa, naetsapwera.
Nililibot ko ang paningin ko sa hallway. Wala naman kung ano-ano. Paintings, vases and torch lang. I'm not comfortable walking around dahil sa suot ko. Hindi pa kami nagpapalit ng damit lahat simula pa ng gulo kahapon.
“Ahm— excuse me? Nasaan tayo?”
“Headquarter. Second floor.” ang cold naman ni kuya.
“The King is waiting for you.” pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako.
Malawak ang ngiti akong binati ng hari.
“How are you?”
“I'm fine, Your Majesty.”
“You may sit first.” tinuro niya ang upuan sa harap ng table niya.
“What are you feeling?” naguguluhan ko siyang tinignan. “The seal. Incandescent body skin.” ah.
“It felt so hot yet bearable. The cold weather and the aircon are really helping, Your Majesty.”
“I'm not sure but I think that will only disappear if the sealer remove it or—” napalunok ako nang lalo siyang naging seryoso. “Do you know someone with the same seal as yours?” matagal muna bago ako tumango. “Then he's the one who sealed it. If he happens to remove his' then yours as well.”
“Yun lang po talaga ang way?” kasi paano kung matagal pa bago mangyari yun? I can't keep this up for a longtime.
“Sa totoo lang, sa tingin ko ay hindi magtatagal at matatanggal na rin yan.” kinabahan ako. “You know your pursuers, Iris. And just what happened yesterday, there's a possibility that another Knights' War will surely happen sooner.”
Wala sa sarili akong lumabas ng silid na yon. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko namang hindi niya ako sasagutin. It's like, he wants me to find out everything on my own.
“Royal Knights.” napahawak ako sa dingding nang marinig nanaman ang boses niya. Bumubulong, mabagal at malinaw. Lucis Eraclea.
“My servant is suffering, thanks to you Iris.” oh, Asbel. Kumabog ang dibdib ko sa sumunod niyang sinabi.
“I hereby declaring a Third Great Mage War.”
BINABASA MO ANG
The Royal Knights (Completed)
FantasyI never wanted to be a knight. But the moment they gave this role to me, the truth slowly rambling around. So be it. As we protect this kingdom, I will find out who I really am.
