Chapter 10

1.3K 47 2
                                    

Unknown Mage

Habang nakalapat ang mga palad ko sa magkabilang tuhod ay hingal na hingal kong tinitignan ang isang malaking itim na bilog sa kabilang parte ng kwartong ito. Ito ang ginamit namin kahapon.

Pinunasan ko ang pawis gamit ang braso ko at pilit na tumayo ng maayos. Sa gilid ng itum na bagay na yon, sa bandang sulok ay nakatayo si Asta na nakacross ang nga braso at pinapanood lang ako.

“Kahit uminom lang, Asta. Payagan mo na 'ko.” walang hiya ka. Kanina ka pa. Paano ko itutuloy ang training na 'to kung hindi ako magpapahinga?!

Ang kailangan kong gawin ay patamaan ng kahit anong magawa ko gamit ang light magic ang ginawa niyang black hole. My light magic is not supposed to enter that black hole, hindi dapat mahigop, kailangang malagpasan yon.

Pero hindi ko talaga magawa.

“I told you already, walang kakain hanggang hindi mo nagagawa ang pinapagawa ko. Gutom na rin ako.” magrereklamo pa sana ako kaso ay kailangan kong umiwas dahil gaya kanina, ginawa niya nanamang isang patalim ang black hole na yon at pinatama sa'kin.

Gumawa ulit siya ng bago at padabog akong humarap don. I raised my hands facing the hole, throwing an unceasing light balls.

I suddenly stopped still raising my hands. I need to concentrate.

I let a deep breath and closed my eyes. Concentrate. With just a seconds, I can feel my power overflowing. And then I opened my eyes.

Nakita kong umayos ng tayo si Asta. This will be my last blow. I'm really out of energy. Kapag pumalpak pa 'ko, wala na 'kong magagawa kahit pa pilitin akong tumayo niyang si Asta.

Hinanda ko na ang kamay ko. “That damn dark magic!” and with my remaining energy, I cast the blades of light. And before my back hit the ground, nagawa kong makita ang paglagpas non sa dark magic ni Asta. Bumaon yon sa dingding.

Hinihingal lang akong nakatingin sa kisame. Naramdaman ko naman ang paglapit niya.

“Kung hindi kita ginutom, malamang ay hindi mo maiisipang magconcentrate ng maigi.” no, may lakas pa 'ko. Kaya ko pa.

I looked at him. Nakatayo lang siya sa gilid ko. I immediately summoned a light whip and wrapped his leg and pulled it.

“Iris?!” ngayon ay parehas kaming bagsak sa sahig.

“Food.” nanghihina kong pagsasalita. Nauuhaw na rin ako.

“Maghintay ka dito.” lumabas siya at hindi rin naman nagtagal ay bumalik siyang may dalang dalawang tray ng pagkain.

Nilantakan ko kaagad yon but I made sure na hindi ako nagmukhang patay gutom.

“It's delicious.”

“Si Aleister ang nagluto. He's a great cook.” steak ang ulam pero may sarsa ito na talagang nagpapasarap. Hindi naman kasi ako marunong magluto e.

“Here.” natapos na kaming kumain at saglit lang ang oras na binigay niya sa'kin para makapagpahinga. At dahil nga sa kademonyohan niya, saktong pagbagsak ng mata ko ay binato niya ako ng tinidor. Syempre wala akong choice kung hindi ang umilag agad, nagising tuloy ang diwa ko.

And now, may isang itim na bola naman ang lumulutang sa harap ko.

“Wrap it using your light.” saka siya naupo sa tabi.

It's my sixtieth attempt. Again, I spread a light magic through my hand. I don't need it to be broad but to be dense.

Muli ay tinapat ko ito sa ilalim ng itim na bola. Slowly, it's sucking the light. No, not yet.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon