Prologue

3.4K 95 2
                                    

Sitting at the trunk of a tree, eating a bunch of french fries, I blankly stared at the Royal Tower.

Nasa pinaka tuktok ito sa gitnang parte ng kagubatang ito. Kahit napakalayo ay napalaki non tignan. May nakapaligid ditong anim na malalaking bahay. Where the Royal bloods' lives.

Halos lahat ng kasing edaran ko ay nag eensayo para sa darating na pilian para makasama sa isa sa mga Royal Knights.

At isa ako sa mga walang interes sa bagay na iyon.

Nang maubos ang kinakain ko ay basta ko na lamang tinapon sa kung saan ang pinaglagyan ko non. Hindi ko gusto ang maraming hugasin.

Tumayo ako at balak na sanang tumalon pababa ngunit naramdaman ko na lamang ang paglutang ko.

Masama ang tingin kong bumaling sa may kagagawan nito.


“What do you think you're doing, Galius?” kasing edad ko lamang ito, kasama siya sa mga nag eensayo para sa nalalapit na pagsubok.

“Lumilipad nanaman ang isip mo, Iris. Nagbabago na ba ang ihip ng hangin at nagbabalak ka na sumama sa akin papunta sa Royal Kingdom?” I froze the time.

Tumalon ako sa tabi nito at tinutukan ko siya ng maliit na patalim sa leeg na nakuha ko sa bulsa ng jacket na suot nito.

“What the—” nagulat ito nang halos maidiin ko na ang patalim sa kaniya.

“Told you, wala akong interes sa mga walang kwentang bagay.” kinuha ko ang kamay niya at pikon na nilagay doon ang patalim saka siya nilagpasan.

Pumasok ako sa isang kakahuyang bahay.

“Iris! Saan ka nanaman nanggaling? Nasaan si Galius? Magtatanghalian na.” maglalakad na sana ako ngunit pagbukas ng pinto ay isang pangahas ang pumasok at hinila ako papalapit kay Yami-sensei at sa asawa nitong si Lau na kalong kalong ang tulog na siyam na taong gulang na anak nito, si Ion.


“Nakatanggap ako ng mensahe. Ang ilang kawal daw ay pupunta sa lahat ng villages. Aalamin daw ang abilidad ng bawat bata para malaman kung sinong maaaring tumungtong sa pagsubok.” what? hindi ganoon ang paraan nung nakaraang tanong.

Napatingin ako kay Yami-sensei ngunit umiwas din ako kaagad. I have two abilities at siya lamang ang nakakaalam non. Though, I didn't intend to tell him that. Aksidente niya akong nakikitang nag eensayo nung sampung taong gulang ako sa bandang tuktok ng bundok sa likod ng bahay na ito.

It's very rare to have more than one ability kaya naman may interes ang mga tauhan ng Royal Kingdom sa mga taong ganoon. That's why I hid it.

Hindi ko gusto ang Royal Kingdom lalo na ang mga walang kwentang maharlikang taong mga nakatira doon.

Ang walang kwentang diskriminasyon.

Saktong pagtapos naming kumain ay may kumatok sa pinto.

“Yami, narito na ang mga kawal na ipinadala ng Royal Kingdom.” I don't have a choice but to go outside together with Galius.

Naabutan namin ang hilera ng mga kasing edaran namin o mas matanda samin ng isa o dalawang taon. Sa pinaka huli kami pumwesto ni Galius.

Saka sila nagsimulang magtanong at magpakita ng abilidad.

Sa apat na earth user, dalawa lang ang nakuha. Si Ryuuten at si Cadis.

Isa lang ang fire user, si Rukia at nakuha ito.

Dalawa ang metal user at pareha din silang nakuha. Hindi ko na alam ang pangalan nila.

Walang natanggap sa water user at isa naman sa plant user. Si Elliot. He's a great healer indeed. Kaya naman para sa'kin ay tama lang na nakuha ito.

The other three got a superhuman strength at dalawa ang napili. Si Reim at Sitori.

Kami na lamang ni Galius ang natira.

He flew and buoyed things.

And me? How can I show them my ability? Wala sana akong balak mag isip para maipakita ito pero ang nakakapikong si Galius ay nagsuggest.

“She can manipulate time. How about, throw things at her and we'll see what happen?” masama ang tinging ipinukol ko dito nang magtanguan ang mga kawal. Kinindatan lang ako nito.

Kinuha nito ang espada at walang babalang ibinato sa akin. Napangisi ako nang may maisip.

Gaya kanina ay pinahinto ko ang oras. Naglakad ako patungo sa nakalutang na espada at kinuha ito. Lumapit ako sa kawal na nagbato nito at tinutok ko mismo sa kaniya ang dulo ng espada nito bago ko tuluyang bitawan ang pagkontrol ko sa oras.

Nanlaki ang mata nito pero agad ding nakarecover.

“Very useful. Sa paanong paraan mo pa nakokontrol ang oras?” very useful? paano pa kung nalaman niyang may isa pa akong kakayahan?

“Whatever I want to. And I'm not just a mere controller.” napatango ito. Mukhang alam niya naman ang ibig kong sabihin

“Time user.” pinalapit kami sa iba pang napili.

“Sasama kayo sa amin.”

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon