Chapter 36

510 15 0
                                    

Sticky Encounter

“Hey. Any names?” tanong ko kay Rinslet. Narito naman ako ngayon sa kwarto niya at umiinom nanaman ng alak.

“Wala pa 'kong maisip. At bakit ba dito mo pa naisipang mag-inom? Bumalik ka na nga sa kwarto mo.” naghahanap ako ng magandang libro sa shelf niya pero ang gaga, mahilig lang ata sa romance.

“Para mainggit ka.” kawawa, bawal.

“Well, no thanks. I love my baby.”

“I love you, too.”

“Yuck?!”

Nang maubos ang isang bote ay umupo na 'ko sa couch niya. Binuksan ko na rin ang junk foods na tinakas ko pa sa kusina kanina.

“Mag-isip ka na kasi ng pangalan. Pag babae? o lalaki? Pag-isipan mo na kasi.” parang ako pa yung naeexcite sa baby niya.

“E'di ikaw mag-isip. Ganon ba kadali yun?  Atat ka lang kamo.” inirapan ko na lang siya. Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pinto niya. Nanlaki ang mata ko at agad na naghanao ng pagtataguan ng boteng hawak.

Nang bumukas yon ay nilapag ko na lang sa sahig sa gilid ng binti ko. Gilid na gilid na kasi ang couch.

“What are you doing here?” agad na tanong ni Captain. “I'm looking for you.” napataas na lang ang kilay ko.

“Chat.”

“We'll go out for a mission.” agad akong napatingin sa kaniya. Ngayon na?

“Saan? I thought all the missions are put on hold?” well, inannounce yun kamakailan lang.

“Yes. But we need herbs and all sorts of medicines. Hindi naman laging nandyan ang mga healer. We'll go to the Med Island. Come on.” napatango na lang ako sa kaniya at sinenyasan siyang mauna ng lumabas pero hindi pa rin siya gumagalaw.

“Susunod ako.” pero umiling siya. Geez. Makikita niya ang bote kapag tumayo ako at naglakad. Tumingin naman ako kay Rinslet pero umiwas siya ng tingin.

“We need to go now.”

“Hindi pwedeng maligo muna?”

“Uunahin mo pa ba yan?” naligo naman na 'ko, wala lang akong maidahilan.

“Eto na nga.“ tumayo na 'ko pero hindi pa rin siya tumatalikod. Nang magsimula akong maglakad ay sinigurado kong natatakpan yun ng suot kong roba.

“Let's go!” tinulak ko na siya palabas.

“Enjoy!” padabog kong sinara ang pinto ni Rinslet.


“You reek of alcohol.” hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nasa harap lang naman namin ngayon ang isang dragon.

Mas nahihilo pa 'ko dahil sakay ako ng dragon kaysa sa alak.

“Don't vomit.” mabilis kong tinakpan ang bibig ko. “Malapit na tayo.” pero nasusuka na talaga ako.

Pagmulat ko ay nasa baba na namin ang Island na tinutukoy niya. Pero hindi pa man lumilipad pababa ang dragon ay may sumanggi na dito kaya agad kaming nalaglag.

No, no. Shit. I don't want to throw up yet. Kinagat ko ang labi ko para mapigil yon. Nagawa naman akong masalo ni Captain bago kami tuluyang malaglag sa lupa. And finally, mabilis akong lumayo sa kaniya para sumuka.

“Parang nung kailan lang, sabi mo last mo na 'yan.” nag-abot siya sa'kin ng panyo. Okay, good. May bag siya at mukhang may dala naman siyang pagkain.

“Well, it's a prank.” pero ano ba yung sumagi sa'min?

“I see. So you're preparing for an upcoming war. Looking for herbs?” if it isn't Hakua and Yuuto. “We're not here to fight you. But what a coincidence, right? Then might as well have fun.” nagulat na lang ako nang biglang parang may force na tumutulak sa'min papunta sa kanila. Yuuto and his repulsion and attraction ability. What a pain in the ass.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon