The Boy
After he said that, Shouka and Brioche entered the room dragging someone.
Are they part of my training?
“No.” Brioche stated. Nakakunot akong bumaling sa kaniya. He just read my mind.
“He's going to find out what's the real objective of Karu-sa no me.” pinaupo nila ang nakataling lalaki at sinandal.
“Wake up.” sinampal siya ng mahina ni Shouka. “I said wake up.” napangiwi ako nang napalakas yon. Saan nila nakuha yan?
“He is one of those bandits na nakalaban niyo kahapon.” again, Brioche read my mind. Tch.
“Iris.” tinanguan ko lang si Asta at naglakad patungo sa lalaki. Umupo ako sa lalaki.
“Ang mga mata mo..” saka ko lang narealize, kaya ko ng tagalan ang matang to.
He's on the middle of admiring my eyes when I decided to do it.
When we became one, I found out what it can do.
“Ah!” the guy screamed in pain. “Hindi! Anong nangyayari? Ano to?!” it's like a curse.
Napahiga ako at sinapo ang mga mata ko habang pumipikit ng mariin. Pero hindi na siya ganoong kasakit hindi gaya kahapon.
Sumisigaw pa rin ang lalaki, nagrereklamo, nagtatanong, sinusumpa ang buhay niya.
“She's removing those happy memories that left him suffering, remembering only those damnable memories he had. It's cruel.” pagpapaliwanag ni Brioche.
Nagmulat ako at tinignan to. Nakita ko naman na nakatingin din siya sa'kin. Mas gwapo pala siya kapag ganitong nasa ibaba ko. Pero mas gwapo pa rin pag nakaside view siya. Ang hot niya.
“Can you return it?” pagtatanong ni Asta. Like hello, hinahangaan ko pa ang katabi mo.
Muli akong umupo at hinarap ang nagsusumigaw na lalaki. He's hurt.
“Hey.” pagsipa ko ng mahina sa nakataling paa nito. Hindi siya tumingin sa'kin. I was about to call him again when he suddenly stopped shouting, and from his looks, at seems like he's a robot now. With an expressionless face na para bang hindi siya nagwawala kani-kanina lang.
“I can just slap him again, you know, Asta. No need for body control.” rinig kong pagsasalita ni Shouka. Oh, so he's being controlled. Tumingin naman agad ito sa akin na parang walang buhay ang mga mata pero matapos non ay sumigaw ulit siya. Doon ko ibinalik ang alaalang kinuha ko sa kaniya.
Natahimik siya pagkatapos non. “Anong ginawa niyo?!” gigil na gigil niyang sigaw.
Hindi ko na siya pinansin at nanghihinang tumayo saka naglakad patungo sa sulok ng kwartong ito. Mas lalong sumakit ang mata ko kumpara kanina.
Naupo ako at sumandal. Kakapikit ko pa lang ng maramdaman ko ang ang kamay na pumahid sa mukha ko. Pagmulat ko ay bumungad si Asta na nakaluhod lang ang isang tuhod at nakaharap sa akin.
“Lalabas na kami.” narinig ko si Brioche bago ang pagsara ng pinto.
“It's bleeding again.” nakatingin lang siya sa mga mata ko. Tinignan ko rin ang mata niya. His left eye possesses the Yoro Kanji. Ang ganda talaga ng pattern na yun.
“Pwede mong titigan ang mukha ko, hindi lang ang mata ko.” inirapan ko siya.
Tumayo siya at nilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman yon at tumayo.
“Tapos na tayo para sa araw na to. Bukas na ulit. Magpahinga ka dahil hindi kita titigilan bukas kahit magreklamo ka pa.” binuksan niya ang pinto kaya dumiretso na ako doon.
BINABASA MO ANG
The Royal Knights (Completed)
FantasíaI never wanted to be a knight. But the moment they gave this role to me, the truth slowly rambling around. So be it. As we protect this kingdom, I will find out who I really am.
