Chapter 16

685 37 0
                                    

The Tree

Tahimik akong lumabas ng kwarto niya. Hindi ko na nagawa pa ang dapat kong gawin kung bakit ako lumapit sa kaniya.

“Hey!” hindi ko nakikita kung sino ito dahil may humagis sa mukha ko. Tinanggal ko yon at tumingin kay Rinslet. Hinila niya ang braso ko.


“You're coming with me.”

“Where?”

“Downtown.”

“And why is that? Magkakasama kayo sa baba, bakit hindi sila ang inaya mo?” huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na din ako. Tumingin siya sa'kin. “What?”


“Come.” at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nakanganga akong napahinto sa bungad ng living room. They're back.

“Walang matinong tao ang magsasama ng ganyan sa bayan.”  but I'm very sure you're one of them, Rinslet.



Kahit hindi sila kumpleto ay hindi yon sapat para mapanatiling maayos ang sala. The wall was completely cracked, just like one more hit and it will perforate.

And of course, si Yaichi at Rufus ang nangunguna na kasalukuyan nang nagsasakalan at paikot ikot sa sahig.



“What the hell?!” Akiha's currently painting the floor.

“I'll go with you.” sinuot ko ang cloak ko na hinagis niya sa'kin kanina. Hihilahin ko na sana palabas si Rinslet nang makita ko ang pagkawasak tuluyan ng dingding. Nadamay pa pati bintana.

“Has been influenced, eh?” nagkalat ang halaman mula sa labas ng nasirang pader papasok dito na kumakalat na. Nadamay na siya. Nadamay na si Elliot.

——

“So why are we here?” pinagtitinginan kami at talagang tumatabi sila sa daraanan namin. Hindi naman sila ganito dati, baka dahil hindi ko suot ang cloak ko noon.


“Walang laman ang ref.” nagningning naman ang mga mata ko nang makuha ang ibig sabihin nito. Pagkain ang pinunta namin dito. I heard Rinslet laugh.

“Pagkain muna na itatabi sa hideout ang bibilhin natin. Pagtapos non yang alaga mo naman, so chill.” hindi ko na siya pinansin at pinamadali ko na kung saan ba bibili.

“Oh, Rins! Ito at sariwa pa ang prutas. Wala pang isang linggo at nandito ka na ah? Bakit dati naman inaabot ka pa ng isang linggo bago bumalik?” lumapit kami sa isang stall ng mga prutas. Matandang babae ang nagtitinda at mukhang close sila. Tumalikod na lamang ako at tinignan ang mga taong hindi maiwasang pagmasdan kami habang dumadaan.


“Nana! Hindi nga rin po kasi ako nainform na hindi lang dalawa ang madadagdag sa'min, may kasama pong alaga.” napairap naman ako nang tinapunan niya ako ng tingin saglit.

“Ah, siya ba yon?” napatingin naman ako sa matanda.

“Hi, I'm Iris.” yumuko lang ako ng bahagya.

“Ako si Nana. Napakagandang dilag naman pala. Akala ko ay lalaki nanaman ang mapupunta sa inyo.” bumaling na siya kay Rinslet kaya tumalikod na ulit ako.

“Lalaki po yung isa.” tinuro na niya ang kailangan niyang bilhin saka kami nagtungo sa bilihan ng mga gulay.


“Oi, oi. Rins. Hindi ka pwedeng tumawad ngayon at nangangailangan ako ng pera.” masyado naman ata siyang close sa kanila? suki?

Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya akong akbayan.


“Need not worry! She's Iris, siya na ang magbabayad.” tinaasan ko lang siya ng kilay at tinanggal ang pagkakaakbay sa'kin.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon