Chapter 37

485 16 0
                                        

War

Nagising ako dahil may nagbibihis sa'kin.

“Good morning.” nakabihis na agad ako at sinusuot niya na lang sakin ang jeans. Siya naman ay mukhang balak lang magpants.

“Morning.”

Ang sabi niya ay mamayang hapon na lang kami pupunta ng Capital dahil mamayang gabi pa naman daw ang dating ng Uncle niya. Katatapos lang namin magtoothbrush at pinipilit ko siyang dito na lang kumain. Nahihiya ako sa iisipin nila since nakapagpalit na kami ng damit.

Tinatawanan niya lang ako nang may kumatok sa pinto.

“Hey. It's me.” boses ni Elquiorra kaya naman ako na ang nagmadaling lumapit para pagbuksan siya. Pero naramdaman ko ang sakit kaya napakapit pa muna ako sa pader.

“You okay?” napatango na lang ako.

“Mahal na mahal ako ng kambal ko.” pang uuto ko na lang sa kaniya dahil may dala siyang dalawang tray ng pagkain.

“Naawa lang ako sa'yo.” matapos niyang ilapag yon ay inirapan niya lang ako at binirahan ng alis. Sisipain ko pa nga sana siya pero nahila na 'ko ni Captain.

Wala si Rinslet. Ang tagasubo ko.

Nasa bowl lang ang kanin kaya naman hindi na 'ko nahirapan pa. Pero habang kumakain ay naiisip ko lang kung hindi ako lalabas ng kwartong 'to. Ang boring naman at mukha niya lang ang makikita ko. Pero naisip ko naman ang nangyari kagabi. It's a no, no. Ang sakit pa kaya.

“Look at this.” pinakita niya sa'kin ang mansanas. “Mas mapula ka pa dito.” I just glared at him, hiding the embarrassment. Geez.


“You sure want to stay here?” nag-iisip din naman ako.

“Where's my robe?” hindi ko alam kung paano niya pang naisip na markahan lang kung ano ang matatakpan ng roba ko. Ako kasi ay nawala na sa katinuan.

Inabot niya naman sa'kin yun at sinuot. Tinulungan niya naman akong i-zip yung sa bewang.

“Tara na.” ayaw kong amagin sa kwarto niyo. Naabutan nanaman namin sila sa living room.

“Good morning, lovebirds.” napairap na lang ako kay Aleister. Dumiretso kami sa couch na mukhang iniwan para sa'min.

Napatingin ako kay Rufus. He's pale as dead. Kagagaling niya lang daw sa Capital.

“She wants to rape me.” para siyang maiiyak na hindi mo malaman. “Ang laswa.” tinutukoy niya ata yung matandang babaeng sinasabi nila.

“Nakuha mo ba?” natatawang tanong ni Yaichi.

“Hindi. Mukha ba?”

“Mahina ka naman pala.”

“E'di ikaw magpunta doon.”

“No way.”

“Bakit hindi na lang kayong dalawa?!” naiinis na sigaw ni Rinslet.

“Rock, paper, scissors!” nagulat ako sa biglang sigaw ni Rufus pero talo din siya. Malakas na tumawa si Yaichi.

“Ikaw na lang kasi, Rins!” pagpupumilit ni Rufus. Bahala sila dyan.

“What?” nilahad ko ang kamay ko kay Aleister. Kumakain nanaman kasi siya. “Last na 'to. Mamaya ka na.”

“Dali na. Madamot ka na?” sinimangutan niya na lang ako pero inabot niya rin naman sa'kin.

Gusto ko ng lollipop.

The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon