Chapter 19

697 37 0
                                    

Fallen

Tulala ako sa village naming napulbos na. May nagliliyab sa iba't ibang banda ng village. Lahat din ay bagsak na maliban sa mga taong pamilyar sa'kin.


Once ko na silang nakita sa isang parte sa mataas na burol. Alam kong sila yon dahil sa telang nakabalot sa mga braso nila. Galing sila sa iba't ibang village na pinatalsik dahil sa kawalang hiyaan nila. Dahil sa kagaguhan nila.

Mataas akong tumalon papunta sa nag-iisang posteng nakatayo. And there I saw their leader. Pointing the tip of his sword on Yami-sensei's neck.



Pinigilan ko ang pag-iyak ko nang mapansin ang asawa niyang yakap yakap ang anak nila sa tabi niya. Walang buhay.

Nakaluhod siya at mukhang hinang hina na. Nagdudugo ang noo na tumutulo na sa magkabila niyang pisngi, malaki ang hiwa sa kaliwang braso at puro galos na hanggang sa binti. Nag-init ang ulo ko nang mapansing may patalim na nakabaon sa tagiliran niya.



Tinignan ko ang paligid. Nakita ko ang ibang nakasama namin sa arena na nakahandusay sa paligid.


Bakit ba nila ginagawa 'to?

Tumalon ako pababa habang nakatingin kay Sensei pero kasabay non ay ang pagguho ng mundo ko.

“No!” bumagsak ang walang buhay na katawan ni Yami-sensei. “You—” napatingin na silang lahat sa'kin. Nakangisi, tuwang tuwa.


“Oh, late ka na!” nagsitawanan naman sila. Hindi niya nilaslas ang leeg ni Yami-sensei. He thrust his sword into it.

Nanlalamig ang buo kong katawan. Bigla ring lumakas ang hangin na para bang sumasabay sa nararamdaman ko, nagpapahiwatig ng panganib. Nag iinit ang dugo ko.


“I'm late.” I slowly walked towards them making a swords of light on both of my hands. I let it touches the ground while I'm walking. “But it's too early for you to enter hell!”

It's not me anymore. Hatred and rage filled me. I let the darkness ate me.

Mabilis ang pagkilos kong inubos ang mga kasama niya. I don't know how but what's done is done. Lahat ay may butas sa leeg.




Nawala ang ngiti niya sa labi.

“You just took what's most important to me. What's your name?” napatingin ako sa espadang hawak ko. It's made of light but still, hindi yon sapat para pagtakpan ang sariwang dugong dumadaloy doon. Hinayaan ko lang na nakasayad ang espada sa sahig habang humahakbang ako papalapit sa kaniya, kumakalat tuloy ang dugo sa lupa. “Whole name.”


“L-lucaon. Lucaon Hossen.” oh, no wonder his face is familiar. Wanted siya. Sa kasong pagnanakaw at pagpatay din.

“I doubt you don't have a family.” namutla naman ang mukha niya.

“Scared? You took the life of my family.” napaupo siya nang makalapit ako sa kaniya. Nangangati na ang kamay kong ihiwalay ang ulo niya sa katawan niya gamit ang patalim na hawak ko.



Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong lumuha nang tahimik. Nakita ko ang pag-ngiti niya.

“Crybaby, eh?” lalong nandilim ang paningin ko at hindi ko na kinaya. The blade of my sword almost touched his bared neck when someone's hand that covered in black stopped it.

“Look around you, Iris.” naiiyak kong tinignan ang nagsalita. When I saw the concern in his eyes, parang gusto ko na lang bumagsak sa kaniya at aluin niya 'ko. I'm hurt, Captain.



The Royal Knights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon