Chapter 9: Cruelty
Nakatulog agad ako sa gabing iyon. Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng pagbubungkal. Sumalubong sa akin si Undoy pagbaba ko ng bahay, pinapakain niya si Romeo.
"Nandito po si Kuya Cassius."
Halos namilog ang mata ko at kumaripas pabalik ng bahay.
Naligo ako agad at nagbihis na madaling natapos. Wala si Tiya Dolores at malamang wala rin si Tiyo Francing.
"Ate Stella! Nandito si Kuya Bruce!"
Bumagsak ang aking balikat at tinapos ang pagsusuklay. Galing sa loob, naririnig ko ang kwentuhan ni Undoy at Bruce.
Nilapitan ko sila at ngumiti na nginitian rin ni Bruce pabalik. Nilahad niya ang paperbag sa akin. Nakaligtaan ko itong kunin kahapon.
"Naiwan mo." nakangiti niyang sambit.
"Oo nga, e. Salamat sa paghatid nito."
"Salamat rin kahapon, Stella. Sobrang natutuwa ako sana maulit iyon..."
Nginitian ko lang siya. "Galing ka pa sa Resort?"
Marahan siyang tumango. "Hinatid ko lang iyan sa'yo."
"Naku, nag abala ka pa." natatawa kong sambit.
He smiled and slightly adjusted his glasses. "Aalis na ako, ihahatid ko pa sila Henry."
Agaran akong tumango. "Sige, ingat kayo sa biyahe..."
Hindi ko inaasahan ang paglapit niya at mayakap ako. Gulat ako sa buong pangyayari na hindi siya naitulak. Ngumiti siya sa akin at nagpasyang sumakay sa sasakyan para makaalis na.
"Kuya Cassius, hindi kumakain ng mani si Romeo."
Napaigtad akong bumaling sa aking likuran. Ang nakahubad ng t-shirt na si Cassius ay naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. He crouched down and petted Romeo.
Kumurap kurap ako at naglakad pabalik ng bahay. Napansin ko ang hinahawakan na paperbag, kunot noo akong tiningnan ang laman. Isang sketchpad at set ng oil pastel.
"Undoy." mahina kong tawag.
Inosenteng nag angat siya ng tingin sa akin. Hinarap ko ang paperbag sa kanya na may pagtataka.
Ngumiti siya sa akin. "Hinatid po iyan ni Kuya Bruce, Ate Stella. Kakaalis lang po niya."
My lips parted. I saw Cassius' eyes fixated on me.
Nagpunta rito si Bruce? Nakalimutan ko itong paperbag kagabi. Kunot noo akong napatingin sa daan na walang bahid na sasakyan o tunog.
May sinabi si Cassius kay Undoy at tumango ito bago pumanhik sa gawi ko. Diretsong nakatingin siya sa akin. Walang bahid ng kung ano. Nag iwas ako ng tingin. Gusto kong mabuwal sa kinatatayuan at kainin ng lupa. My symptoms just occurred again.
"You good?" banayad niyang tanong nang huminto sa aking harapan, hinahanap ang aking tingin.
Bahagyang huminga ako at ngumiti. "Yeah, all good."
He gave me a warm, assuring smile. "Go get change."
Kumunot ang noo ko. "I'm not going to a doctor, Cassius. They will say the same."
Marahas siyang huminga at yumuko.
"Is that what you want?" bulong niya.
Tumango ako. Nothing will really change if I will go to a doctor. This is.... I guess I can say, normal.
Pumungay ang kanyang mata bago tumango.
Lunes, unang araw ko sa Logon Provincial Hospital. Nauna akong nagpunta sa paaralan upang makasabay ang kaklase ko na roon rin magt-training.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
Любовные романыA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...