Chapter 7

39.2K 885 65
                                    

Chapter 7: Scars

Hinatid niya ako pabalik ng eskwela. Ganoon, kasama ko ulit si Angie papunta sa trabaho. Medyo nabagot si Jack sa loob ng bahay kaya nagpalit kami ng pwesto. Sa labas ng bahay kung saan tanaw ang mahabang taniman ng gulay. May mga tao roon sa kamalig nag-aayos ng mga ani at ang iba naglilinis ng damo sa lupa. May katulad rin ni Mason na nagbubungkal ng lupa.

"Ohm's Law..." puna ko habang tinitingnan siyang nalilito kung ano ang gagawin.

Tungkol na ngayon sa Electrical Circuits ang kanilang leksyon. Ang apat na taon na pinag-aralan Physics ay naging dalawang taon lang para sa mga Senior High.

"Resistance po ang hinahanap, Ate Stella."

Tumango ako at tinuro ang naturang formula ng Ohm's Law.

"Katulad kanina, diba nand'yan ang R sa gilid? I-transpose mo ulit para mapalabas ang R."

Ngumiti siya at pumalakpak ng isang beses. "Ay, oo! Katulad kanina sa Current?"

Nginitian ko siya at tumango. Nagpokus siya ulit sa ginawa. Hinayaan ko siyang mag-isip habang inaanalyze ang problem.

"Ano nga ulit ito, Ate?" tinuro niya ang unit ng Current.

"Ampere..."

Sinulat niya iyon sa kanyang kuwaderno. He wrote it all down on his notes and putting a label beside it.

Paglabas namin ng gate, nagulat ako na naroon ang sasakyan ni Cassius sa kabilang daan. Lalapitan ko sana iyon nang hinaklit ni Angie ang aking braso palayo. Napatingin ako sa gawi ng saksakyan ngunit agad ring bumaling kay Angie dahil sa hila niya sa akin.

Ayaw ko namang mag-isip ng kahit ano ang kaibigan kaya hinayaan ko siya at hindi nagsalita tungkol roon. Lalo na nang mabagal na tumakbo si Mason papalapit sa amin. Alam nila na hindi na ako nakipagkita kay Cassius, huli na iyong hinatid niya kami. At hindi ko na ulit siya nabanggit sa mga kaibigan pagkatapos noon.

Hinatid ako ni Mason pauwi at inaanyayahan siya ni Tiya Dolores na roon na maghahapunan. Pinaunlakan niya iyon ngunit hindi rin nagtagal sa bahay.

Bago natulog, pinapaguhit ako ni Undoy. Larawan ng kanyang laruan at si Romeo. Nakaabang siya sa akin habang ginagawa ko iyon, binigyan pa niya ako ng bond paper at crayola para doon. Gusto niya raw'ng ipagdikit sa bubong ng kanilang silid.

Nagpaalam ako kay Tiya Dolores pagkatapos nagdidilig ng halaman. Naroon na si Roxsan sa bahay nila Dads pagdating ko. Malaki ang bahay nila, ito yata ang pinakamalaking bahay ng Logon. Halatang mamahalin ang kagamitan na gawa sa modernong teknolohiya.

Sa bakuran nila kami nagsasagawa sa proyekto. Dumating si John medyo late na ngunit may dala itong merienda para pambawi.

"Heto..." sabay lahad ni Dads sa piraso na ipagdidikit ko.

Seryoso kong ginawa iyon at may munting pawis na ang aking noo. Hindi naman mainit ngunit nahihirapan lang kami sa pagdikit. Palit-palit kaming apat para gawin iyon.

Huminga ako ng malalim ng matagumpay itong dumikit. Kinuha ni John ang tabla at siya na ulit ang nagdidikit sa piraso roon. Gamit ang kutsilyo, hinasa ko ang barbeque stick gaya ng ginawa ni Roxsan.

"Merienda muna tayo," si Dads at tumayo.

"Ang tigas nito!" daing ni Roxsan sa hinahasa na stick.

Tumayo ako ngunit patagilid iyon. Hindi ko rin inaasahan na diretso sa akin ang puntirya kanyang hawak na kutsilyo. Nanlaki ang mata ko sa mabilis na pangyayari. Nanlaki rin ang kanyang mata.

"Stella!" gulat niyang bulalas.

Dahil mapuwersa niyang hinasa ang matigas na stick, nawalan siya ng kontrol roon kaya dumiretso sa aking braso at gumawa ng diagonal slit.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon