Chapter 27

31.1K 679 133
                                    

Chapter 27: Alaala

Pagod ang eksaktong termino sa aking nararamdaman. It's like I've been fighting a silent battle without a weapon. It's like there's a hole inside me and it is painful but there's no tears coming out from my eyes to release the pain.

Mulat na ako at nakatingin sa puting ilaw. Unti unti akong umupo habang napatingin sa bintana. Puno ito ng hamog tila kakatapos lang ng ulan. Binalingan ko ang dalawang tao na nasa mahabang plastik chair, tulog si Tiya Dolores at nakaunan si Undoy sa kanyang hita, nakabaluktot.

Gamit ang habol sa aking hinihigaan, binigay ko iyon sa kanila. Dahan dahan kong nilagyan ng kumot si Undoy.

Hindi ako sigurado kung saan dinadala sa mga paa. Kusang naglakad ito tila may sariling isip. Sinalubong ako ng malamig na ugoy ng hangin at tinapak ang mga paa sa basang semento. Tila isang baliw na nakatingala ako at naroon ang kalahating buwan sa ibabaw, pinalibutan ito ng malaking halo. Bahagyang kumunot ang noo ko at tinitingnan lamang iyon. Hinarap ko ang mga bituin ngunit natabunan ito sa sinag ng buwan.

Napaka komplikado ng buhay.

Unti unti nasira ang halo. Bumalik ako sa loob ng ospital at ganoon pa rin ang posisyon ni Tiya Dolores at ni Undoy. Lumalim na ang gabi ngunit di ako dinalaw ng antok. Tila buong buhay ko, natulog ako at ngayon lang gumising.

Unti unting dumilat ang aking mga mata nang narinig ang iba't ibang boses ng tao sa aking paligid. Ang malapad na ngiti ni Angie at Tala ang bumungad sa akin.

"Gising na, Tiya!"

Ngumiti ako sa kanila at naupo sa higa.

"Nag aalala kami, Stella! Wala ng masakit sa'yo?" nag aalalang sabi ni Tala.

Lumapit si Tiya sa amin at ngumiti. Dumapo rin ang tingin ko kay Ruben na nakaupo sa tabi ni Undoy bago paumanhin na ngumiti.

Sumingap si Angie. "Stella, nakalimot ka ulit?"

Bumukas ang pintuan at pumasok galing roon si Dra. Pacete kasama si Mason. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil nandito siya.

"How are you feeling, Stella? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" si Dra. Pacete nang tumabi sa akin.

"Wala na po, Dra..."

Marahan siyang tumango. "Konting kirot?"

Umiling ako.

Mahina niyang tinapik ang aking balikat at ngumiti. Kinausap ni Dra. si Tiya Dolores at hindi ko na ito narinig dahil sinunggaban ako ng mga pag aalalang salita ng aking mga kaibigan. Inirapan ako ni Angie, binibiro, at binigay ang naka styrofoam na pagkain.

"Malalate na kami," si Tala.

Humalakhak ako at tumango. Nagpaalam silang dalawa ni Angie para makaalis na patungo sa kanilang pagti–training kasama si Ruben na hinatid si Undoy pauwi sa bahay. Mahina namang ginulo ni Mason ang aking buhok nang nakaalis sila.

"Pwede na bang makauwi ngayon?" tanong ko.

Tinanguan niya iyon. Humiga ulit ako dahil sa bigat na nararamdaman. Isang ngiti ang ginawad ko sa kanya.

"Pwede mo bang maiwan ako sandali?" mahina kong sinabi at muntik nang napiyok ang boses.

Tinabunan ko ng mga kamay ang aking mga mata dahil nang-iinit na ito at nagbabadya ang luha. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto at roon tuluyan umiinit ang aking dalawang mata para sa mga luhang kagabi ko pa gustong makawala.

Dumaloy ang aking luha sa gilid ng aking mga mata at hindi napigilan ang hikbi. Sumingap ako ng hangin dahil sa tuyo na lalamunan at para mabawasan ang bigat na nararamdaman.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon