Prologue

117K 1.7K 406
                                    

"Dahan-dahan lang! Matisod ka pa d'yan!" sigaw ng kasambahay namin habang tinakbo ko ang kahabaan na daan.

Humalukipkip ako at huminto tsaka tiningnan siyang hinahabol ako. Napahinto siya at hinihingal. Palya akong ngumiti habang kumakaway.

"Bilisan mo, Manang!"

Napailing ang matandang kasambahay sa akin habang naghahanap pa ng hangin. Ilang sandali, naglakad na siya papalapit sa akin.

"Mamamatay talaga ako nandahil sa iyo, Stella," iling niya.

Inabot ko ang aking kamay sa kanya at naunang naglakad, hila-hila siya. "Sabi n'yo po bukas pa uuwi si Mommy,"

"Iyon ang sabi ni Ser, Stella, hindi ko alam bakit napaaga." tugon niya.

Pagka-lapit namin sa hagdanan ng aming mansion, binitawan ko agad ang kanyang kamay at tumakbo, ulit, papasok ng bahay. Agad kong nakita ni Mommy sa engrandeng hagdanan at may hamak Louis Vuitton hand bag at kasunod niya ang kasambahay na sina, Jose at Mitchelle, na may inakay na malalaking maleta. 

"Mommy!" bati ko sa mataas na tinig.

Tila nakakita si Mommy ng multo nang napahinto. Mas lumalaki ang aking ngiti at tumakbo ulit para mayakap siya.

"Stella, anak, akala ko naglalaro kayo sa bahay ng Tita Ester mo," malumanay na sabi ni Mommy at niyakap ako.

Ngumiti ako. "Umuwi po ako agad para makita kayo. Miss na miss ko na kayo, Mommy." malambing kong sambit.

Tipid na ngumiti si Mommy. Hinaplos niya ang aking pisngi at bahagyang nagkaroon ng ibang timpla ang kanyang maamo at elegante na mukha. Totoong maputi ang balat ni Mommy ngunit mas nadepina lamang iyon sa suot niya. Wearing a red short-sleeve ruffled dress and a pair of designer shoes, black, and a light make up on her face. Hindi naman kailangan ng make up si Mommy dahil maganda na siya at maputi. I got my porcelain skin from her, soft and round eyes, and a perfect narrow nose too. Nakuha ko rin ang aking maliit na bilog na mukha sa foreign descendants ni Daddy.

Bahagyang tumagilid ang aking ulo sa panunuri. Mommy bends her knees before kissing my cheeks and letting it stay there for a minute.

"Mommy?" may halong takot ang boses ko.

I diverted my eyes to the maids downstairs and the two big luggage beside them.

"Anak..." there's trouble in her breathing. "I want you to take good care of yourself, okay?"

Napabaling ako sa kanya, naguguluhan. "What are those luggage for?"

She shook her head.

"Nothing is more important than yourself, Stella. Always remember that." ngumiti siya sa akin.

"I won't be here to teach and watch you grow but I have great faith in you." she added reassuringly.

My forehead furrowed. Lumakas ang tibok ng puso ko, puno ito ng pangamba at takot. Her eyes turned red. Nalukot ang kanyang mukha and I see no beauty in it. It is sorrowful. Tears starts to fell from Mommy's eyes.

"I'm sorry, anak. I hope you'll forgive me." hikbi niya.

"Why are you crying, Mommy?" naguguluhan kong tanong at dahan dahang naiiyak na rin. "You act like you're leaving me"

Mas lalong umiyak si Mommy sa sinabi ko. Naramdaman ko ang panghihina niya habang hawak ang aking magkabilang braso. Umiling siya at napayuko.

"Hindi mo dapat makita ito," nanginginig niyang sabi. 

I extended my arms into my Mommy, into her neck. I embrace her into a tight hug like I always do. I think she's in pain and I don't understand but I am hurting too.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon