Chapter 2

56.3K 1K 157
                                    

Chapter 2: Nawawala

Regardless of the tight class schedule. I managed to finish my class for the rest of the day before going into a meeting with the Students Council.

"Chris, ikaw ang bahala sa stage, ah? Kay Honey ko ipapahawak ang mga booth." si Vanilie, ang President ng Council na nagtatalaga ng mga gagawin sa papalapit na School Festival.

Bakit pa ako napasali rito? Paulit ulit kong tinitingnan ang oras sa wall clock. Thirty minutes nalang, malalate na ako sa pagtu-tutor!

"Sino ba ang naassign sa cheerleading, Van?" tanong ni Chris, secretary.

"Si Stella..."

Agad akong napatingin sa kanila.

"Hindi pwede si Stella, Van, kasali siya sa cheerdance namin," pigil ni Danillo, ang bakla kong kaklase.  

Kumunot ang noo ko. Hindi ko ata alam iyan!

"'Di ako kasali d'yan, Dads. Pwedeng ako na ang bahalang mag facilitate do'n kung sakali," agap ko.

Umiling agad siya. "Ikaw ang ihahagis namin, Stella. Hindi pa naman tayo nakapag praktis pero madali lang ang steppings. Don't cha worry..." natutuwa niyang sinabi.

Namilog ang mata ko. "Ayoko ng ganoon, Dads. Hindi naman ako marunong sumayaw tsaka—"

"Ano ka ba, gagamitin natin ang kinis mong balat! Ang ganda mo, Stella, dapat pinapakita iyan hindi tinatago..." he grinned. "Basta, Van, kasali si Stella sa cheerleading, sa iba mo nalang ipapasa."

Sumasayaw lang ako kapag compulsory o para sa grado! Gusto kong umapila pa pero mas tatagal kami rito at may trabaho pa naman ako!

Natapos ang aming meeting na halos wala akong naintindihan roon. I walked past the east corridor down to the last floor of the Engineering Department.

Ten minutes nalang at malalate na talaga ako. Biyernes ngayon kaya hindi kami nagsasama ng aking mga kaibigan. May klase pa si Ruben hanggang alas singko at hanggang alas sais naman si Mason. Gayundin sa pagkikita namin sa lunchbreak, nagkasundo kami na magkikita ni Angie roon kina Ma'am Grace samantalang didiretso si Tala sa shift niya doon sa coffee shop.

Mabilis akong naglakad palabas ng gate na mahigpit na nakayakap sa aking mga libro. May traysikel na nag-aabang sa labas kaya agad akong nakasakay. Halos tumakbo na ako papasok sa bahay nila Ma'am Grace!

Bukas ang kanilang pintuan. Naroon na si Angie sa sala kasama si Jones sa kanyang tabi at si Jack na naglalaro ng gadget sa kabilang couch, malayo sa dalawa. Huminga ako ng mabuti, inayos ang sarili bago nagsimula nagtungo sa kanila.

Umangat ang tingin ni Angie. "Nandito na si Stella, Jack."

Ngumiti lang ako kay Jack na nilapag ang kanyang tablet sa upuan. Tinabi ko ang aking jansport bag sa kay Angie.

The boyish, talkative Grade Eleven, Jack placed his books on the table. Seryoso siya habang ginagawa iyon.

Sinikop ko ang aking buhok at nilagay sa kanang balikat.

"Icancel mo muna bago iadd... " si Angie sa kanyang tinuruan.

"Saan na ang diskusyon ninyo, Jack?" tanong ko sa binata.

Binuksan niya ang kanyang notebook. Hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang sinulat roon. Tumango lang ako ng makita ang salitang Vector Addition.

"Ito po ang sample problem na binigay ni Miss Edith. Hindi ko po alam kung paano sagutan." sabay turo sa nakabox na sinulat niya.

Nagsimula akong nag paliwanag kung ano ang buong context ng kanilang topic.

"Vector Addition is finding the sum or resultant of two or more vector quantities..."

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon