Chapter 8: Pagpili
Staring ahead. I wasn't breathing for a few minutes, I was holding it in till I couldn't anymore. I am all aware of his intense stare on me.
"Let's go back..." halos pabulong iyon.
There's a deafening silence inside the car. He deliberately maneuvered the car back in a slow ride.
"Sa bahay n'yo ako kakain?"
Anong klaseng tanong iyan! Kinalma ko ang sarili.
"Inimbitahan ka ni Tiya kaya natural na doon ka kumain."
"Hmm... okay."
Yes, I prefer we'll stay silent. Nasa isipan ko pa rin ang nangyari kanina! Paulit ulit ko itong naaalala. Maraming tanong ang nasa aking isipan ngunit hindi ko kayang maisatinig iyon.
"Palagi bang pumupunta ang mga kaibigan mo sa bahay?" mahina niyang tanong.
Napalunok ako, hindi pa rin nakatingin sa kanya. "Depende lang."
Agad akong lumabas sa sasakyan paghinto nito. Nasa labas sila Tiya Dolores, may kaluwagan sa kanilang mukha nang nakita kami.
"Bigla lang kayong umalis, nagulat kami." si Tiya Dolores.
Nginitian ko sila at nagpaumanhin.
Inabala ko ang sarili sa anu-anong bagay para lang maiwasan si Cassius. Naghuhugas ako ng baso kahit na tatlo lang iyon at nagwawalis na parang tanga sa loob ng bahay. Tinulungan ko si Tiya para magluto ng hapunan kahit na maaga pa naman nang natapos ako sa pinapaguhit ni Undoy na bangka sa dagat at eroplano sa himpapawid.
Naghihiwa ako ng kalabasa at rekado ng ginataan. Hinanda ko rin ang gata sa lamesa habang nagpapakulo ng tubig si Tiya Dolores.
Kalaunan, naghapunan kami ng matiwasay. Bandang alas nuwebe, nagpaalam na si Cassius para umuwi. After he left, we burned the midnight oil.
Satisfied and proud. I admired our work, the miniature that is made of glass and hard board. From the eye level point of view, it is formed as a face of a man. The image of a child wrapped in cloth in the arms of a mother, the image of a tombstone and a coffin were both sides. A few twisting moves can make the miniature as it is. Because of the galaxy underneath as the base, the whole thing looks gloomy.
Ngayon ang unang araw nila Angie at Tala sa pagiging student teacher kaya naisipan kong bumisita sa kanila roon pagkatapos magcompile sa lahat mga proyekto, pinasa ang iba at may tinapos. Malapit na rin ang job training ko kaya doble kilos ako sa mga gagawin.
Habang naglalakad pababa ng hagdanan, nakasabay ko si Mrs. Romagos na may dinadala sa dalawang kamay.
Nginitian ko siya. "Tulungan ko na po kayo, Ma'am."
Tipid siyang humalakhak at sinubukang ibalik ang sling ng kanyang bag sa balikat. Kinuha ang box na may lamang aklat at folders.
"Saan po ito dadalhin?"
"Sa sasakyan lang. Naku, may lakad ka ata, Stella."
Umiling ako at ngumiti. "Hindi naman ako nagmamadali."
Nauna siyang bumaba sa hagdanan at sumunod ako sa kanya.
"Malapit na ang graduation, atat na ang lahat. Sigurado akong isa ka roon." sabi niya sa may panunuksong tono.
Natawa ako roon.
"Manila ka agad pagkatapos? Marami ka roong opportunities."
"Hindi po ako sigurado. Baka dito lang ako magtatrabaho."
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...