Chapter 36

32.4K 582 139
                                    

Chapter 36: Kinakakatakutan

A knock at my door made me jump.

"Miss, pinapababa po kayo ni Ser."

Pinunasan ko agad ang aking pisngi kasabay sa pag abot ng remote upang patayin ang balita nang mabilis na nakatayo.

"Si–Sige, susunod ako."

Tila nakalutang ako nang pumasok ng bathroom habang pinunasan ang pisngi at nanghilamos para mawala ang bahid ng luha sa mata.

Nagbabadya pa rin ang luha sa aking mata at ang bilis ng tibok ng aking puso. Umiinit ang gilid sa aking mata ngunit pinipilit kong kimkimin iyon.

Unknown Number:

Hindi ako nagbibiro, Stella.

Why... Bakit nangyari ulit ito? Nanunuyo ang aking lalamunan at suminghap ako ng hangin upang bigla ng kaluwagan ang aking baga ngunit wala itong silbi. Bumibigat lamang ang aking nararamdaman, sa pinaghalong takot at kalituhan.

Bahagyang nagulat ako nang naroon rin si Cassius sa baba. May katawagan, umiigting ang kanyang panga at mariin na sinasagot ito. Lumunok muli ako at tinago ang nanginginig na kamay sa likuran habang bumababa ng hagdanan.

"Stella!"

Agad akong niyakap ni Daddy at nakaukit sa kanyang mukha ang pag aalala. Naroon sa bulwagan ng poolside, nakatayo si Mason at Leyox, nag uusap habang may nakaupo si Tito Frederick, tila nag iisip.

"Daddy, bakit po?" tanong ko tila wala akong alam kung bakit sila nagkakaganito.

Ang nag aalalang mukha ni Daddy ay mas nagpapabigat ng aking nararamdaman. Namumula ang kanyang mukha at umiiling.

"Nakatakas sila Fabio at Mommy mo, anak." bigo niyang sabi.

Kinagat ko ng mariin ang aking pisngi. Naglalaktaw ang isip ko sa batang hinulog sa building. I badly want to cry and let out this guilt and scare. Wala akong alam kung napaano ang bata at sa oras na malaman ko ang masamang nangyari sa kanya, tila kinuha rin ang aking buhay.

Bumalik ang sinabi ni Kendra sa akin. Hindi ko lubos maisip na tama siya. Ang pagbabalik ko ay maging kasiraan lang sa mga tao.

May pumapasok na mga lalaki na nakauniporme ng itim at kumakausap kay Cassius ang isa sa kanila. Agad itong tumango at nagsialisan ang sampung lalaking naroon. Bumaling si Cassius sa amin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Patuloy si Daddy sa pagsasalita ngunit wala akong maiproceso sa lahat ng iyon. Iniisip ko nalang ang masamang mangyayari kung tatagal ako. Hindi ko kakayanin... Mariin kong kinagat ang pisngi, pinipigilan ang sakit na kumakatok sa aking luha.

"Wala bang tumawag sa iyo, anak? Hula ni Cassius na susubukan ka ulit nila."

Like I'm stuck and unmoved.

"Wala naman po."

Ang sakit. Bahagyang yumuko ako at unti unting ngumiti kay Daddy. He looked so tired, scared, pained, and so bothered. In fact, all of them. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Stella, sabihin mo agad kung tumawag si Fabio sa'yo o si Liana. Hindi ito simpleng pagtakas lang," si Tito Frederick.

I don't know how far I will cause life endangerment.

"Cassius, may balita na ba?" si Daddy.

"May lead ang team ko sa Mindanao, Tito pero hindi pa iyon sigurado."

"Katulad lang iyan noon." mataman na singgit ni Leyox.

Marahan na tumango si Cassius. "This is just their diversion."

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon