Chapter 14

34.1K 759 93
                                    

Chapter 14: History

Inabot sa akin ni Daddy ang kanyang Ipad. Kunot noo ko siyang tiningnan ngunit hindi kinuha ang Ipad.

"We have a birthday party to attend." halakhak niya.

"Nandoon rin ba ang mga Vacalares?"

Umiling si Daddy habang nags-swipe sa kanyang Ipad. "Ang mga imbitado lang, anak, at hindi sila inimbitahan."

Ngumiwi ako. "Bakit?"

"Maimpluwensya ang pamilya ng mga Figueroa at pinipili lang ang binibigyan ng imbitasyon."

"We're the lucky few?" tawa ko, hindi naman talaga interesado sa pinag uusapan.

"Nakilala mo sila noong Anniversary ng kompanya, Stella. We're good friends with them."

"Hindi ako pupunta."

"Samahan mo na ako, anak. Please?" madramang pagmamakaawa ni Daddy.

Nginitian niya ako. "You can leave after five minutes if that's what you want," he negotiated.

Tumatango ako kahit nakatutok naman sa palabas. It is a Mr. Bean movie.

Tinapos ko ang palabas bago natulog.

Kinabukasan, hindi na ako nagulat nang natanghali ang gising ko at naroon na ang hina-hire ni Daddy na mag ayos sa akin. That movie lasted until midnight.

Nakasuot na ako ngayon ng roba hanggang mini-make upan ng bakla. It is the same artists that did my whole look during the party last week. Honestly, I can just do my own makeup but Daddy wants me to leave it to them.

Huminto ang pag mamakeup sa akin nang nagugutom ako. Kumain ako ng ilang sandali bago sila nagpapatuloy. Sobrang light lang ng aking make up at nakalugay ang aking buhok. Ako mismo ang pumili ng aking isusuot sa closet at hindi roon sa mga dinala nila.

I wore a maroon sweetheart tube floor length gown and three inch pointed heels. Charlie snapped me a few pics before we left the house.

Sinuyod ng tingin ko ang buong daan na aming tinatahak. Bawat gilid ay mga puno at may series of lamp post na may ilang metro na distansya sa bawat isa. Madilim ang paligid dahil walang mga bahay, puro puno lamang. The smooth ride was like that until we reached a grand gate and it immediately opened. Pagpasok namin, tila aisle ang tinatahak ulit namin na may ilaw sa ibabaw ng makatrim na halaman sa bawat gilid ng daan.

Isang malaking mansion ang sumalubong sa aking mga mata. It was lit with white lights all over. Mayroon ng bumababa na mga tao mula sasakyan na nauna sa amin. May media na rin na nakaabang. Malaki ang lawn nila at sa malayo pa lamang, nakita ko ang mga tao roon na nakaupo at isang engrandeng entablado. A chauffeur opened Daddy's door. Nakatayo na rin si Kuya Abab at Kuya John sa gilid. Daddy and I matched Daddy matched our outfit. He wore a maroon tie on his black tuxedo.

Isang ngiti ang sinalubong ko sa media na panay ang click at flashes. Tinahak namin ang nakalatag na alpombra habang nakahaklit ang kamay ko sa braso ni Daddy. Maraming tao ang naroroon. May nagsidatingan pa. Sobrang laki ng kanilang mansyon at sa labas pa lang, mapaimagine ka sa kagandahan at karangyaan sa loob nito. Malaking mansyon na gawa sa Europeanong arkitektura.

A fine old man smiled as he drew near us. Binaba ko ang kamay kay Daddy bago sila nagyakapan bilang lalaki.

"Hinihintay kita, Stefan. Akala ko bibiguin mo ang imbitasyon ni Mama." natatawa niyang sinabi.

Tumawa si Daddy bago bumaling sa akin. "Alam mong hindi kita matanggihan, Castilo.. And I believe you met my daughter."

Nakangiting dumapo ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya pabalik.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon