The first A Series is finally coming to an end. Thank you so much for reading the story! I'm more than happy to attend all of your questions and you can ask me on the conversation box or dm me directly. God bless!
Bear In Mind
Hinihintay ko ang huling segundos ng stop light nang nahagilap ng aking tingin ang isang babae, batang babae na nakikipag kwentuhan sa isang dungisang lalaki sa tabi ng daan.
Walang arte siyang nakaupo sa tabi nito at nakipagtawanan tila may magandang pinag usapan. Somehow I kept staring at her bright smile. The words that I can't hear rolls softly on her tender rosy lips.
Isang busina galing sa likod ang muling nagpukaw sa akin. Mabilis na inapakan ko ang gasolinador upang makaalis na.
Fuck! I got distracted by a little girl!
Napatingin ako muli sa aking side mirror at nakitang naroon pa rin siya. Ang biglaang pagtunog ng aking cellphone ang nagpaigtad muli sa akin.
I growled and picked it up.
"Fucking son of mud. This better be good." mariin kong bungad.
Leese chuckled on the other line. "Kanina ka pa late, ikaw pa 'tong galit."
"I'm on my way."
"Good and, uh, Mama wants some burger on American Grill. Please buy some."
Agad kong pinatay ang tawag at lumiko patungo sa pinakamalapit na Mall.
I saw the girl on the street. Nakaupo siya sa loob ng American Grill at eksaktong nasa malapitang counter iyon. Umorder ako ng burger bago bumaling sa kanya. Napatingin rin siya sa akin at ngumiti.
Man, that was the hardest one second of my life.
Naglalandas ang aking dila sa loob ng aking bibig at nag iwas ng tingin. I heard her mumbled something but when I looked at her, she was already looking the other way.
Nagtiim bagang ako at agad kinuha ang inorder pauwi.
That girl poisoned my mind. Palaging nakatatak siya sa isip ko habang pauwi. But she's just a little girl! Gumalaw ko ang aking panga habang pinupukaw ang sarili na magising sa abusadong pag iisip. Tila bigla akong nairita nang hindi narinig kung ano ang binubulong niya kanina.
On my way to work the next day, I saw her on the same street. Sobrang lapit niya sa mga taong pariwa o nasa kalye lamang natutulog. Siya lang ang naiiba sa grupo roon dahil sa kanyang halatang may kaya na dating at sa pananamit lang.
Eksaktong naging pula ang ilaw kaya napahinto ako sa tabi nila. Kumakain sila ng merienda at may tatlong bata na nagsusulat sa kanyang harapan. Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil tinuturuan niya ang mga ito. Bumusangot ang kanyang mukha habang itinuro ang isang sulat ng bata.
Sinasadya kong sa ekinitang iyon dadaan kahit malayo sa site para makita siya. Bahagyang kumunot ang aking noo at handang lalabas na ng kotse nang may lumapit sa kanya na lalaki. Hindi man lang siya natakot at tumango lamang sa sinasabi nito. She bid her goodbye to the five people and rode on the blue BMW car just behind mine.
Kusang sinundan ko sila ngunit lumiko sa kabilang daan nang pinapagalitan ang sarili kung bakit siya susundan. I let off the stream on the site without a rest and my cousins never fail to pester me.
"Babae 'yan." natatawang puna ni Fidai.
Wala akong imik at itinulak ang kartilya. Maghapong nananatili ako sa site at umuwi sa oras ng pag uwi ng mga trabahante. Mataman kong tiningnan si Howl na pumasok sa aking sasakyan na may malaking ngisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/222999581-288-k50906.jpg)
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...