Chapter 15: First talk
"Good morning, Princess." nakangiting bungad ni Leyox sa akin habang lumalapit ako sa kanila.
Humalik ako sa pisngi ni Daddy bago nagmano kay Tito Frederick na kasama nila sa lamesa.
"Saan ang bati ko?"
I stared at Leyox boredly.
Ang aga niyang nangbubulabog sa akin at hanggang nagbihis ako para bisitahin ang mga Figueroa which I almost forgot but then Daddy reminded me, nandito pa rin siya. Lumabas ako sa walk in closet suot ang isang denim mini skirt, black sleeveless at denim jacket. Nadatnan ko ang aking pinsan na naglalaro sa kanyang cellphone, seryoso. Kinuha ko ang aking black beret sa dressing table at sinuoy bago nilagay ang cellphone sa loob ng black purse.
Titig pa rin siya sa kanyang cellphone at bahagyang nakakunot ang noo. Nilapitan ako ni Meliorn at nagpapahaplos ito ng ulo.
"You wanna come, hmm?" banayad kong tanong sa alaga.
He lowly whimpered and nuzzled his head more. Humalakhak ako bago bumaling sa aking pinsan na siyang maghahatid sa akin.
"What's he saying about?" kunot noo niyang tanong habang hinarap sa akin ang kanyang cellphone.
Nilapitan ko iyon at kinuha. It is Henley's instagram story, mukha niya lang ang nakikita at may mensahe iyon.
@at_TriaStenia I miss you. I can't wait to end this training
With a heart emoji.
Humalakhak ako at binigay ulit iyon sa kanya. Nandilim ang kanyang mukha tila hindi nagustuhan ang nakita.
"He misses me." natatawa kong sinabi.
He scoffed. "Nabasa ko rin, Stella. Ano yan, boyfriend mo na ang lalaking iyon?"
Umirap ako. "Hindi. Ano bang masama kong namimiss niya ako? Relax," halakhak ko.
"Bata ka pa, Stella. Hindi pa pwedeng mag boyfriend ka." malamig niyang sinabi.
Ngumiwi ako. "Ayos lang iyon kay Daddy tsaka bakit hindi ko gagawin? I'm exploring, Leyox."
Dumaing siya at bumangon. "You don't know how it works, Princess. Masyadong immature ang totoy na ito."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Mabait si Henley, Leyox. Besides, I'm not thinking of having him as a boyfriend. He is fun and nice and that's it."
Kung hindi ko tatapusin ang usapan sa sagot na gusto niyang marinig, hindi matatapos ang pagka protective niya.
Ngumisi siya. "Mana ka sa akin, e."
Kasama ko pa rin si Kuya Abab kahit hinatid na ako ni Leyox. They won't leave me unguarded even when I'm going to a heavily secured and guarded mansion.
Kumaway ako sa pinsan pagbaba ko sa sasakyan. Ngumiti siya, pinapakita ang kanyang dimple sa kabilang pisngi at kumaway pabalik.
Maganda ang pagkatrim ng halaman sa bawat gilid ng bahay at may malaking fountain pa sa gitna na inikutan na ngayon ng aking pinsan, paalis. Ngayon ko lang naappreciate ng husto ang kanilang mansyon dahil umaga. Their mansion is a combination of European architecture and modern designs. It screams opulence.
Lumalabas si Tita Eugenia sa malaking double door na gawa sa makinis na kahoy. Nakabukas ito at sa tingin ko hindi ito sinisirado kapag umaga.
Malapad ang ngiti ni Tita at lumapit sa akin. Nakibeso siya at ginawa ko iyon.
"Tinutulungan ko silang magluto ng tanghalian, hija, kaya hindi ako nakapaghintay rito sa labas."
"Ayos lang po, Tita." ngiti kong sambit.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...