Chapter 17: Play
"Happy Birthday, Daddy." banayad kong sinabi habang nagkakape siya.
"Our birthday is not until tomorrow." halakhak niya.
Tinawanan ko iyon at kumain na rin.
Hindi ako nakangiti kahit noong nasa entrance si Henley. Binati niya ako ngunit hindi ko kayang bumati na nakangiti. Ngunit ngumiti na ako sa kanya ng pumasok ako sa aming silid.
Some history can never be understood. He is really a nice guy. I want him to be a friend but blood is thicker than water. At napapatunayan na nila iyon to the point na kadugo nila, kinakasama.
Nakangiti na si Kendra sa araw na iyon. Nakasalubong ko si Henley sa cafeteria kasama niya ang kanyang mga kaibigan, hindi siya lumapit sa akin dahil pinigilan ni Kyle. At nagulat nalang ako na binanggit ulit siya ni Kendra at sinasabing sabay sila pupunta sa birthday party namin ni Daddy. Si Henley ang bukambibig habang kumakain kami ngunit hindi niya nabanggit ang pagkikita nila kahapon. Hindi ko rin tinanong dahil sa palagay ko normal lang iyon.
Tita Eugenia called me during my break, telling me to have lunch with her and she picked me up from school.
"Thank you, Tita." nakangiti kong sinabi habang lumabas kami ng kanyang paboritong restaurant.
Ngumiti siya. "I've been missing you for a week, hija, but I know you're busy with your school and your upcoming birthday so I didn't visit you. Ngayon lang nagkataon."
"Hindi naman sobrang busy, Tita. Madali lang naman ang ginagawa sa klase."
She grinned. "I'm glad your adjusting fast, Stella."
Pumasok kami sa sasakyan pabalik ng Ateneo.
"Pupunta po kayo?"
Humalakhak siya. "S'yempre. Pati sila Leese sasama."
Malapad ang ngiti ko sa narinig.
Lumapit ako sa bintana kong saan kita ang bakuran. Nandoon na ang mga tao sa labas at may iba pang dumarating. I already asked Meliorn to stay at the pool side, on his bed cage, at naroon na siya simula pa kaninang umaga habang nag-a-arrange sa bakuran ang mga tauhan. Naroon ang dalawang hinire na photographers sa labas, panay ang pagkuha ng litrato sa mga tao.
Inayos ni Charlie ang aking manipis na cyan blue tulle gown na may diamonds na nakaembroid sa dulo ng straight neckline at bare back. Nilagyan rin niya ng mahabang pin na gumigilak ang aking nakabun na buhok at paterno nito na aryos. He took out a thin silver choker with a dangling diamonds from my jewelry cabinet.
Sumungaw ang ulo ni Daddy sa pintuan at ngumingiti. I smiled sweetly and walked towards him. Ngayon lang ako nakabun ang aking buhok at tuluyan naramdaman ko ang aking likod na walang saplot.
We entertained guests on every table. Hanggang sa napunta kami sa table nila Tita Beth. Wala si Henley roon at magalang kong binati ang mag asawa at ang iilang naroon na 'di ko kilala.
"Susunod si Henley, hija. May dinaanan lang muna." nakangiting sinabi ni Tita Beth.
Nginitian ko siya pabalik bago bumaling sa ilang naroon. Kumakaway ang aking mga classmates na nasa isang malaking table kaya nilapitan ko rin.
"Anlaki ng mansyon ninyo, Stella. Hindi mo man lang sinabi." natatawang sinabi ni Hannah.
"May pool ba kayo, Stella? Ready ako sa swimming bukas." nakangising sinabi ni Tristan.
Humalakhak ako at tumango. "Mayroon naman. Bukas ba?"
Nasiyahan sila sa narinig at nagpinal na ng desisyon sa swimming bukas. Lumapit ang isang photographer kaya pumuwesto sila, may ibang tumayo na sa aking magkabilang tabi habang nakaupo ang iba. Tinawag ako ni Manang kaya natapos ang pagpipicture namin at nagpaalam ako sa kanila. Dumating na ang mga Figueroa, iyon ang balita ni Manang. Kinagagalak kong sinalubong sila. Leese was grinning at me, like he always do.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...