Noong bata ako, gusto ko maging isang doktor. Para pag laki ko magagamot ko lahat ng may sakit mahirap man o mayaman.Pero naging pabago bago yun, depende sa kung anong mapapanood ko sa telebisyon namin sa bahay.
Minsan pinangarap ko din na maging isang guro. Para maturuan ko yung mga bata sa lansangan, sa mga tagong lugar o kahit saan basta madaming batang mahihirap.
Tapos ginusto ko din maging engineer. Para ako ang mag pa-plano sa pag papagawa ng bahay ko balang araw. Yun daw kasi ang gawain nila sabi ng mga matatanda nang pinsan ko.
Pero pag dating ng high school, nag iba ang pananaw na iyon. Nahilig ako sa mathematics. Ginusto ko naman maging isang Accountant. Pinangarap kong mag trabaho sa isang sikat na banko o malaking kompanya.
Kaya pag dating ng enrollment, ang pinili ko ay BS in Accountancy. Gumaya pa nga si Cleya e, ang pinsan ko. Ayaw niya kasing mahiwalay saakin dahil simula kinder kami na ang magkadikit.
So ayon, nung first year first sem. Sabi ko sa sarili ko maayos naman. Hindi pala siya puro mathematics. Pero kakayanin kasi para lang high school mga inaaral namin. Nag level up lang ng konti.
Noong first year second sem, medyo tumabingi yung banka. Pero naayos ko, kaya ayun, tuloy ang buhay dahil nakapasa pa rin ako. Kaso si Cleya, ayon. Sumuko na, mag aasawa na lang daw ng kano para yumaman. Kaya naiwan na akong mag isa sa apartment namin.
Noong second year first sem, doon ako nag umpisang mag hanap ng kakapitan. Pag hindi ko na maisaulo ang mga inaaral ko, binubuksan ko ang facebook account ko at nagbabasa ng motivational at inspirational quotes, sayings at kung ano ano pa.
Nag babasa din ako ng kwento ng buhay na isang estudyanteng anak ng isang magsasaka, tricycle driver at mangingisda na nakapagtapos ng kursong gaya ng kinukuha ko, with flying colors pa. Sana all.
Ginagawa ko yun para madagdagan yung pag asa kong makakamit ko parin ang pangarap ko ano man ang mangyari.
Second year, second sem. Dito ako nag umpisang mapaisip. Para saakin ba talaga to. Kasi hindi ko na nga magawang mayakap yung paboritong unan ko sa loob ng walong oras. Lagi akong puyat para tapusing aralin lahat ng accounting subjects ko tapos sumabay pa ang napaka demanding na minor subjects. Pinilit ko, kung kailangan igapang, igagapang ko talaga.
Minsan nga, sumisipsip na rin ako sa mga instructors namin e. Kung dati di ako pala bati ng 'good morning', 'good afternoon', ngayun ginagawa ko na ng may kasama pang napakatamis na ngiti na abot hanggang saaking mga mata. Lol.
Kaso pag dating ng third year, first sem. Doon ako unang nag karoon ng bagsak na grado. Mabuti sana kung line of seven e, kaso hindi. Unang bagsak, isang tumataginting ng 69 ang Prelim grade ko sa isang major. May midterm at Finals pa naman, pero pre, 69 yun. Paano ko yun babawian. Dapat ba 24 hours nalang akong gising at nagbabasa?
Biyernes noong nalaman ko yung napakasamang balita na yon. Kaya kahit wala akong balak, umuwi ako sa bahay namin kahit na malayo. Di ko yata kaya mag stay mag isa sa apartment baka may gawin akong masama sa sarili ko. Chos.
"Bakit parang ang lungkot mo anak? Wala kana bang pera?" Bungad na tanong ni Mama, kapitana siya dito sa aming barangay.
"Alam mo ma, napapaisip ako e. Maputi naman ako, makinis, matangkad, sexy at higit sa lahat maganda. Salamat sa genes niyo ni Daddy. Di ba nga, nanalo pa akong mutya dito sa barangay natin?"
"Nanalo ka lang dahil alam nilang anak kita, anak ka ng kapitan ng barangay." Tawa pa siya ng malakas.
"Ma naman e!"
"Oh, ano naman ngayun kung maputi, makinis, matangkad, sexy at maganda ka?"
"Naisip ko kasi Ma, huminto nalang kaya ako sa pag aaral tapos mag artista nalang ako? Mas malaki kikitain ko don pag nagkataon." ngumiti ako kay nanay ng sobrang tamis.
"Xierraaaaaa! Anak ka talaga ng tatay mooooo!!!"
Binato pa niya ako ng notebook ha. Well, sinubukan ko lang naman mag tanong. Malay mo pumayag diba? Hmm.
So ayun, bumalik ako sa apartment na masama pa rin ang loob. Hindi nga ako makakain at makatulog ng maayos dahil sa lintek na 69 na yan.
Ngunit siguro, isa akong bayani noong nakaraang buhay ko. Siguro isa akong mandirigma na nagligtas na libo libong buhay. Siguro malaki ang naimbag ko sa lipunan noon.
Kaya heto, pinagkalooban ako ng panginoon ng isang matangkad, maputi, matalino, mabango at gwapong biyaya.
Lunes, habang nasa school library ako at mahinang umiiyak dahil hindi ko maintindihan tong inaaral ko biglang may umupo sa tabi ko.
Walang iba, kundi ang nagiisang Crush ng bayan, graduating student, sikat hindi lang sa college of accountacy at higit sa lahat isang dean's lister.
"Hey, you need help?"
Tanong saakin ni Ice Guillermo.
Kung ikaw ako, magpapaturo ka ba ng lessons mo o ikaw ang magtuturo sakanya kung paano ka niya ma la-like back?
______
Happy reading!
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomanceR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)