Kabanata 14

1.4K 58 3
                                    


Nandito ako ngayon sa bench kung saan kitang kita ang mga graduating students sa grand stand ng school na ginagawa ang kanilang rehearsal para sa gaganaping Graduation bukas.

Kung sana kami pa rin. Kung sana hindi niya ako iniwan. Kung sana hindi siya parang bula na bigla nalang nawala, isa sana siya sa mga taong napapanuod ko ngayon. Sana sakanya lang nanaman nakatitig ang mga mata ko. Sana sobrang excited din ako para bukas.


Puro sana.


"Bakit ba kasi nandito ka nanaman. Naghahanap ka lang ng sakit sa puso e. Uwi na tayo naghihintay na si Kuya lesley sa parking lot."

"Baka kasi biglang nandito siya Cley, baka pumapasok naman talaga siya tapos hindi ko lang nakikita, baka makita ko siya dito kasi diba, graduating din siya?"

Ngayon puro baka naman.

"Sige, sabihin nating nandito nga yang gagong yan. E bakit hindi ka manlang in-inform na pang short term boyfriend lang pala siya? Ha?! Nakipagbreak manlang sana!"


"Cley, baka may nagawa naman akong mali, may nasabing masama,  baka may hindi siya nagustuhan."

"Xie naman! Alam mo, isa kang matalinong bobo! Iniwan ka ng walang paalam. Ghoster ampota bigla ka nalang iniwan sa ere. Mag simula ka naman na kasi makalimot. Paano ka niyan makakausad kung wala ka parin balak gumalaw manlang!"


"Cleya"


May iilan nang napapatingin saaming mga dumadaan kaya niyakap ako ni Cleya para hindi nila makitang umiiyak ako.


"Tahan na, hindi mo naman siguro gustong makita ka ni Kuya Lesley na ganyan ang itsura mo. Hayaan mo, ihahanapan kita ng mas singkit pa sakanya tapos yung mas maputi. Mas maputi pa kay snow white."


"Cley naman e!"


"Biro lang. Punasan mo yang uhog mo! Kadiri! Tara na. Naiinip na yon."


Siya na nag buhat ng mga libro ko na iuuwi sa bahay. Pati na rin iba kong reading materials na galing sa locker ko. Uuwi na ako ngayun sa bahay dahil bakasyon naman na.


Bago kami makarating sa parking lot napahinto ako dahil sa nakita ko.


"Babe!" Tinakbo ko yung pagitan namin ni Ice at saka ko hinawakan ang kamay niya at saka ngumiti. "How are you? Miss na miss na kita. Saan ka nag punta? Bakit ngayun ka lang bumalik, napano yan?"


Hinawakan ko ang pilat sa gilid ng kilay ngunut iwinasiwas niya agad yun.

"Get your hands off me, miss."

"Babe naman."

Marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sakanya.

"Who are you? I dont know you."

"Babe naaksidente ka ba? May amnesia ka?" ngumiti ako sakanya. "Its me, Xierra Eleonor, babe."


Para siyang natigilan ng banggitin ko ang pangalan ko.

"Just stay... Away."

"Babe, wag naman ganito o. Ano bang problema? May nasabi ba ako noon. May nagawa ba akong ayaw mo? Sabihin mo please, para namn alam ko kung bakit ganito. "

Niyakap ko siya, ng mahigpit, sobrang higpit. Pero hindi manlang siya nag salita.
Sa halip ay tinulak niya ako na dahilan kung bakit ako natumba.

Tumulong muli ang mga luha ko. Bat ba ganito, hindi ba to mauubos?

Hindi ko alam kung alin ang masakit. Hindi ko na alam.


"Hoy! Gago ka talaga! Xie tara bago ko pa masapak tong gagong to. Lets go! We are not supposed to be near with some bastard! You dont deserve to be treated this way."

Hinila ako patayo ni Cleya. Pero bago ako magpatangay sakanya may kinuha ako sa bag at bumalik ako sa kinatatayunan ni Ice.


"Kahit ito nalang. Tanggapin mo sana to. Para sayo talaga to e." Kinuha ko kamay niya saka ipinatong iyon. "Christmas gift ko sayo yan. Ice, I really cant understand what happened to us."

Hinawakan ko siya sa kamay, this time hindi na siya pumalag. Tinitigan niya ako sa mata gaya ng pagtitig ko sakanya.

"I want you to know that I loved you, I love you, and will still love you no matter what."

After saying those words. I turned my back from him. This is what he wants. I wont make this harder for him. If he wants me gone, Ill be gone.

Pero hanggang kaya ko pa, maghihintay ako.

Sana sa pag dumating yung araw na babalik pa siya, sana nandito pa rin ako. Sana hindi pa rin ako nakaka alis. Sana hindi pa ako nakalimot.



Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating, pero mas hindi ko inaasahan ang iyong pag alis, Ice.


Biglaan, sobrang bilis.



__________
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon