Kabanata 12

1.5K 67 1
                                    


Tatlong araw bago mag simula ang Final examinations nagkasundo na kami ni Ice na hindi muna magkita para ibigay ang one hundred percent attention sa pag re-review.



Alam niyo na, pag makasama kami hindi maiiwasan mag review ng ibang bagay na nakapag papainit ng kapaligiran.



Kaya yun ang ginawa ko. Nag aral ng nag aral. Hindi na rin muna ako umuwi sa bahay namin.



Lumipas ang examination. Alam ko naman sa sarili kong maganda ang kalalabasan ng mga iyon this time. I did my best. Salamat na rin sa tulong ni Ice.




Nilinaw niya saakin lahat ng topics na hindi kaya intindihin ng brain cells ko. Pinahiram niya saakin yung own- made summarized reviewers niya. Edi ako na ang may boyfriend na gwapo na matalino pa, diba?





Ngayung araw na ilalabas ang grade namin sa portal. Nandito na kami ngayun sa condo ni Ice. Nangako kami sa isat isa bago pa yung exams na sabay naming titingnan yung grades namin.





Gamit ko laptop ko, gamit niya din yung sakanya. Magkatabi kami pero gaya ang nakasanayan, ako sa stool tapos siya sa swivel chair. Akala mo boss.




"Okay. One, two, three... Game!" Akala mo naman maglalaro kami.




Mga ilang minuto din kaming naging tahimik. Sinuring maigi kung tama ba yung nakikita namin sa screen ng laptop. Ilang beses kong ni- refresh yung saakin kasi hindi ako makapaniwala. Nilapag niya yung sakanya pero ako, ni log-out at ni- log in ko ulit yung account ko sa portal. Naniniguri



"Babe."



Humarap ako sakanya. Nakita niya yatang naluluha ako kaya kinuha niya saakin yung laptop para makita din ang mga grado ko.




"Why are you crying babe. Aren't you satisfied with you 90+ grades? Hmm?" malambing niyang sabi at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik.



"Im just. Im just so happy at thesame time thankful."



Ngumiti ako sakanya habang patuloy niya pa rin pinupunasan yung pisngi kong puno ng luha.



"We did our best Babe. Pinagpuyatan natin yun. Pinagpaguran. Nakita kong dedicated ka naman sa pag aaral kaya hindi na nakapagtatakang matataas lahat ng marka ang nakuha mo."



Pagpapalakas niya ng loob ko. Flattered naman ako sis.



"Alam mo kasi, nung prelims. Inisip ko ng mag quit noon. Kung pumayag lang talaga si mama noon e. Akala niya siguro nag bibiro ako that time pero seryoso talaga ako."




"Silly girl."




Sa daldal kong ito. Madami na akong naikwento sakanyang tungkol saakin. Pwede ba niya yatang isulat ang talambuhay ko e.




Pero siya, basic infos lang ang alam ko tungkol sakanya. Nahihiya naman kasi akong magtanong.



Inalis ko na ang pagkakayakap ko sakanya kaya napalingon ako sa laptop sa likuran niya.



Haneeep! Proud na siya doon sa 91 92 93 94 na grades ko?! Samantalagang sakanya sis, ang lowest niya 95. Di pa inabot nung highest grade ko. Grabee! Anong utak meron to?




Pinitik ko nga yung noo niya.



"What was that for?" nakakunot noo niyang tanong habang hawak niya yung noon niyang namamaga.



"Pahiram utak mo pag tapos kana mag board ha. Gamitin ko muna. Balik ko pag Cpa na ako."



"Okay." tumango pa siya. Akala mo ballpen lang na handa siya ipahiram. Parang siguradong sigurado ang loko.



"Saan ka pala mag papasko? Ako uuwi na ako sa bahay sa makalawa. Bukas sana e, pero mag aayos muna ako ng gamit sa apartment. Three weeks din na walang pasok." tanong ko sakanya.



"Us. I'll visit my mom."



"Hmm, imposible palang magkita tayo sa christmas no? Hahaha." nakatawa ako niyan pero sa loob loob ko nandun yung lungkot.



"Pagbalik ko dito, I want to introduce you to my family. I want it to be on january first." walang pagaatubiling sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.



"Anooooo?! Bakit meet the family agad? Hindi mo pa nga ako nilalagawan?"




"Ligaw? I thought we're already together?" inosente niyang tanong.



"Oh my god, medyo sumakit yata ulo ko." tumayo ako at medyo lumayo sakanya habang sapo sapo ang noo ko.




"Babe." lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "This is my first time. Im sorry. You're the first girl I approached, I dont know how this kind of relationship works. I just thought that we're already together the moment I kissed you" napakainosente naman pala nitong si chinitong lamig.



"Okay, forgiven. Pero nag bago na isip ko. Di na ako magpapaligaw. Para saan pa diba? Doon din naman punta non."



"Then I'll just court you from this day until my last breath. Great isnt it?"



"Yup!"



"So we're official now? December 18?"



"Yes babe." Sabi ko sakanya.



"I love you, Xierra Eleonor."



"I love you too, Ice Guillermo."



Our first 'I love you's'

______
Happy reading!
















ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon