Napakagandang tanawin ang nakita ko sa pagmulat ng mga mata ko kanina. Yung lalaking sinusulyap sulyapan ko lang noon, nandito sa tabi ko ngayon, hawak ang kamay ko. Umupo ako ng dahan dahan para hindi siya magising. Medyo nahirapan ako dahil bukod sa panghihina ay mahigpit ang pagkakahawak niya saakin.
Hindi ko na alam kung ilang minuto o gaano na ba ako nakatagal nakatigtig sa maamo niyang mukha. Napakagwapo talaga. Sa katunayan, yun talaga yung unang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan noon. Lumala lang iyong pagkagusto ko nung nalaman kong matalino siya, hindi lang basta matalino dahil siya ang top sa buong department namin. Nung mga oras na nakakasama ko na siya, nagkakalapit na ang loob namin, doon ako nahulog ng sobra.
Nabuhay ako ng ilang taon na wala siya. Pero nung naranasan ko nang mahalin ng isang Ice guillermo, hindi ko alam, pero nahirapan ako noong mga panahong nawala siya bigla saakin. Nahirapan ako noong bumangon tuwing umaga dahil sa kaisipang tatapusin ko ang araw na iyon na wala akong kaide-ideya kung nasaan siya.
Hindi ko sinasadyang madiinan ang pagkakahawak sa kamay niya at naging dahilan yun para magising siya ng tuluyan.
"Good evening. Gabi na pero kagigising mo pa lang po mahal na prinsipe." Biro ko habang inaayos niya ang sarili niya. Ihinilamos niya ang dalawang palad sa mukha at tumayo nang hindi pa rin nag sasalita. Namumugto ang mata niya.
"Anong napanaginipan mo, babe?" Tanong ko. Nakatingin lang siya ng deretso sa mga mata ko ng bigla siyang umamba para bigyan ako ng napakainit na yakap.
Ilang segundo muna ang lumipas bago niya sinagot ang tanong ko.
"I dreamt of us, babe."
Sumakit ang puso ko dahil sa paraan ng pananalita niya. Hinang hina ang boses niya at namamaos na. Pinilit kong tatagan ang loob dahil ayaw kong bumigay, ayaw kong mas malungkot pa siya para saakin. Ayaw kong umiyak sa harap niya. I cleared my throat and try to be as calm as possible.
"What happened to us, babe, in your dream?"
Mas humigpit ang pagkakayakap niya saakin at unti unting naging malinaw sa pandinig ko ang mga hikbi niya.
"Hey." I tapped his back with my palm. "Im still here, babe. Why are you all crying already. Im not yet gone."
Ayaw ko talagang nakikita silang umiiyak. Kanina, noong unang beses na nagising ako, hindi ko ulit iminulat ang mga mata ko gaya nung unang araw na magisng ako dito sa hospital. Nalaman kong nandito si Cleya at ang mga magulang niya. Narinig ko ang usapan nila.
"Inatake ang Ate, Cleya." Yan ang sabi ni Tita. Nalaman kong nahimatay si Mama kanina nong makita nila akong walang malay sa loob ng banyo.
Sinubukan ko lang na maglakad, nung walang nurse na nakabantay saakin. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako doon. Mas nakakapanghina pala pag makikita mo mismo ang itsura mo.
Dati na akong payat pero may mas ipapayat pa pala ako doon. Tumalikod na ako sa salamin para sana bumalik na sa pagkakahiga bago pa dumating ang nurse pero sa pag ikot ko ay hindi ko nabalanse ang katawan ko dahil sa hawak kong dextrose kaya ako nadulas. Bahagyang nauntog ang ulo ko sa haligi bago dumertso sa sahig kaya dobleng sakit at pagkahilo ang naramdaman ko na naging sanhi ng pagkawala ng malay ko.
Bumalik ang utak ko sa kasalukuyan ng marinig ko ang pinaka gwapong tinig sa buong mundo.
"Babe, are you really going to leave me?" He asked and touched my face with both of his hands.
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomanceR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)