"Sis, ang putla mo. May sakit ka?""Wala cindy, baka pumuputi na ako hahaha"
"Bagay sayo pagiging morena mo uy! Maputla ka talaga, samahan kita sa clinic?"
"Hindi na. Baka malaglag pa mga na review natin. In 15 mins, start na ulit tayo."
Dinadaan ko nalang sa biro itong nararamdaman ko simula last week. Pagka inom ko ng gamot ayos naman pero after one or two hours, nararamdaman ko nanaman.
Maaga nalang siguro ako uuwi after nitong exam na to at sa apartment nalang itutuloy kahit na wala don si Ice ngayon.
Second day of classes ng mag simulang bumisita si Ice sa bahay para sumabay saakin sa pag aaral. Hinihiram niya ang ilang mga materials na gamit ko. Sabi ko pwede niya naman iuwi yung iba para hindi na hassle bumyahe, pero sabi niya okay lang daw para na rin makita ako. Nire- refresh niya lang naman daw utak niya.
"Close all your review materials. All I wanted to see in your table is a pen and a calculator. You can now pass the papers at your back."
Nang dumating ang para saakin ay nagsimula na akong magsagot. Hindi ako masyadong nag tagal sa theory, may iilan akong hindi nasagutan pero iniwan ko muna iyon at nag proceed na Problems.
Dumaan ang instructor namin sa gilid ko at hindi niya sinasadyang mabunggo ang siko ko na siyang dahilan ng pagka hulog ng ballpen ko sa sahig.
"Oh my gosh! Im sorry Miss Delgado."
"Okay lang po, Ma'am. "
Ngumiti ako sakanya para siguraduhin na ayos lang. Yumuko ako para kuhanin ang ballpen sa sahig pero ko agad naiangat ang ulo ko kahit nakuha ko na ang ballpen dahil biglang nagdilim ang paningin ko at nakaramdam na matinding hilo.
"Are you okay, Miss?"
"Okay ka lang Sis?"
Pinilit kong umupo ng maayos para lingunin si Ma'am At Cindy.
"Okay lang po, ako Ma'am. Okay lang sis."
Bumalik na sa pag ra- rounds si Ma'am pagkatapos non.
Ilang minuto pa akong nakatunganga lang sa papel dahil hindi ko maaninag ng maayos ang mga nakasulat doon. Nang medyo maayos na binilisan ko ang pagsasgot dahil ilang minuto nalang ang natitira at kailangan na naming mag submit.
Nairaos ko din ang subject na iyon at handa na ulit umuwi.
"Xie! Di ka sasama sa Lib?"
"Hindi na muna, may gagawin ako sa apartment e."
"Sige, mauna na kami! Pahinga ka nga pala, mukha ka nanamang zombie!"
"Hahaha sige, ingat kayo!"
Hindi kami ganito mag usap dati ni Cindy, lalo nung first year dahil kasama ko pa si Cleya. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako pero hindi ganon kalala kagaya kanina.
Nagcommute ako pauwi, pero hindi muna ako dumeretso sa apartment. Sa 7 eleven malapit saamin ako bumaba.
"127 po Ma'am."
"Eto te, pahingi po ng straw nitong delight."
Hindi ko inaasahang paglabas no don ang pagbuhos ng malakas na ulan. Oh my gosh! Wala akong dala na payong!
Kinuha ko ang cellphone, nag babakasakaling may text don si Ice na nag sasabing nasa apartment siya. Meron nga kaso, 'Cant be there today, I need to go with Snow again. I love you, take care."
Sayang, papasundo sana ako e.
Naghintay ako don ng ilan pang minuto pero mukhang wala yatang balak tumila yung ulan. Napansin yata ni Kuyang staff na pinapatila ko kaya.
"May bagyo, Ma'am. Baka hindi po yan agad titila aabutin lang po kayo ng siyam siyam dito."
"Oo nga Kuya e. Wala kasi akong dalang payong."
"Sige, Ma'am. Ingat nalang kayo."
Ngumiti nalang ako kay Kuyang mabait. Wala akong choice kundi salubungin ang lakas na hangin at ulan ng may humintong trycicle sa harap ng store.
"Kuya, doon lang ako sa unang kanto."
Pagdating pasok ko ng gate inalis ko agad ang basang basa ba sapatos. Nilagay ko yun sa gilid. Pumasok ako at tiningnan agad ang kalagayan ng mga libro ko. Okay lang na mabasa ako wag lang itong mga to. Dahil nakabalot sila sa plastic bag, mabuti nalang, wala nabasa kahit isa.
Nag shower ako at nang makapalit na ng damit ay humiga na muna ako sa kama at kinuha ang phone para mag text.
Me:
Hi Babe! Im home now. Ingat kayo ni Snow! I love you ♡Ilang sandali pa ng hindi na ako makapag hintay ng reply, di ko namalayan ay nakatulog na ako.
Paggising ko kinaumagahan ay saka ko lamang pinagsisihan kung bakit hinayaan kong makatulog ako. Hindi ako nakapag review sis!
Mabigat ang buong katawan ko pero naligo pa rin ako. Alangan namang papasok ako na hindi nakapaligo diba? Hindi din ako magiging komportable.
2 hours pa bago unang exam ko ngayong araw, pero papasok na ako dahil sis, wala pa ako nabasa kahit isang page. Hindi pamndin pwede asahan itong utak ko sa stock knowlege.
Malakas pa rin ang ulan kaya kinuha ko ang payong sa ibabaw ng mesa. Bukod sa napakabigat bg pakiramdam ko ay nanghihina din ako kaya hirap na hirap akong buksan ang payong. Jusko!
Ang lamig! Hindi ko alam kung dahim lang ito sa klima o dala na din ng nararamdaman mo. Flu? Inom nalang ako ng gamot mamaya, cafe nalang siguro ako dederetso.
Nang isasara ko na ang gate ay napansin ko ang panginginig ng kamay ko. Wengya! Gusto ko nang maiyak dahil habang mas lumalakas yung hangin at bugso ng ulan, mas sumasama at umiinit ang pakiramdam ko.
"Kuya! Para!"
Sumigaw at sumenyas ako sa paparating na jeep. Pero bago pa makalapit saakin ang sasakyan ay biglang umikot ang mundo ko. Ang dala kong payong pati ng ang bag at dalawang libro na hawak ko ay naunang nahulog bago ko pa naramdam ang pagbagsak ng katawan ko sa basang basa na semento.
Ilang patak ng ulan sa mukha ko at sigaw ng mga tao ang huling narining ko bago pa ako mawalan ng malay.
__________
10/07/2020
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomansaR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)