Nagising ako kinaumagahan dahil sa pag alog ni Cleya sa katawan ko. Kung sayo gawin, hindi ba magigising yang natutulog mong diwa?
"Hoy pokpok gising! Ngayun palang ako maniniwalang kayang bumaba ng isang maharlika sa lupa para sa isang hindi naman kagandahang nilalang na tulad mo."
"Pinagsasabi mo Cleya? Wag kang magulo. Matulog muna ako, maya pang 1 klase ko." sinabi ko yung sakanya habang nakapikit pa ang dalawa kong mata.
"Gumising ka na! Kung ayaw mo aangkinin ko na talaga yang Yelo mo!"
Nung banggitin niya yun napabangon ako agad at dumeretso sa banyo para mag hilamos at mag tootbrush. Shet totoo ba? Pag ako niloloko nitong babaeng to sasabihin ko kay Johann na grade 7 na kami noon bihira pa rin siya mag panty.
"Ins, pinapasok mo ba?"
"Gaga, si johann lang pwede kong papasukin."
"Baliw! Sa bahay, kung pinapasok mo ba sa bahay si Ice? ikaw yang utak mo, ang aga aga!"
"So dapat, mamayang gabi?"
"Baliw ka!"
Tinawanan niya lang ako at saka siya bumalik sa pagkakahiga habang ako nag papalit ng desenteng damit. Baba na sana ako ng muling sumigaw si Cleya.
"Hoy babae! Yang noo mo, may baon pang sabon."
Nang hawakan ko meron nga pusangama! Pinunasan ko nalang gamit yung laylayan ng damit ko. Gross! But this is me, take it or leave it!
Nasa hagdan palang ako tanaw ko na si Icy, minsan yelo pero minsan sabi niya pwedeng babe. Ayun siya, prenteng nakaupo sa couch.
"Morning Xierra." ngumiti nanaman siya, jusko.
"Morning! What do I owe you for a sudden visit Babe?"
"Oh, babe." ayan nanaman yung ngiti niya. "I like that." Hindi ko na rin makita yung mata niya. Chinitong lamig. "Pupunta ako sa bookshop, naisip ko baka gusto mong sumama?"
"Oo naman! Sama ako, I need more books. Saktong sakto!" Nag bait mo po.
"I'll give you 30 mins for you to get dressed." wow ha.
"Just 15 mins. Wait for me here."
Dali dali akong naligo at nagpalit. Isang skinny jeans at white shirt na pinaresan ko ng white sneakers ulit. Hindi na ako nag abalang gumamit ng blower, nakakatamad, bahala na.
Tanging phone lang at maliit na wallet ang dala. Im not the type of girl who wears sling bags or any kind of bags.
"Lets go." Yaya ko sakanya. Nauna siyang lumabas. Nagulat ako nung sa drivers seat siya dumeretso. So?
"Sa shotgun seat ka."
Yun lang ang sabi niya kaya doon nga ako umupo. Malamang! Isang chinitong lamig? Hahayaan kong magmukang driver? No way.
May bigla nanaman akong naisip habang nakatingin sakanyang abala na nag mamanego. Dahil hindi naman makapal ang mukha ko, tinanong ko. Siya.
"Babe?" wag siya mag reklamo. Idea niya tong endearment ko sakanya.
"Hmm?"
"Bakit ako naisip mong isama? Dahil ba alam mong nangangailangan ako ng libro o gusto mo lang akong makasama?"
"Both. Babe."
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Tumalikod ako sakanya. Kaya ang lagay, nakatingin ako sa labas ng bintana.Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso pag di ko nailabas tong kilig ko kaya kinurot kurot ko tong kaliwang kamay ko para mabawasan ng kahit konti.
Jusko chinitong lamig! Pag ako talaga nahulog, sana ikaw rin. Chos.
Sana pag ako nahulog, nandyan ka para saluhin ako. Alam kong sobrang bilis nitong nagyayari pero di ko na yata kayang tumigil.
Ilang taon din akong puro tingin e, baka ito na yung reward ko sa pagiging tahimik at mabait na admirer mo.
Sana, sana nga ito na yun.
______
Happy reading!
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomanceR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)