Kabanata 15

1.5K 58 2
                                    


"Sama ako Xie."

"Ikaw Cleya, tigil tigilan mo ko. Alam kong lalaki lang ang sadya mo sa school."

"As long as di ikaw ang i-pupush kong makipag date, dont say no to me."

"Ikaw nga nakikipaglandian don tapos pag sawa kana iiwan mo tapos pati saakin magagalit yang mga lalaki mo?!"

"Mahal mo naman ako, lets go!"

Dito na ulit siya tumitira sa apartment simula nung nangyari yung dapat hindi mangyari. Alam niyo na yun.

Hindi siya nag aaral, kaya ayon pinalayas ni Tita Mayi, mama niya.

Akala niya siguro forever siya pwede mag model.

Sa sobrang busy ko sa pag aaral, di na ako na update na model na pala itong babae na ito. Last ko lang nalaman nung sinama niya ako sa Mall. May event sila don.

"Sasama ka din lang naman saakin. Mag enroll ka nalang kaya ulit?! Sabi ng Kuya Justine mo saakin, pilitin daw kita mag aral ulit siya mag babayad ng tuition mo."

"Anong course naman kukunin ko aber."

"Ituloy mo Accountancy. Tulungan naman kita e."

"Ayoko nga, ayoko maging kagaya mo, tingnan mo itsura mo, muka kang ewan. No offense meant ha, insan."

"Wow. Basta mag enroll ka ulit."

"Next school year nalang. Marami akong ganap this sem e, di ko kayang pagsabayin."

"Bahala ka."

Tatlong oras din ang itinagal ko sa school para makapag enroll. Last sem ko na to, tapos graduate na ako.

Ito yung pinakamahirap, kasi puro exams nalang kami. Para ito na yung magiging pre-board namin. Kaya mas kailangan ko ng natinding focus at effort dito.

Nay nabasa ako sa isang libro. Ang sabi doon, kung ano ang relationship status mo pag pasok mo ng forth year college, wag mong babaguhin yung hanggang maka graduate kana para sa ikabubuti mo.

"Viernes! Anong section mo?"

"Uy ikaw pala, Vince. S-4, ikaw ba?"

"Classmate, S4 din." Matalino to, basket ball player nga lang din kaya dapat iwasan. May maaalala ako e. "See you next week!"

Ngumiti at tumango nalang din ako sakanya.

"Di mo manlang ako pinakilala. Sayang! Pogi pa naman."

"Off limits yun."

"May jowa?"

"Oo, si Calcu."

"Ah sayang, bagay sana kayo."

Hinayaan ko nalang siya. Di niya gets, akala yata babae si 'Calcu'. Hahahahahaha. Pag accountancy student ka kasi, dapat laging nakadikit sayo yang Calculator mo. Maiwan mo na baon mo, wag lang yan.

Pagkatapos namin sa school. Dumeretso kami sa isang korean restau. Treat niya ko kasi binigay na talent fee nila kanina lang.

"Wag mo sobrahan yang soju. Sa bahay pa tayo uuwi ngayon Cley!"

"Konti pa, last na."

Ilang beses pa siyang humirit. Hindi ko naman mapigilan, mas dumodoble pa yata kasi lakas niya pag lasing. Nakailang bote ang gaga. Kung di ko lang to kilala, iisipin kong broken to.

Habang binabaybay namin ang daan pauwi lulan ng bus, nakatingin lang ako sa bintana. Ang lakas ng ulan. Ang dilim ng kapaligiran na nadadaanan.

Nakasandal sa balikat ko ang lasing kong pinsan kaya kaya maingat kong ikinabit ang earphones sa tenga ko para di siya maistorbo.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nagyari. Ang huli kong naalala ay niyakap ko si Cleya habang ramdam kong bumabaliktad ang bus na sinasakyan namin bago ako mawalan ng malay.

"Doc! Gising na po ang anak ko."

Kahit masakit ang katawan ko at mabigat ang pakiramdam, pilit kong iminulat ang mata ko dahil sa kagustuhang makita kung sino sino ang gumagawa ng ingay sa paligid ko.

"Insan, sorry."

"Anak, kamusta pakiramdam mo?"

"Kilala mo pa ba ako, Xierra? Ako to ang kuya lesley mo."

Sinubukan kong magsalita pero walang lumabas na boses sa bibig ko.

"Wag mo nang pilitin anak. Magiging okay din yan."

"Oo nga insan, ako muna magiging spokesperson mo for the meantime."

Bahagya akong umiling kaya tumawa silang lahat. Alam ng buong pamilya na saamin ni Cleya, mga sasabihin niya ang hindi pwedeng seryosohin at pagkatiwalaan.

Nandito ang Tita Mayi, ang asawa niyang si Tito Fern, Si mama, si Kuya at si Daddy.

"Hindi naman siya naputulan ng ano mang buto at hindi rin napano ang kahit anong internal organs ni Ms. Viernes kaya 2 days from now, pwede niyo na siyang ilabas basta bumalik na ang lakas ng katawan niya."

"Salamat po Doktora." sabi ni Mama bago lumabas ang doctor.

Nakauwi na si Cleya at ang mga magulang niya. Ganun din si Mama at Daddy, pinauwi na muna sila ni Kuya dahil tatlong araw din pala akong hindi nagising kaya tatlong araw din silang walang maayos na tulog at pahinga.

"Xierra, bibili lang ako ng para sa lunch natin. Okay lang bang iwan kita dito saglit?"

"Sige Kuya Les, Ill be fine."

Nakatingin ako sa pintuan noong palabas si kuya kaya nahagip ng mata ko ang lalaking sakay ng wheelchair na itinutulak ng isang babaeng nurse.

Imposible. Hindi siya iyon.

Kinuha ko ang dextrose at saka bumangon. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto. Nanghihina pa rin ako, pero kaya ko kung dahan dahan na maglakad.

Dahil nasa likod nila ako, hindi ko makita yung mukha ng nakaupo sa wheelchair. Sumunod ako dahil gusto kong manigurado.

Narating nila ang garden ng hospital.

"Nurse, iwan mo muna ako dito. Kahit 1 hour lang tapos balikan mo nalang ako. Promise, di na talaga ako aalis." sabi ng napaka pamilyar na boses.

Umalis na ang kanyang nurse kaya makakasalubong ko ito. Ngumiti saakin.

Mula sa maputing balat, bagsak na buhok at hindi masyadong maskulado na katawan. Alam kong siya nga itong nasa harapan ko ngayun.

"Ice."

Hindi siya lumingon. Tinawag ko pa siya ng dalawang beses pero hindi pa rin siya lumilingon.

Gusto ko talaga siyang makausap. Lumapit ako sakanya, hila hila pa rin ang dextrose ko.

Hinawakan ko siya sa balikat kaya siya lumingon saakin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kung tama man ang nakikita ko, ang pinapakita ng dalawang mata niya
Habang deretsong nakatingin saakin ay pangungulila.

"Ice, anong nangyari sayo?" tumutulo ang luha ko habang hawak ang kanyang mukha.

Halatang halata ang pangangayayat ng katawan. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.

"Why are you here? What happened to you, Xierra Eleonor?"

I miss him calling me Xierra Eleonor. I miss him, a lot.

"Ako dapat nagtatanong niya sayo. Anong nangyari sayo, babe?"

Hindi siya sumasagot sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingala saakin.

Kitang kita ko sa mata niya ang pangungulila at kalungkutan.


"Why are you here?"


"It doesnt matter why I am here Ice! Im asking you what happened to you! Why are you here?! What happened to us?"

Ang mga taong dumadaan ay napapatingin na saamin.


"Please calm down, Xierra Eleonor. I'll explain and you'll tell me what happened to you after."





__________
Happy reading!
















ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon