Kabanata 23

1.2K 46 3
                                    


Ilang minuto na akong may malay, rinig ko na ang ingay sa kwarto kung nasaan ako. Kanina pa ako gising pero pinanatili ko ang pag kakapikit ng mata ko dahil ayaw kong makita kung ano ang itsura ng mga magulang ko habang umiiyak.



Simula nung umalis ang doctor na nagsabi ng kalagayan ko, hindi na huminto sa kakaiyak si mama. Hindi ko man makita alam kong pinapatahan siya ni Daddy ngayon. Ganoon nalang siguro talaga kalala, kung ano man to, napauwi niya si Dad e.



Kanina pa hawak ni Cleya and kamay ko. Mahina man ang hikbi niya hindi gaya ng kay mama ay dinig na dinig ko pa rin yon kasi malapit siya saakin.



"Tumigil na kayo, Ma, Cley. Buhay pa si Xie, wag naman kayong ganyan!"



Pagalit ang pagkakasabi don ni Kuya pero halata pa rin ang panginginig ng boses niya.




Hindi ko hinayaan na malaman ng kahit sino na gising na ako. Hindi ko nga alam kung gaano na ba ako katagal na nandon. Mahinang mahina ang katawan ko pero kinaya ko namang itaas ang braso at paa ko noong naiwan ako doon sa kwarto mag isa.




Narinig kong ihinatid ni Daddy si Mama sa apartment ko at hinatid naman si Kuya si Cleya sa Condo niya.



"Oh! The pretty lady is awake, how are you feeling iha?"



The doctor who was here earlier is back with two female nurses now.



"Am I..... dying?"



The two nurses was stunned a bit. The doctors face was showing how she tries to find the right words for an answer.



"Gaano na matagal iniinda ang pag sakit ng ulo mo, Iha?" Pag iiba niya ng usapan at hindi ko iyon sinagot. "By the way, I'll be back here in the afternoon. I need to talk to your guardian. Rest well. Nurse Marie will be with you for a while. Let us go, nurse Berlin."



May kung ano anong inayos ang Nurse sa hospital room na tinutuluyan ko. Nanatili akong nakahiga doon habang siya ay ikot ng ikot.



"Miss." Tawag pansin ko sa nursena naroon. "Pwede bang makisuyo?"



"Opo, Ma'am. Ano po ba yun?"



"Pwede bang ang papasukin lang dito ay ang Mama at Daddy ko?"



"Opo Ma'am, kung ano pong hiling ng aming pasyente ay aming susundin sa abot ng aming makakaya. Basta iyon ay makakabuti sainyo."



"Salamat."



Few minutes had passed when someone knocked the door and asking for a permission to enter.



Pumunta ang nurse doon at kinausap kung sino man ang kumakatok. Narinig ko ang sinasabi ng nurse pero hindi ang kausap niya.



"Im sorry Sir. But the patient requested not to let anyone enter her room aside from her parents."



Nang makabalik ang nurse at nakita akong nakatingin sa kanya ay ngumiti ito. Naglakad siya papunta saakin at doon ko napansin ang dala dala nito.



"May dalawang binata ang gustong bumisita, siguro'y kaibigan mo ang mga iyon. Ipinabibigay sayo."



Nang maibigay niya iyon ay nagpaalam siyang babalik na sa nurse station dahil iyon ang bilin ng doctor. Sinabing maya maya ay darating naman na ang mga magulang ko.



Pumpon ng bulaklak at mga prutas ang binigay saakin. Nakalagay ang mga iyon ngayon sa ibabay ng mesa.



Alam kong unfair itong desisyonn ito pero ayaw kong maipit sila sa sitwasyon ko. Mabuti ng maaga pa, masanay na silang wala ako.



Alam kong si Ice at Snow ang nagbigay non. Wala naman akong ibang kilalang dalawang lalaki na laging magkasama bukod sakanila.



Mabuti ng Si Mama at Daddy lang ang makakasama ko. Alam kong hindi din namn sila papayag na pati sila'y hindi ko papayagang makalapit saakin.



Si Cleya, busy yun sa career niya. Kung hahayaan kong bumisita siya palagi saakin, baka maistorbo lang siya. Wala na din naman akong patutunguhan. Narinig ko nag lahat ng sinabi ng doctor.



May tumor ako sa utak. Malaki na iyon at napakaliit ng chance ng maging successful kung ooperahan. Maging successful man, malaki naman ang chance na hindi na ako makakita.



Kanina habang naririnig ko kung paano sila mag luksa ngayong buhay pa ako, parang ang hirap isipin na may mas ilalala pa yon pag tuluyan na akong nawala.



Masakit din naman, bakit hindi nalang ako ngayon mawala? Bakit kailangan pang patagalin? Mas maaga, mas madali silang makakabangon.



Si Kuya naman, busy din, sa trabaho. Sayang nga, baka hindi ko na makilala yung mapapangasawa niya. Alam kong may girlfriend pero hindi pa pinapakilala saamin. Hindi ko manlang masusubukan maging Tita.



Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko na kanina pang naguunahang tumulo.



Si Ice, alam kong masasaktan din siya dito ng sobra. Mas magandang magalit nalang siya saakin dahil sa hindi ko pagpayag na mabisita nila ako kaysa isiping malulungkot siya ng sobra dahil dito. Ngayon palang ulit siya magsisimulang abutin ang mga pangarap niya, ayaw kong ako ang maging dahilan lara maudlot nanaman iyon.



Sana masanay na sila ngayon palang na wala nang Xierra Eleonor sa mundong ito. Kasi ako, buo na ang desisyon ko. Ayaw kong mahirapan sila kami pare pareho, alam ko kung anong proseso ang pagdadaanan ko at ng mga aalalay saakin.




Ayaw ko na. Hindi na ako susugal sa napakaliit na tsansa lamang. Tanggap ko na. Hanggang dito nalang ako.





__________
10/12/2020

This story was Ranked #5 in #breakups tag. Im so happy! Thanks for the reads and votes sisters and brothers! God bless you all!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon