Kabanata 8

1.6K 66 2
                                    

Today is Monday. I have to present my report in one of my majors.

"Aga mo naman ngayun pre." sabi ni Arthur at tinapik ako sa balikat.

"Report. Ako mag rereport ngayun kay Miss Olivares." Sabi ko sakanya.

"Aah. Yung hiningan mo ng schedule nung chix mong third year?" mapang asar niyanh sabi.

"Wag kang maingay kung ayaw mong isaksak ko tong ballpen na hawak ko sa kamay mo." Banta ko sakanya na ikinatawa niya pa.

"Alam mo Ice, Pre." inakbayan niya ako habang inaayos ko ang projector na gagamitin ko. "Bilis bilisan mo, kasi balita ko madaming nagkakagusto dyan sa chix mo, galing sa first year mga yun!"

"Wala akong pake." inalis ko yung kamay niyang naka akbay saakin.

"O talaga? Wala? Kahit pa nakita ko siya kaninang may kasabay na lalaki, yung bagong salta yata yun sa team niyo e, si Villarta. Dala dala mga libro niya pre."

"Sinong nagpasok sa team nung Villarta na yun?"

"Akala ko ba wala kang paki?" nakangisi ang gago.

"Wala kang kwentang kausap!" Sigaw ko sakanya.

Si arthur, classmate na yata kami simula kinder. Kaya sanay na kami sa ugali ng isat isa.

"Pre, kung ako sayo babakudan ko na yan. Sayang naman yung tatlong taon na pagharang natin sa mga manliligaw niya pag naunahan ka nong bata."

Inis na talaga ako kaya ibinato ko sakanya yung bag ng projector pero ang gago nasalo iyon.

Tumakbo siya sa labas na tawang tawa. May araw ka rin saakin gunggong!

"As what I've expected from you Mr, Ice Guillermo. You have a great presentation." Komento ni Miss Olivares.

"Thank you Ma'am." ngumiti ako sakanya.

"You deserve all the praises Mister."

Iyon lang ang sabi niya at lumabas na ng classroom.

Pagkatapos kong iayos ang gamit ko, dumeretso na ako sa Cafeteria. Hindi ko na hinintay sila arthur. Mang gugulo lang yun.

Bago ako makapasok doon, sinita ako ni Kuyang Guard.

"Balong, 4th year kana diba?"

"Opo kuya."

"Ay bakit naman dito ka pa pumunta, napakalayo. May malapit naman sa building niyo e." sabi niya saakin.

"Mas masarap mga pagkain dito kuya." sagot ko sakanya.

"Eh sa iisa naman ang cook ng cafeteria dito at doon sainyo. Napaka loko mo balong."

"Nandito din Girlfriend ko kuya. Mas masarap naman kumain diba kuya pag kasama mo ang sinisinta mo." pagpapalusot ko naman.

"Ay oo naman. Dapat kanina mo pa sinabi. Hala sige, pumasok kana."

"Salamat po."

Bago yung guard kaya hindi ako kilala. Kung si Kuya Jun lang yun ngitian ko lang papasukin na ako.

Pagpasok ko agad kong namataan si Xierra na nakaupo sa inupuan namin dati. Pero ang nakakainis may asungot sa harap niya.

Kung makatawa tawa sila don akala nila sila lang tao dito.

Nag order na ako ng pagkain. Nang makapagbayad, naghanap ako ng uupuan. Nakita kong bakante sa likod ni Xierra kayo doon ako.

Pwede akong dumaan sa likod para deretso sa uupuan ko pero mas pinili kong sa harap para madadaanan ko ang mesa nilang dalawa.

Nangyari nga ang gusto kong mangayari, nakita niya ako saka niya ako tinawag.

"Ice! Hehe musta?" Ice pala ha. First name basis pag may ibang kaharap na lalaki. Pusangama naman oo!

"Im fine. Lets talk. Come to my table in 5."

Nag isip akong mabuti kung anong pwede naming pag usapan. Yung importante.

Wala pang limang minuto ay nasa harapan ko na siya.

"Ano naman yang pag uusapan nati?"

"Itatanong ko sana kung anong oras out mo mamaya." Wala talaga akong ibang maisip.

"YUN NA YON?" para siyang galit na pusa.

"Oo, bakit?"

"Pinaalis ko si Ken akala ko pa mandin sobrang importante naman oh."

"Hindi ba importante yun?! Edi habulin mo!" nagtitimping sabi ko sakanya.

"Eh bakit para kang  galit? Selos ka?!"

"ANO NGAYUN KUNG OO!" ay gago na dali na.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at agad na lumabas doon.

Aba, edi habulin niya yung payatot na yun.

"Nag pa-practice lang po kami para sa play. Sorry po. Kain na kayo ulit. Hehe" rinig kong sabi  niya sa mga taong nandoon bago ako makalyo.

Pumunta ako dito para kamustahin yung lagay niya tapos yun madadatnan ko. Nakikipagtawanan sa isang hindi ma identify na nilalang?

Hindi ako nag seselos. Nabigla lang talaga ako kanina kaya ako napa oo. Concern lang talaga ako sakanya baka maging kamuka niya yon, mahirap na.

Napapamura nalang ako habang pabalik sa building namin. Walangya! Ano ba itong pinag gagawa ko.

"Pre! Ano? Nakita mo ba yung sinasabi ko? Pahirapan mo nalang sa training yung yung bata. Next week na yon. Para maiganti mo yung pagdikit dikit niya sa babes mo Hahahahaha"

"Tangna mo arthur! Kunin ka na sana ni lord."

______
Happy reading!





















ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon