Kabanata 21

1.3K 48 0
                                    


"From five sections, bachelor of science in accountancy has only one now. I want to congratulate all of who's infront of me now for reaching this far. This sem is a preparation for your board exam, I know you're all aware of that, so might as well make yourself always ready, mind and body, am I clear?"


"Yes, Ma'am!"


Dati 45 kami dito sa block na to, ngayon 32 nalang kami. Hindi ko inakalang makakaabot pa ako dito. Salamat nalang din sa motivations ng pamilya ko at syempre, malaking tulong din nung nakilala ko si Ice during my third year in this course.


Hindi gaya ng ibang university, dito saamin 4 years lang ang accountancy, yun din ang nagustuhan ko dito.


"Xierra, saan ka mag rereview?" Tanong ng isa kong classmate.


"Hindi ko pa alam e. Kayo ba? Siguro sasama nalang ako sainyo para makipagtulungan sa review, okay lang?"


"Oo naman! Running for cumlaude ka e, swerte namin kung makakasama ka saamin."


"Haha baliw! Hindi naman yun sigurado. Parang nang aasar nga si Dean e. Alam niya kasing naiyak ako palagi tuwing alanganin grades ko dati."


"Hindi yun marunong mag joke."


Kanina kasi sa registrar, nung kukuhanin ko dapat ang assessment fees ko, nandon si Dean. Nagulat ako ng tapikin niya ako sa braso saka niya ako inakbayan. "Nandito ang isa sa mga cumlaude natin!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya rinig ng ilang staff at mga students na nandoon. Tumatawa siya kaya hindi ko alam kung totoo, o inaasar niya lang ako. Pero nginitian ko nalang siya kasi hindi ko talaga alam ang isasagot!


I felt my phone vibrated. A text from my babe.


'How was your first day?'


Dahil nga pala sa nangyari sakanya, hindi siya nakapag take ng boards agad. Hindi ko alam kung anong balak niya, nahihiya naman akong magtanong.


Me: Okay lang. Where are you?


'Turn around.'


Walang pagaatubili akong lumingon sa likod ko. Nandoon nga siya sa gilid ng sasakyan niya, may nakaalalay parin na saklay sa kamay. Tumakbo ako palapit sakanya.


"Hey! Kanina ka pa dito? Bakit di ka nag sabing pupunta ka?"


I hugged him.


"No, halos kadadating ko lang din when I saw you and your friend talking on the hallways."


"Oh? Anong sadya mo dito? Akala ko next weekend pa tayo magkikita?"


"Bukod sa na miss kita agad, may sadya talaga ako dito."


"Ano?"


"I need to talk to my professors before. I want to take the boards too. I want to take it with you, lets be a CPA together, babe."


"Talaga?!"


"What's with that look? Para kang maiiyak na ewan."


Sinapak ko siya sa braso.


"Im just happy! Baliw. Ang saya ko talaga."


"Halata nga."


Ang nangyari ay sinamahan ko siyang pumunta sa mga professors ng accountancy. Theyre sad for what happened to him but at thesame time happy because he didn't gave up and still have the courage to pursue this line of profession.


ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon