"Hoy babae! Pumasok kana dito. Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
"Eto nga, papasok na. Ano bang ginagawa mo dito Cleya? Gabing gabi na."
"May lakad kami bukas ni Johann kaya hindi na ako umuwi saatin. Di pa naman kami pwedeng magtabi kaya di ako natulog sakanila. Nakakahiya sa mama niya no!" Aba! Echosera.
"Wow ha! Hiyang hiya naman ako sa pagpunta niyong sagada na kayong dalawa lang. Ano yun? Magkahiwalay kayo ng kwartong tinulugan ha? Wag ako Cleya.Wag ako!"
"Oa neto. Hindi ba pwedeng isang kwarto pero magkaibang kama?" pambabara niya saakin.
"Alam mo Cley, iisang dugo ang dumadaloy sa katawan natin. Sige ngayun mo sabihin saakin na hindi kayo naglandian don?"
" Oh edi ikaw na magaling hayp!"
Guilty ang gaga, nakita ko pang namula yung pisngi bago umakyat sa hagdan at dumeretso sa kwarto namin dati, na kwarto ko nalang ngayun.
Inilapag ko sa center table dito sa mesa yung mga librong dala dala ko kanina. Hehe. Naalala ko nanaman tuloy si Ice.
Kaso medyo tampo ako sakanya ha, naihatid na niya ako't lahat lahat dito sa apartment hindi naman niya ako binigyan ng chance na titigan siya kanina. Nahiya siguro siya doon sa driver niya.
Oo sis, driver niya. Narinig ko nga kanina Sir ang tawag sa koya niyo. Sana all.
Tuwing napapansin niyang nakatingin ako sakanya, tinatakpan niya yung mata ko gamit yung kamay niya. Kaya ayun, inulit ulit ko siyang tingnan kasi ang bango bango ng kamay niya. Hehe.
Sabi niya saakin kanina bago sila umalis, yung ginawa kong pag rereview kanina, ipagpatuloy ko lang daw yun para hindi ako mahirapan.
Dahil medyo nangati ako doon sa dress na sinuot ko kanina, nag shower na ako agad. Dahil nga nandito si Cleya, sure akong may pagkain na sa kusina. Doon siya magaling e, sa kusina.
Napadami ako ng kain, ang sarap talaga mag luto. Pag ako talaga yumaman, si Cleya ang kukuhanin kong cook.
After ko kumain, at mag hugas ng mga pinagkainan dinaanan ko sa sala ang mga librong iniwan ko sa center table at dumeresto na ako sa taas para makapag pahinga nga.
Ng ilalapag ko na sana yung huling librong hawak ko sa study table, may napansin akong sticky note sa cover page non. Kinuha ko at binasa. Sis ang ganda ng sulat.
'You are good and fast in learning your lessons. You just needed to focus more. Remember to always take your meals on time. Know your priorities, Xierra.
-Ice'
Idinikit ko yun sa wall sa harap ng study table ko. Sa dami ng naka dikit don na post-it-notes yung sakanya ang nag stand out. Walang wala yung sulat ko sa sulat niya walangya. Siya yata talaga yung babae saamin e.
Maalala ko lang ha. Ano kayang meron bakit parang biglaan naman yata yung pag lapit lapit niya saakin? Hindi naman sa ayaw ko. Gustong gusto ko nga e, pabor na pabor saakin yun.
Lalo na yung unang lumapit siya sa akin sa library. Siguro narinig niya lang talaga akong umiiyak tapos naiingayan siya kaya pinatahan niya ako ng maayos.
Ewan, bahala na. Ang mahalaga, yung dating tinititigan ko lang sa malayo ngayung medyo abot kamay ko na.
Oo, medyo lang. Kasi nung nag hiwalay kami kanina. Wala naman siyang sinabi kung may susunod pa ba kaming pagkikita o wala na. Kaya hindi na rin ako nagtanong.
Hindi ko alam kung may susunod pa o ano, pero siguro naman pag nagkita kami sa school papansinin at papansinin niya ako. At yung ang mahalaga bukod sa grades ko sa accounting!
I sat on my bed, said my prayers and then take a sleep.
_____
Happy reading!
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomantikR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)