Alas kwatro palang ng umaga, bumangon na ako. Wala din namang silbing mahiga ako doon dahil hindi naman ako makatulog. Wala akong matinong tulog!Hindi ako excited ha. Hindi ako excited na makita si Icy. Hindi nga ako nag handa ng dress at doll shoes kagabi e. Hindi nga ako dumaan sa watsons kahapon galing sa university para lang bumili ng lip and chick tint. Promise, hindi. Konti lang. Please, believe me Im lying. Hehe.
Maaga pa naman kaya nag pasya nalang muna akong maglinis ng kwarto ko. Hindi naman ako makalat, kaya mabilis din akong natapos.
Alas singko noong natapos ako kaya ibig sabihin may tatlong oras pa ako. Napag pasyahan kong mag bake. Yes, you heard it right. Mag be-bake ako.
30 minutes bago mag alas otso, handa na akong pumunta sa city library soot ang plain white dress at white sneakers.
Habang naglalakad ako papunta sa kanto para mag abang ng jeep, namataan ko si Cleya sa harap ng tindahan ni ate Nene. Anak kasi ni ate Nene yung kalandian ng pinsan ko ngayun. Aba, di nga ako mabisita sa apartment tapos makikita ko siya diyan?!
"Cleya!" tawag ko sakanya.
"Oh Xie, san ang binyag?" pangungutya niya sa soot ko.
"Duh! Cleya. Hindi binyag ang ganap no! Pupunta ako sa library para mag aral."
"O, e bakit ganyan ang get up mo girl?" Aba, di niya ma appreciate ang ganda ko ha.
"Inggit ka lang. Che!" siniko ko siya kahit na hirap na ako sa pabitbit nitong apat na libro ko. Pero may bigla akong naalala. "Cleya, naalala mo ba yung crush natin nung unang taon natin sa university? Yung accountancy?"
"Ah, yung si Mr. Yelo? Bakit crush mo pa rin hanggang ngayun? Hay nako Xie, tigilan mo na yang ilusyon mo!"
"FYI couz, siya lang naman makakasama ko sa library mamaya." Sinabi ko yun sakanya habang nakangisi. Kaso ang gaga, tinapik ako sa ulo. " Aray ano ba?"
"Xie, gising! Ayan na yung jeep oh. Tulog ka pa yata e. Tigilan mo na yang si Mr. Yelo, mahirap abutin yon!"
Inirapan ko nalang siya dahil di na ako nakasagot ng huminto na ang sasakyan kong jeep patungong city library.
Cleya my dear, sabihin na nating mahirap nga siya abutin. Oo, pero noon yun. Ngayun, nang masilayan niya ang isang dyosang tulad ko, bumaba siya sa lupa para lang kunin ang kamay ko. Wahahaha!
Pag baba ko ng jeep, saktong may humintong isang itim na sasakyan kaya napahinto ako. Bumaba galing doon si Icy.
Nang makita niya ako, ngumiti siya saakin. First time yon!
"Hey! Morning Xierra" bati niya saakin.
"Good morning Kuya." ganting bati ko sakanya.
Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa library at sinundan ko na lamang siya. Doon kami pumwesto sa right part ng library sa second floor kung saan makikita ang kabuuan ng isang Catholic school dahil gawa sa salamin ang pader dito.
"So you brought four books with you. Just choose one, at yun ang aaralin mo ngayung araw."
AARALIN KO? akala ko naman tuturuan niya ako kaya apat dinala kong libro para mas matagal kaming magkatabi tapos mag isa lang akong mag aaral? So ano ganap niya dito, display?
"Kung nakakamatay man ang pagtitig, kanina pa ako walang malay dito. What's your problem?" ngumiti pa siya ng bahagya na parang nang aasar.
Wag kang ngumiti ng ganyan baka gawin na talaga kitang key chain. Naiinis ako, di niya manlang napansin na naka dress ako.
"Wala akong problema, baka ikaw po meron."
"Why would I have one?" nangaasar niya pa din na sagot.
"Aba ewan ko po."
"Why are you even saying 'po' and calling me 'Kuya'? Masyado kang magalang."
"Eh, ano naman sana itatawag ko sayo kung ganoon?" kyuryoso kong tanong.
"You can call me Babe, baby or whatever you want." Nag eenjoy na yata siya sa pag ngisi ngisi saakin ha, hindi na ako natutuwa. Promise! Hindi na ako natutuwa kasi kinikilig na ako. Wahahahaha!
"Ha? At bakit?" syempre, pakipot konti.
"I'm just joking, I just want to brighten your mood. Ayan effective naman diba?" sabi niya na parang nag yayabang.
Sus, makita lang kita. I will be having the brightest mood in the whole universe. Chos hahaha.
"Whatever" inirapan ko nalang siya pero nanatili pa rin tung ngiti niya sa labi.
"Lets start! Have you chose one already?" Umupo siya sa tabi ko. Yes! Lumipat siya sa tabi ko sis! Akala ko talaga nasayang effort ko sa pag bitbit ng apat na makakapal na libro.
"Hehe, eto nalang."
Dahil isa akong mabuting bata. Isinantabi ko na muna ang paglalandi para makapag focus ako sa pag aaral.
Kung ano ano pang tips ang sinabi niya saakin. Kung anong oras magandang magbasa, kung anong kulay ng highlighter ang dapat kong gamitin at kung anu ano pang makakatulong saakin para sipagin akong mag aral kahit mag isa ako.
Nung naituro na niya saakin yung 'starter pack' ng pag rereview niya, nilabas niya na din yung books niya at nag simula na din siyang mag aral.
Ang gwapo niya naman lalo pag may hawak na libro. Mas makinis pa yata yung mukha niya saakin. Bagay na bagay sakanya yung suot niyang sky blue polo shirt at black pants tapos tinernuhan niya ng white rubber shoes. Ang cool!
"Are you done checking me out?"
"Yes." wala sa sarili kong sagot. " ay pota, hoy sino nag sabing tinitingnan kita, hindi no!" defensive kong sagot.
"Okay hindi na kung hindi. Tone down your voice napapatingin na sila dito saatin."
"Ikaw kasi" paninisi ko sakanya.
"Read your books for now, I'll give you time to stare at my face later before going home."
Ngumisi nanaman ang pusangamaa!
_____
Happy reading!
BINABASA MO ANG
ICE GUILLERMO [Completed]
RomanceR-18 Highest rank: #1 accountancy (04/08/2021) #1 sadending (11/08/21) #3 breakups (02/07/2021)