Kabanata 1

4.2K 109 9
                                    

Nanlalamig na ang magkabilaan kong kamay. Hinihintay kong pangalan ko naman ang tawagin para makita ko kung ano grade ko kay Ms. Olivares.



Kaninang umaga pag gising ko, masama na talaga pakiramdam ko. Lalo na at napanaginipan kong sa banko nga akong nagtratrabaho pero may hawak naman akong basahan at walis. No! No! No way!



"Xierra Eleonor Viernes" Dali dali akong pumunta sa harap. "Ms. Viernes, hindi pa dito nagtatapos kaya ayusin mo na sa mga susunod" Sinasabi niya yun habang ako ay nakatigtig lang sa laptop niya na naglalaman ng grades namin.



Nagtawag na siya ng susunod kaya umupo na rin ako hanggang sa matapos ang araw na iyon na pag tunganga lang ang tanging nagawa ko.



Naguguluhan na talaga ako, nung una maayos naman e. Alam ko pa kung ano ang ginagawa ko at kung ano pa ang susunod kong gagawin. Ngayun parang gusto ko nalang ding maging gaya nitong pusang hawak ko.



Tamang gala gala lang dito sa loob ng campus tapos pag gutom pakalat kalat lang sa school cafeteria habang meow ng meow.



Saturday morning, pag bukas ko ng account ko sa messenger. Isang masamang balita ang bumungad saakin. Ang sabi don, 'Good morning students, read chapter 43 to 47 on the second part of your book. We will be having a short quiz on monday.'



Pusangama naman oo. Ito yung isa sa ayaw ko e, short quiz tapos ang kailangang i-review 5 chapters! Bukas pa sana ako uuwi sa apartment e, kaso wala akong choice kasi nandun naman yung libro na kailangan ko.



Umuwi nga ako pero ang nagyari, hindi din ako nakapagreview ng maayos dahil kung su-swertihin ka nga naman, ngayun pa talaga nag parenovate ng building tong katabi naming apartment. Edi wow naman diba? Pukpok dito, pukpok doon. Sana happy kayo.



Kaya maagang maaga nalang akong pumasok pag dating ng lunes. Maaga pero mas maaga pa rin naman yung mga guards. As usual, kape lang nanaman laman ng little tummy ko pero di na ako nag abala na kumain pa sa school kasi may tatlong chapters pa akong babasahin.



Nang tingnan ko ang wrist watch ko, 10:30 na, ibig sabihin 3 and half hours na akong nag aaral at isang chapter palang ulit ang natapos ko. Kinakabahan nanaman ako. Paano na to? Mamamayang 2pm na quiz ko?



Ibabalik ko na sana ulit yung atensyon ko sa libro pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Ipinikit ko muna. Kaso ilang minuto na ang lumilipas hindi pa rin nawawala.



Nagsimula ng magunahang tumulo yung luha ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Hindi na mawala sa isip ko yang lintek na 69 na yan, tapos mukang mababagsak nanaman ako sa quiz mamaya. Paano ko matutuloy ang pag babasa kung ganitong hindi mawala pagkahilo ko?! Ano ba yan.



Nanatili akong umiiyak ng mahina dito sa gilid ng library habang nakayuko. Hindi alintana kung mabasa man ang libro o mga papel ko.



Hanggang sa may maramdaman akong presensiya sa tabi ko. Parang may umupo sa bakanteng upuan. Basang basa man ang mukha ko dahil sa luha, inangat ko pa rin ang mata ko para makita kung sino iyon.



Nagulat ako sa nakita, pero nawala yata ng konti yung hilo ko. Isang Ice Guillermo ang tumabi saakin.



"Hey! You need help?" tanong niya.



"Ha?" Yun lang tanging naisagot ko dahil hindi ako makapaniwalang yung crush ko simula first year nandito sa harap ko ngayun, at kina kausap pa ako.



"Why are you crying?" dahil sa tanong niya medyo bumalik ako sa huwisyo.



"Nahihilo ako." Totoo nga, pero in pabebe way yata yung pagkakasabi ko.



"You have quiz later?" tanong niya ulit.



"Ah, opo. Mamayang 2pm."



"Nag breakfast ka ba?" bakit ang dami mong tanong baka bigla akong mafall.



"Hindi?" hindi naman dapat patanong yun kaso nahawa yata ako sa kakatanong niya.



Nakatingin pa rin ako sakanya habang may kinukuha siya sa bag niya. Ng makuha niya yun inilagay niya yon sa harap ko.



Dalawang biscuit at isang bottled water. May dalawang chocolate bar din na kasama.



"Next time, dont ever think of skipping your meals. You have to make sure to feed your stomach first before feeding your brain with knowledge. Also, wipe that tears on your face." at nilapag niya din sa harap ko ang isang panyo.



Hindi na niya ako hinintay na sumagot, tumayo na siya, kinuha ang bag at dere- deretso na siyang lumabas.



Salamat kay kuya Ice! Nairaos ko ng maayos yung quiz namin kanina.



Hulog ka ng langit Ice Guillermo!








_______
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon