Kabanata 13

1.5K 63 1
                                    


19 years nga na nag celebrate ako ng christmas na wala namang Ice Guillermo sa buhay ko, naging masaya naman ako.

Pero itong christmas na to, parang hindi kompleto. Naguusap naman kami through phone sa loob ng mahigit isang linggo. Pero kulang pa rin. Buong sem kasi, halos siya lang yung nakasama ko.

Today is December 31. Its my birthday and Im waiting for him. Sabi niya kahapon susunduin niya ako mamaya para mag kasama kaming mag count down at para sa birthday celebration ko with him. Nag paalam na din daw siya kay Mama. Ang hindi niya pa nakikilala ay si Kuya at Daddy kasi lagi namang wala.

Nakilala niya na si Mama kasi minsan niya na akong hinatid saamin. Pinakilala ko na din siya that time. Okay lang naman kay mama.

Then my phone vibrated...

"Babe, good morning."

"Good morning. Nakarating kana?"

"Yeah, already here at my house. Im tired so Ill take a rest first then pick you up at 6pm later. I have a surprise babe."

Na excite ako lalo.

"Okay, rest well babe. See ya!"

Hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag. Mukhang pagod nga talaga. Hindi niya naman siguro nakalimutan na birthday ko. Baka kasali yun sa surprise mamaya. Pagod lang yun.

Kahit maaga pa, namili na ako ng isusuot. Ni-wrap ko na din yung gift ko sakanya. Pinaghirapan ko din tong isipin kasi hindi naman talaga ako pala bigay ng regalo kaya wala akong masyadong ideya.

Nag lunch kami ni mama kasama ang mga mga kagawad niya at iba pang opisyal ng barangay. Nakagawian na yun na sa tuwing disperas ng bagong taon at syempre kaarawan ko, may handaan dito sa bahay ng kapitana. Ilang term na din kasi na nananalo si mama.

Nagpasko lang sila papa at kuya dito tapos bumalik na din sa trabaho nila. Mga busy person.

After ng kainan at konting kwentuhan doon pumasok na din ako sa kwarto ko. Sabi ni mama magandang makihalubilo daw ako sa mga kasamahan niya. At hindi ko alam kung bakit.

5:30 nakapag bihis na ako. Mas magandang maaga akong makapag ayos para hindi na siya mag hintay. Para pag dating niya, alis agad, sayang oras. Pag masaya ka, mas mabilis ang galaw ng orasan.

Dala ang sling bag at regalo ko sakanya, bumaba na ako sa sala.

Nadatnan ko doon ai Cleya at ang iba pa naming SH friends.

"Happy Birthday Xierra Eleonor" sabay sabay nilang salubong saakin.

"Thank you!"

"Xie, may date ka?"

"Aba, himala yata at ngayun lang tayo nabuo ulit?." balik na tanong ko sakanya. "Na-miss ko kayo Amber, Hannah and Belle."

Niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi.

"Hoy Insan. Di pa ako sinasagot. May date nga kayo?"

"Oo, mamayang 6pm. Nandito na yun. Bat nga kayo nandito?"

"Wala nag kayayaan lang at syempre para batiin ka at para makikain." sagot ni Cleya.

"Heartbroken yan Sis. Nag yayaya uminom kaya nag punta kami dito." sabi ni Amber.

"Boba, di ako broken."

"Follower mo ko sa twitter gaga." ani Hannah

"Hindi ba pwedeng mema tweet lang? Ito maintriga!"

"Believe what Amber said Xierra, lasing yan na tumawag sakain kagabi hahahahahaha. Umiiyak ang gaga!"

Ayun, naghabulan si Belle at Cleya dito sa sala.

"Chismosang palaka!!"

Dahil sa kwentuhan at ingay namin hindi ko namalayan na passed 6pm na pala. Wala pa rin Ice.

Lumabas muna ako para tawagan siya. Masiyado kasing maingay sila Cleya doon sa loob.

"The subscriber cannot be reach please try again later."

"The subscriber cannot be reach please try again later."

"The subscriber cannot be reach please try again later."

"The subscriber cannot be reach please try again later."

"The subscriber cannot be reach please try again later."

Naka ilang tawag na ako pero wala pa rin. Naka off siguro phone niya.

I tried texting him, a lot. Pero kahit isang response wala pa rin.

Hindi na siguro ako nahintay na pumasok ni Cleya. Kaya sumunod na dito sa labas.

"Insan, ano daw? Malapit na?"

"Hindi sumasagot e. Kahit text wala manlang sana."

"Baka naman tulog pa. Edi ba, sabi mo pagod. Mahaba din byahe nun."

"Sana nga, nakatulog lang siya. Nag aalala ako baka may nangyari namang masama."

"Wag ka ngang praning. Mamaya maya tatawagan ka na non. Wag kang sumimangot, lalo kang pumapangit!"

"Baliw."

Pinsan at the same bestfriend ko nga talaga si Cleya. Alam kung kelan ako okay or hindi.

Niyaya niya nang umuwi yung tatlo kasi alam niyang baka hindi ko din sila ma entertain ng maayos.

Naghintay ako sa sala namin hanggang alas otso ng gabi. Pero wala.

Umakyat na ako sa kwarto para makapag palit. Nang matapos ako, kinuha ko yung regalo ko sakanya. Saka ako pumunta malapit sa bintana ng kwarto ko.

Ililihis ko palang sana ang kurtina ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikisama yata sa nararamdaman ko.

Ito yung unang beses na hindi tumupad si  Ice sa sinabi niya. Kung ano man yung rason kung bakit di siya sumipot sana maintindihan at matanggap ko.

Siguro dito na nga magtatapos ang kaarawan ko.

"Happy Birthday self. Be happy no matter what, its your day. Happy Birthday Xierra Eleonor."

Kahit anong pigil ko, sadyang may sarili yatang isip ang mga luha ko at kusa nalang bumuhos kasabay ng ulan.

Kasabay ng pagsara ko sa aking bintana ay ang malakas na pag kulog at pagkidlat.

Sana okay ka lang. Kahit yun na lang.

Kinaumagahan, pag gising ko. Kahit papaano ay natuwa ako dahil may isang text galing sakanya.

"Im sorry, Xierra."

Hindi Babe. Hindi Xierra Eleonor. Kundi Xierra lang. Nothing special.

__________
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon