15. Lyca Valderon [Part 5]

3.7K 46 10
                                    

WARNING: THIS STORY REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

READ AT YOUR OWN RISK!

15. Lyca Valderon [Part 5]


Hindi ko inaasahan na ganoon kadami ang dadalo sa gabing iyon. Wearing an off shoulder peach long gown, may malaking slit ito kung kaya't kita ang mahaba at maputi kong hita. Alexandra gave it to me last night, kasama ng strapless high heels shoes na ibinigay din niya. Aniya ay matagal na niya itong binili sa akin bago pa sila umuwi dito. She's just looking for a good timing para naman daw hindi siya mapahiya kung sakaling tatanggihan ko. Kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit sinakto talaga niya para sa araw na ito. I'm sure matagal na nilang plano ito ni Daddy. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit parang napakabilis ng lahat.

Habang nakatayo sa ikalawang palapag ng Mansion. Sa terasa kung saan malaya kong nasisilayan ang maraming bisita sa backyard. Halos karamihan ay konektado talaga sa kompanya, kung hindi mga empleyado ay mga myembro ng board of directors na tinutukoy ni Daddy. Holding a glass of champagne, I can't help but to feel nervous. Kaunting oras na lamang ay i-aanounce na ni Daddy sa harap ng maraming tao ang ibig niyang sabihin.

"Ma'am Lyca." putol ng isang kasambahay sa aking pagmumuni-muni. "Pinapatawag na po kayo ni Sir Rico para sa pagsisimula ng party."

"Okay." simpleng sagot ko pagkatapos huminga ng malalim. Ibinigay ang champagne na hindi ko naubos.

I slowly walk downstairs, habang may ilaw na nakatutok sa akin. Naririnig ko ang mga pagkamangha sa lahat, kahit hindi ko sila nasisilayan. Nakahinga lamang ako ng maluwag noong makita sina Daddy na nakatayo sa ibaba na tila kanina pa ako hinihintay. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti lalo pa ng makita kung gaano kasaya si Daddy sa gabing ito. It's been years simula ng makita ko ulit ang ganyang klaseng ngiti niya, iyong tunay, at walang halong pilit.

"Good evening, Ms. Valderon." gulat at hindi naman ako makapaniwala noong salubungin ako ng lalakeng hindi ko inaasahan sa ibaba ng hagdan.

Of course, I should be expecting this right? Malamang nandito siya at makikita ko dahil anak siya ng babaeng mapapangasawa ni Daddy. Pero ang siya mismo ang sasalubong sa akin at hahawak ng kamay ko. It's beyond my expectation. Siyempre after ng nangyari sa amin, dapat ay wala na din siyang mukha pa na ihaharap sa akin.

"Good evening," I fake a smile as I offered my hand to him.

Seryoso niya iyong tinanggap at nakangiting tumingin sa harap ng maraming tao. Mayroon din ilang flash na nagmumula sa mga photographer na kinuha ni Dad.

"Okay, ladies and gentleman. First of all, I just wanted to say thank you to all of you." simula ni Daddy. Habang may microphone sa mini stage na kinatatayuan namin. Hawak niya ang baywang ni Alexandra at nakangiti sa harap ng lahat. 'Thank you for coming here tonight. I know some of you are already tired from works, at syempre lahat naman tayo ay pare-pareho na busy. Hence, I still want to express my gratitude."

"Anyway, I have two important announcement. Kaya naman halos lahat kayo ay aking inimbitahan dahil malaki ang inyong bahagi sa party na ito." bahagyang natawa si Dad at ganoon din ang marami. "First, I now let the world knows. That I am already engaged for the woman who captured my heart once again, Ms. Alexandra Almodozar Castañeda."

Hindi ko maintindihan, pero ang nararamdaman ko kay Alexandra ay tila nagbago. Kasabay ng naluluhang si Dad, palakpakan ang sagot ng mga bisita sa announcement niyang iyon. "Woah! congratulations Mr. Valderon!" halos komento ng marami.

Ngunit hindi iyon ang dahilan, pakiramdam ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi makagalaw sa aking kinatatayuan, marahan akong napatingin kay Lexus na nakangiti at pumapalakpak din kagaya ng marami. Castañeda? I don't get it. Leandrus Alexander Almodozar, that was Lexus complete real name. Pero bakit? Bakit Castañeda ang apilido ni Alexandra at Almodozar ang nasa gitna? Oh shit! naguguluhan ako. Anak ni Alexandra si Lexus iyon ang pagkakaalam ko kaya..

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon