16. Lyca Valderon [Part 6]

4K 48 9
                                    

Hehe dahil makulit kayo at gustong-gusto ko sa makukulit. Keep on reading! :)

P.S Huwag kayong magtaka if medyo mabilis ang mga pangyayari dito. This is a collection stories that's why. Thank you!!

WARNING: THIS STORY REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

READ AT YOUR OWN RISK!

16. Lyca Valderon [Part 6]


Parehong tahimik at hindi kumikibo. Hindi ko maiwasan ang mailang habang nakatunghay sa ibaba. Kung saan walang tao sa terasa at napakatahimik. Marami akong gustong itanong kay Lexus at marinig na paliwanag tungkol sa tunay na relasyon niya kay Alexandra. But I think, I don't need to ask him anymore.

"Second cousin ni Daddy si Tita Alexandra." iyon kaagad ang bungad niya. I felt shock, really! gusto kong lumingon pero mas pinili ko na umaktong hindi ako apektado. "If you remember, I never introduce you to my real Mom at ganoon din sayo. Kaya naman kung mapapansin mo, palaging okay sa akin kung on and off ang relasyon natin noon."

Tama, ni minsan ay hindi siya umangal sa bawat desisyon ko. Kung kailan kami magco-cool off at magkakabalikan ulit. Noong una, akala ko ay dahil pareho kaming mga bata pa at wala pa sa isip ang seryosong relasyon. Until I realized everything when we never introduce each other to our parents. Bakit nga naman diba? For sure nagagalit lang si Dad dahil bukod sa bata pa ay pareho pa kaming nag-aaral.

"Honestly, baby pa lang ako ng iwan kami ni Daddy. Mom did everything just to give what I needed. Until highschool, nagsimulang magkasakit si Mommy noong panahon na naging tayo na." hindi ko alam, but I suddenly felt hurt for unknown reason. Naisip ko, ang dami ko pa palang hindi alam kay Lexus.

Sabagay, hindi naman talaga kami totally naging open sa isa't isa noon pa man. Although, we love each other, sa tingin ko ay mababaw lang iyon at hindi pa kagaya ng kung anong naramdaman ko ng muli kaming magkita.

"We found out, na stage 2 na pala ang cancer ni Mommy. That's why we decided to take her in states para gumaling siya." sa puntong iyon, narinig ko ang bahagyang pagpiyok ni Lexus. Kahit malakas ang musika na nanggagaling sa ibaba. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tono ng kanyang pananalita. Alam ko kung gaano kasakit...dahil ako ganoon din naman ang nararamdaman sa tuwing naaalala ko si Mommy.

"2 years, I continue studying while working. Pinipilit labanan ang sakit kahit sobrang hirap. I thought, she's so strong to win it. Pero nagkamali ako. After ng dalawang taon tuluyan nawala si Mommy at doon ako inako ni Tita Alexandra. She take care of me like a real son, kaya naman hindi nagtagal. She let me to call her Mommy." sa bandang iyon, nahihimigan ko na masaya siya dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon siya ng ina.

"She's so understanding, kind and lovable woman, Lyca." a slight guilt entered my body. "Napakasuwerte mo dahil may chance ka na maging tunay siyang ina. While me? I'm just her nephew who wish to have her as my second Mother."

"I hope, you can accept her as your real Mom. Masaya ako dahil sila ni Tito Rico ang nagkatuluyan, I know your Dad love her so much."

Unti-unting kumawala ang luha sa aking mga mata. "I'm also sorry for taking advantage on you, gusto ko lang malaman mo. Seryoso akp sayo at handa kong panagutan kung ano man ang kinuha ko sayo."

Hindi nakapagsalita, naiyak lamang ako ng tahimik hanggang sa maramdaman ang mainit na yakap ni Lexus sa likod ko. "I'm sorry, please give me another chance."

Slightly nodding my head. Marami akong narealize sa mga sinabi ni Lexus. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na mahal pa niya ako. Sa loob ng maraming taon, aminado ako na madalang ko lang siyang maalala. Pero sa tuwing may manliligaw ay palagi siyang sumasagi sa isip ko. Hindi lubos akalain na magkikita pa kami, napakasaya ko dahil sa kanya ako muli nagtiwala.

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon