38. Imogen Aiko Perez [Part 8]

1.6K 30 9
                                    

WARNING: THIS STORY IS "NOT EDITED" AND REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

"READ AT YOUR OWN RISK!"

38. Imogen Aiko Perez [Part 8]

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak? I should be happy right? Kasi sa mga nagdaang taon, dumating din ang araw na ito. Kung saan lahat ng katanungan ko at mga bumabagabag sa isip ko. Agapius answered it with honesty. Aniya ay mahal niya ako, I can't even believe about what he said. 8 years? totoo ba siya? kung ganoon nauna niyang tinanggap sa sarili na mahal niya ako. Kahit noong mga panahon na akala niya ay magkapatid kami. I know that would be incest just in case, pero dapat ba akong matuwa gayong hindi naman pala kami magkapatid? Do I really feel the same just like how he felt for me?

"Hindi ko naman hinihiling na ibalik mo sa akin ang nararamdaman ko Imogen, I understand na marami din akong pagkukulang sayo. And I am really serious about you, maghihintay ako. Hihintayin kita."

Iyon ang huling sinabi ni Agapius kagabi bago niya ako pinakawalan. I can't sleep properly at napuyat ako dahil doon. Pasalamat na lang ako dahil nag- message ang supervisor namin na sa office na lang muna ako sa araw na ito. Kaya naman habang nakaupo sa cubicle ko at naghihintay lang ng mga magpapa-book ng reservation. My phone suddenly beep for new incoming message. Hindi na nagulat ng makitang si Agapius iyon dahil kaninang umaga ay nag message din siya sa akin. Hindi ko nga akalain na nag-eexist pa pala ang number niya na kailanman ay hindi ko binura sa contacts ko.

Agapius:

What time is your break? Let's take a lunch together.

As expected, kaninang umaga din ay nagpumilit siyang ihatid ako. Hindi na nagmatigas pa at hinayaan ko siya. Kasalukuyan pa lamang nag-iisip ng isasagot sa kanya ng muli ay tumunog ang cellphone ko para sa panibagong mensahe niya.

Agapius:

I'm here outside the building, hihintayin kita Aiko.

Sa puntong ito ay napakunot noo na ako. Bukod sa nasa labas na siya ay tinawag na naman niya ako sa pangalawang pangalan ko. Does it mean...pwede ko na ba siyang tawagin sa pangalan niya noon?

Muntik ng mapasigaw sa gulat ng tumunog ulit ang phone ko. But this time, he's now calling. Seriously?

"Hello..." kinakabahan na sagot ko.

"Hi." paos at malalim na sambit niya. I bit my bottom lips as I look around to check if my supervisor's around.

"B-Bakit?" pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko maunawaan kung dahil ba ito sa pagtawag niya o sa takot na baka mahuli ako na may kausap sa oras ng trabaho.

"Sorry, I thought you're busy. Hindi ka kasi sumasagot." sagot niya habang yumuko ako ng bahagya. "Anyway, nandito na ako sa labas. Just text me if it's your lunch break." wala sa sariling napatingin sa wrist watch ko. It's still freaking 11:30! trenta minutos pa siyang maghihintay, iyong totoo?

"Why so early----wait! hintayin mo nalang ako." hindi na hinintay pa ang kanyang sagot. I immediately ended the call when I saw Sir Justine entered the office. Supervisor namin na masungit.

He seriously look at us and I simply put down my phone on my lap. Mabilis din naman tumalikod si Sir Justine at pumasok sa opisina nito na nasa tabi lang din ng pintuan namin. Hindi mapakali sa upuan ko, isang tawag ang natanggap ko sa customer para magpa-reserve. Doon ko na inubos ang oras ko kahit na ilang beses na pinuna ng customer dulot ng mali-maling sagot ko. How can I clearly focus if my mind is outside the building?

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon