22. Lorene Fermejo [Part 6]

2.6K 37 4
                                    

Sorry sa matagal na paghihintay. Let's just pray na sana matapos na ang quarantine para may work at pan'load na next time haha.

P.S Ginamit ko iyong name dito ng mga readers na madalas mag votes at comment. Hehe (Sorry for not asking your permission ladies. Hindi ko din kasi sure kung iyon talaga ang real name niyo. ^_^.V ) sana okay lang sa inyo. Lovelots :*

WARNING: THIS STORY IS "NOT EDITED" AND REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

"READ AT YOUR OWN RISK!"

22. Lorene Fermejo [Part 6]

Sabi nila, kapag nababagalan ka sa oras. Isipin mo lang ang nakaraan o ang mga bagay na lumipas na. In that case, you will realized how fast our time is. It's either masaya man tayo o malungkot ngayon, sa susunod na bukas o sa mga susunod pang araw. There's a lot of unexpected things ahead of us. Kagaya nalang ngayon.

Today is Clarissa and Johnny's wedding. Parang kailan lang noong nagkaroon kami ng kontrata tungkol sa design ng bahay nila. Pero ngayon, I never imagine myself to be one of their guest. Habang pinapanuod ang kanilang lumuluhang mga mata. Exchanging their vows to each other. Dinig na dinig ko ang samu't saring tuwa at lungkot ng mga taong mahal nila sa buhay.

Happiness? Kasi sa wakas nahanap na din nila kung sino ba talaga yung para sa kanila. Iyong hindi mo inaasahan, na sa dinami dami ng tao sa mundo. Sa huli, kayo pala ang nakatadhana na magkakasama hanggang sa pagtanda. Minsan hindi natin alam na nasa tabi na pala natin iyong the one. Kasi madalas, palagi tayong tumitingin kung saan saan. Hanggang sa darating sa point na halos sumuko na tayo. Until we almost forgot, that there is really someone for us.

Loneliness? ito iyong feelings na nakakatakot sa lahat. Kasi minsan may bagay na kapag dumating, natatakot na tayong maiwanan. Or worst, minsan kapag akala natin na siya na...hindi pa pala. Kahit gaano pa katagal ang naging relasyon niyo, o kahit gaano pa kayo katagal nagsama. Sa huli, meron at meron isa sa inyo na kailangan maiwan. Na kailangan masaktan. Hanggang sa nakakalimutan natin, na kakambal nga pala ng pag-ibig ang sakit. That everyone is this world are meant to leave someday.

At iyon ang isa sa mga bagay na kinakatakutan ko. Ang muling maiwan at masaktan. Iyong pakiramdam na muling luluha at parang pasan mo ang lahat ng bigat sa mundo. Hanggang sa darating sa puntong nakakalimutan na natin iyong mga taong totoong pinapahalagahan ka. That we didn't notice how much they really care for us. Umaabot tayo sa puntong pagiging makasarili. Pero sa puntong ito, iyon na ang huling bagay na iisipin ko.

It's either I win or lose. At least ang importante sinubukan ko. I don't want to lose again without trying this time. Kaya naman pagkatapos ng kasal ay picture taking na. Hindi na ako umayaw pa ng hilain ako ni Dylan sa tabi niya. Masayang masaya sina Johnny at Clarissa, with her step sister beside her. Ciation Del Mondragon with her husband Vincent Del Mondragon. Nahihiya man ako ay official ng alam ng pamilya ni Dylan ang tungkol sa amin.

"Bukas na pala ang dating ni Tita Diane. Did she bring Dyanesha?" pagkatapos ng wedding. Dumiretso na kami sa reception at iyon kaagad ang tanong ng ilang kamag-anak ni Dylan.

"Yes, si Daddy lang ang hindi makakasama dahil busy sa bahong project niya." Dylan answered to his cousin, Matilda. Kapatid ito ni Johnny galing pa sa Davao. Dahil taga doon ang napangasawa nito.

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon