INTRODUCTION (Part 1)

192 87 13
                                    




"MAY DALA AKONG PASALUBONG" Sigaw ko mula sa pinto dahil kararating ko lang sa bahay.



Agad naman nagsitakbuhan ang mga kapatid ko mula sa pagkakaupo sa sofa na animoy nanonood ng Tv.



Nilapag ko sa mesa ang mga dala kong pasalubong, binili ko kay Aling Marites. Spaghetti at Biko iyon.



"Anak nakauwi kana pala" nakangiting lumapit sa akin si mama.
Inabot ko sa kaniya ang sweldo ko na sa halagang dalawang libo mula sa pagiging saleslady ko sa mall.



"Nak sa iyo na yan, dagdag mo nalang sa gastusin mo sa paaralan" pagtatangi ni mama sa inaabot kong pera.



"Mama tulong ko na po ito dito sa bahay, wag po kayo mag alala may itinabi po ako para sa akin" pamimilit ko



"Nak alam mo ba hulog ka ng langit sa akin, di ko alam kung ano ang gagawin kung wala ka, dahil wala na kayong tatay" sambit ni mama.



Bumabalik na naman sa akin ang ginawa ni papa, last 2 years ago. Iniwan niya kami dahil sumama siya sa babae niya. Dalawang taon na ang nakakalipas pero ramdam na ramdam ko pa din yung sakit.



Bilang panganay, kailangan kung tulungan si mama para sa gastusin dito sa bahay dahil inabando na kami ni papa.



Mula noon wala na kaming balita sa kaniya. Walang suporta, hindi nagpaparamdam, wala na kaming halaga para sa kaniya.



"Nak magbihis kana at kumain, may paksiw pag diyan na niluto ko kaninang umaga, kumain kana" nakangiting tugon ni mama at tumango naman ako.



Pumunta ako sa banyo para maghalf-bath at dumiretso sa kwarto at nagbihis nagtungo agad ako sa kusina para kumain.



Habang kumakain natatanaw ko ang mga kapatid ko na masayang kumakain ng spaghetti at biko binigyan din nila si mama.



Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila. Napapailing nalang akong isipin na sana'y pinanganak nalang ako na lalaki, kung sakali na alam niya na mangyayari ito.



KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok ako sa paaralan. Tuwing nagkaklase doon ko nararamdaman ang antok at pagod. Lagi naman ako kinukurot ni Johnny dahil tumango-tango ang ulo ko sa sobrang antok.



"Naawa na ako sayo, Hannah" sabi ni Johnny ng maka alis na ang Teacher namin.



"Okey lang ako, tikom mo yang bibig mo matutulog ako" tugon ko na nakatingin sa kaniya.



"Di ka ba kakain?" tanong niya.



"Mamaya na sa pangalawang break" sabi ko sabay baba ng ulo ko sa desk at pinikit ko na ang mata ko.



MAYAMAYA dumating na naman ang isa pang teacher namin. Matanda na siya at puro kwento ng buhay niya ang dini-discuss niya.



Hindi naman niya napapansin ang sa gawi na kinaroroonan ko dahil nakatuon siya dun sa mga sipsip kong mga kaklase.
 


Inopen ko ang cellphone ko na at inopen ang data ko sabay tingin sa IG ko. Tinitignan ko lagi doon ang crush ko. Siya yung nagbibigay sakin ng lakas para gawin ang lahat at sa kaniya napapangiti ako sa tuwing nakikita ang mga picture niya. Feeling ko sa akin lagi dedicated ang caption sa bawat post niya.



——(★^O^★)——



Sa simpleng post ay kinikilig na ako. Ang gwapo niya at sobrang lakas ng dating kaya siguro andami niyang followers at imposible na mapansin niya ako.



——“ψ(`∇´)ψ——




NATAPOS na ang lahat ng klase ko ay nagtungo ako agad sa canteen nandun si Ate Gina na mataray at ang kilay ay parang guhit lang. Tinarayan niya muna ako pero nginitian ko lang siya at tumingin sa gawi ni mama. Nagtitinda si mama dito sa canteen ng mga Burger, candy, biscuit, footlong sandwich.



Nagpaalam lang ako kay mama na papasok na ako sa trabaho ko bilang sales lady sa mall. Tumango naman siya at sabing mag ingat ako.



Lagi ko binabalanse ang oras ko sa pag-aaral at sa pag-tatrabaho. Ang hirap maging working student pero nasasanay na ako dahil wala na si papa na magtutustos samin.



Walong oras ang nilalaan ko sa pag-aaral at pitong oras naman sa trabaho. Siyempre kahit na busy ako sa trabaho ay sumasagi padin sa isip ko ang review. Tuwing araw ng sabado at linggo ay buong araw naman ako sa trabaho.



Ang hirap mawalan ng ama na sumakabilang bahay na. Andaming gastusin sa bahay like renta sa apartment, tubig, ilaw, grocery.



I HATE YOU PAPA







———o((*^▽^*))o———

Don't FORGET to VOTE, COMMENT and FOLLOW ME.

FOR MORE UPDATES, YOU CAN FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS.

FACEBOOK: —Jane Macellones

FACEBOOK PAGE: — Mary Jane Simbajon
— Jaeinmcllns

INSTAGRAM: — @janemacellones021
— @jaeinmcllns

TWITTER: — @jaeinmcllns

Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon