"Excited na po ako pumunta doon" sabay turo ni Glyzelle sa gilid ng dalampasigan.
"Ako rin" sambit ni Wiona.
"Kaya kumain kayo ng marami" payo ni mama.
Nandito kami ngayon sa Oscar's Restaurant sa Malapascua. Dito kasi napili ni Timothy na kumain ng umagahan para makapa masyal kami mamaya sa dalampasigan, may mga sharks daw dito ang sabi nila.
Puro seafoods ang mga kinakain namin nitong mga nakaraang araw pero walang kasawaan ang mga kapatid ko, tuwang tuwa pa.
Nang matapos kumain tuwang tuwa naman ang mga kapatid ko at nagtakbuhan pa sa dalampasigan. Bumabalik din sila kapag ang tubig ay umaabot sa pangpang. Ang sarap nilang pagmasdan na tuwang tuwa na nilalaro ang tubig sa karagatan.
"Gusto niyo mamangka?" tanong ni Timothy.
"Ah pwede ba?" tanong ko.
"Oo" sagot niya."May pating daw dito?" tanong ni mama.
"Oo pero mababait naman yun" sagot ni Timothy.
"Nakakatakot pa rin" sabat ni mama, kahit ako takot e.
"Tara, nag rent ako ng bangka" yaya ni Timothy.
"Wiona, Glyzelle likayo rito" sigaw ni mama, at lumapit pa.
"Gusto mo mag dive?" tanong ni Timothy ng wala na si mama.
"Ha?"
"Oh tara na" sambit ni mama ng makabalik kasama na si Wiona at Glyzelle.
Habang naglalakad kami papunta sa bangka ay inihanda na ni Timothy ang Camera niya.
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasySa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...