CHAPTER 07

68 48 3
                                    

Hannah's POV


"Alam mo" turo ni Yna sa mukha ko at lasing na lasing na siya ngayon. "Napakasama mo" dagdag niya na hindi niya na alam ata ang sinasabi. "Matagal na kitang gusto... Alam mo yun... " dagdag niya.


Napaawang ang labi ko sa gulat. Tinignan ko lang siya at natatawa naman ang reaksyon ni Xander.


"Alam mo dude lasing na yan.. Iuwi mo na kaya yan" suhestiyon ni Andrei.


"Ba-bakit ako?" nagugulat kong tanong.


"Syempre ikaw kasama niya pumunta dito kaya dapat ikaw din kasama niya umuwi diba" sambit ni Andrei.


May gusto si Yna kay Timothy, pinasadahan ko naman siya ng tingin. Imposibleng hindi magustuhan ni Timothy si Yna dahil maganda ito at maganda ang hubog ng katawan at isa pa matagal na silang magkasama dahil P.A. niya to.


"Naka motor lang ako" sagot ko.


"Sure ka?" sambit ni Andrei.


"Yeah dude naka motor sila kanina" sabat ni Xander na tatawa tawa dahil sa kasalingan at naalala niya ata ang itsura ni Yna kanina.


"E ikaw kaya mo bang mag drive?" tanong sakin ni Andrei. "Mukhang may tama ka na din kahit dadalawa lang naman ang nainom mo" dagdag niya pa.


Hindi ako sanay uminom, kaya siguro ganun na lang kadali na malasing ako.


"O sige na ako na ang maghahatid kay Yna sa condo nila" suhestiyon ni Xander.


Napatango nalang ako at bumuntong hininga dahil sa kaba at ngayon ay humupa na.


Nang napagdesisyunan naman ni Xander na Ihatid pauwi na si Yna ay nagpaalam na din ako, medyo nahihilo na din kasi ako baka mamaya ay di ko na kayanin pa.


Habang nag dadrive ako ng motor ay pahinto hinto ako dahil sa nakakaramdam ako ng pagsusuka at sakit sa ulo.


Halos tatlong apat na oras din akong nag drive pauwi dahil pahinto hinto ako para magsuka.


Nang makauwi ako, sinalubong ako ng mga katulong at inaalalayan. Nakita ko naman na naghihimutok ang anak ni manang Belinda sa sala.


Ngumiti muna ito bago napalitan ng gulat at pagtataka dahil sa itsura ko, hindi ko na din siya kinausap at nagtungo na lang sa kwarto.


Nagsuka muna ako bago ako naligo. Ang sama ng pakiramdam ko, hindi ko maintindihan, masakit ang ulo at tiyan ko kakasuka.


Mabilis naman akong nakatulog ng gabing din iyun. Kinabukasan tanghali na ako nagising at sobrang sakit ng ulo ko.


Pumasok naman si manang Belinda na may dalang gamot at tubig. "masakit ba ang ulo mo, dahil sa yang over yan sir, uminom ka muna ng gamot" sambit niya.


Tumango na lang ako at kinuha ang baso ng tubig at uminom ng gamot. "Hindi ka ba baba sir para kumain?" tanong niya. Di naman ako nakapagsalita kaya nagsalita na naman siya "dadalhin ko na lang po dito ang pagkain niyo" dagdag niya.


Tumango naman ako kaya lumabas na siya dala ang tray na pinaglagyan niya ng tubig ko kanina. Pumunta na na ako sa banyo dito sa loob ng kwarto para umihi.


"Sir, narito na po ang pagkain niyo, kumain na po kayo" tawag ni manang Belinda mula sa kwarto ko.


"Sige ho" sagot ko.


Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon