CHAPTER 22

40 17 1
                                    

Hannah's POV


"Mahal kita Timothy" tanging sambit ko.




"Ha?"




"Mahal kita" sabay yuko.




Ang mga humihikbi kong mga kapatid ay tila kumikinang na ngayon ang mga mata.




"Totoo ba yan?" naniniguradong tanong niya.




"Oo nga"




"Yessss" sabay yakap sa'kin.




"Hijo kaila——"




"Marlon"




"Beatriz"




Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang mali ang plano kong magpasundo kay papa dahil nagkita sila ngayon ni mama.




"Daddy" tumatakbo ngayon si Tonton palapit sa'min.




Napatingin ako ngayon kay mama na may namumuong luha na sa kaniyang mga mata.




"Ah mama mauna na po kami baka gabihin po kami sa byahe" pagpapaalam ko. "Halika na tito" baling ko kay papa dahil naistatwa ito ng makita si mama. "Baby halika na" bati ko kay Tonton sabay buhat dito.




"Marlon" sambit ni mama.




Napalunok na lang ako, pinipigilan ang galit. Papalit-palit naman ang tingin ni Timothy at si Glyzelle ay umiiyak na ngayon samantalang nagtataka naman si Wiona sa nangyayari.




Mabilis na naglakad si papa patungo sa van. Lumingon pa'ko kay mama at pilit na ngumiti, nasasaktan din ako sa kalagayan niya.




"Hijo, ayos ka lang" boses ni lola na pumukaw sa'kin. Kanina pa pala ako tulala habang nasa hapagkainan.




"Opo" sagot ko.




Patapos na sila at ako ay ngayon palang nag uumpisang sumubo. Masasarap at madami ang nakahain ngunit tila wala akong gana at ayaw tanggapin nang aking bibig ang lahat ng iyon.




Tinitigan kong maigi si papa, may kakaiba siya ngayon na ikinikilos, simula kahapon ng makabalik kami dito. Alam kong nag iisip din siya tulad ko. Bumuntong hininga na lang ako dahil hindi ko na kaya pang kumain pa.




"How's your girlfriend?" tanong ni tita Lori.




"I think she's fine" sagot ko




"May girlfriend ka Hijo? pwede ba natin siyang imbitahin dito?" tanong ni lola.




Napatingin ako ngayon kay papa, nakatingin din siya sa'kin. Nagtama ang mga mata, tila'y may sinasabi ang kaniyang mga mata na hindi ko pwede papuntahin dito ang pamilya niya.




"Busy po sila ngayon" tanging sagot ko, hindi ako sigurado kung busy sila dahil alam ko masasaktan lang sila pag sinabi ko pa sa kanila.




"Ganun ba" buntong hininga "maybe next time" dagdag ni lola.




Araw ng mga patay ngayon, dumalaw kami sa puntod ng lolo ni Timothy. Halos nakikiramay ang panahon sa'min. Umaambon pa tila nagsusumamo gaya ng nararamdaman ko ngayon.




Exchanging Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon