CHAPTER 01
Hannah's POV
"Oh gising kana pala" tumingin ako sa relo na sa pala pulsuhan ko. Napabuntong hininga na lang ako ng marealize na di pala gumagana iyun 'design lang' nakita ko naman na ang paligid ay madalim pa kaya nag expect ako na baka madaling araw na "kumain kana may natira pang paksiw na tamban at kanin" patuloy ni mama.
Tumango lang ako at nagtungo na sa kusina. Pinagbubuksan ko ang mga kalderong naroon 'sakto nga lang sa akin'.
Tahimik akong kumakain sa harap ng gasera. Naputulan kasi kami ng ilaw dahil di kami nakapagbayad ng tatlong buwan.
Habang kumakain ako natatanaw ko si mama na nagbibilang ng pera sa kahoy na upuan.
Kahit medyo madilim ay kitang kita ko kung pano siya mamroblema at ang lungkot sa kaniyang mata.
'Kung may ama lang siguro ako na nandito samin, sinusuportahan kami ay di siguro ganito ang mapagdadaanan naming hirap'
Di ko makalimutan si papa, papa's girl ako kaya ako ang sobrang nasaktan ng iwan niya kami ng dahil sa ipalit niya kami sa babae niya.
Nag-aantay akong mag umaga na pero napakabagal ng oras dahil antagal mag liwanag.
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko ng umilaw iyun. may nag text pala.
'Good thing my battery is 92% huh'
From: Johnny
Musta kana? Musta Cebu?
Nagvibrate ulit.
From: Grace
Namimiss na kita wala na akong nakakausap sa work.
Nagtataka naman ako dahil ang alam ko wala masyadong cignal sa lugar namin. 'Ni hindi ko na nga nadadalaw ang timeline ni krass' napangiti na lang ako. Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng makita ang oras 12:00AM kasabay nun ay may nakita akong batang babae sa labas na nagkakakanta. Sa sobrang curious ko ay pumunta ako roon.
Napalingon sa akin ang batang babaeng mahabang buhok at maganda. Ngumiti naman ako sa kaniya at nginitian din niya ako pabalik.
"Gabi na anong ginagawa mo dito sa labas" lumingon pa ko sa paligid kung sakali ay may kasama siya pero wala akong nakita.
Di siya nagsasalita kaya ako na lang ang nagsalita. Kinuwento ko ang tungkol sa pamilya ko, di ko alam kung naiinitindihan niya ako dahil ang alam ko ay bisaya ang mga naroon kaya baka di niya rin ako naiinitindihan pero nagkwento padin ako, tumatango lang siya sa mga kwento ko.
Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinahaplos yun. Hinayaan ko na lang siya, pakiramdam ko ay gumagaan ang loob ko dahil may nalabasan ako ng problema.
"Gusto mo bang maranasan ang maginhawang buhay kahit kaunti"
Nagulat ako ng magsalita siya, tagalog yun at hindi bisaya. 'So naiinitindihan pala niya ko' Tumango ako sa kaniya. "Gusto ko makita ulit si papa" yun lang ang nasabi ko.
Ngumiti siya sa akin na nagpapahiwatig na makikita ko si papa kaya naluha na naman ako.
"Wag kang mag alala makikita mo na siya, mararanasan mong mabuhay na hindi pinoproblema ang pera, magiging masaya ka tulad ng dati" dire-diretsong tugon niya.
"Pano naman mangyayari yun HA HA HA na..pakaimposible" sabi ko sa kaniya na nagpapanggap na nakangii pero sa loob ko sobrang sakit nun.
"Walang impossible sa taong may hangarin" tumingin ako sa kaniya at nagtama ang paningin namin. Parang kuminang ang mata niya. At sa kislap nun lalo siyang gumanda. Ngumiti na lang ako at napailing iling.
Pumasok na ako sa loob ng bahay ng sabihin ng batang babae na uuwi na daw siya, kasi tumakas lang siya sa bahay nila. 'Nakakatawa naman siya, sa murang edad ay may pagtakas ng nalalaman sa hatinggabi pa'.
Tumingin muna ako sa cellphone ko, may cignal mga dalawang linya kaya sinulit ko na at nag reply sa message nila johnny at Grace sakin.
'Mahirap pero okey naman, masaya' yan ang nireply ko kay Johnny samantalang kay Grace naman sinabi ko na 'namimiss ko na din siya'. Natulog na ako pagtapos ko silang replyan pinatay ko na din ang gasera at tumabi sa mga kapatid ko.
Timothy's POV
Pagmulat ko ng mata ay agad ako napabalikwas ng may pumatong na binti at braso sa katawan ko. Napabangon agad ako ng makitang ang dalawang batang nasa limang taong gulang siguro at walong taon ata.
Nagising naman sila bigla sa nagawa kong ingay. "Ate okey ka lang?" tanong sakin nung five years old.
What? Ate? Wtf!!!!
"Anong ate pinagsasabi mo ha..." natigil ako sa pag sasalita ng mapansin ang boses ko 'bakit pang babae?' wtf.
"Oh gising kana pala kayo baba na kayo kakain na nakapag luto na ko" napalingon ako sa babaeng nakatayo ngayon sa pinto. Siguro mga 30's na siya pero maganda siya at maputi.
Wait nasan ba ko?
"Ate di ka pa ba kakain?" tanong sakin nung eight years old. Napatingin ako sa kaniya at di ko alam ang sasabihin.
'Nanaginip bako? Gosh ayoko dito' sinampal ko pa ang sarili ko pero nasaktan lang ako 'so totoo to'
"Ate okey ka lang bakit mo sinampal sarili mo?" tanong niya ulit sakin.
"Di ka pa ba kakain?" Tanong naman nung 5 years old ata.
Hinahantay ba nila ako?
"Ah sige una na kayo mamaya na ako kakain!" sabi ko na lang para bumaba na sila.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid na ito. Kawayan ang sahig at banig ang dingding at nipa ang bubong 'wtf' nasan ba talaga ako.
Tinignan ko ang sarili kong damit 'tangina kailan pa ko nag suot ng pambabae' nakapalda ako na mahaba na may bulabulaklak pa. Nakakita ako ng salamin na maliit at tinignan ko ang mukha ko kung pogi pa ba.
Nagulat ako ng makitang babae ang nakita ko sa salamin luminga linga pako baka may ibang tao pa dito bukod sa akin. Kinabahan ako bigla at tumingin ulit sa salamin. Sa sobrang gulat ko ay bigla nalang ako natumba at di ko na alam ang sunod na nangyari.
"Mama gising na si ate" sigaw ng bata na limang taong gulang.
Napabangon na ako agad 'hindi talaga ako nanaginip' nakita kong nagmamadaling umakyat yung babae kanina at sa tingin ko mama nila iyun.
"Anak ano bang nangyari sayo?" nakita ko naman ang pag aalala niya sa akin. 'Wtf mommy ko siya' "Anak nagugutom ka ba? May masakit ba sayo?" dagdag niya.
Tumango na lang at di nagsalita para hayaan na lang nila ako. Nagpahinga na lang ako at nag iisip kung ano ba ang nangyayari sa akin at kung nasan ako!
BINABASA MO ANG
Exchanging Body
FantasiSa mundong ito ay may iba't ibang ang katauhan at nakaugalian base sa kanilang kinalakhan. Isang lalake ang naging walang modo at naging gahaman, mayabang dahil siya ay isang mayaman. Lahat nang bagay na naisin niya ay nakukuha niya. Isang araw, nak...